CHAPTER 6

31 2 0
                                    

If I was drowning
you would part the sea
And risk your life to rescue me.
- Jamie McGuire

______________________________________

KASALUKUYAN kaming nag-aayos ng mga gamit na dadalhin namin mamaya. Sakto lang naman 'yung dinala ko, 'di ko naman na kailangan ng maraming kagamitan. Sinuot ko ngayon 'yung color blue dress na binili ko the other day, then nagsuot rin ako ng heels para presentable naman  'yung looks ko today.

"Oh ma'am tara na po." sabi ni Aling Isadora na kanina pa pala nag hihintay saamin. Nakita ko namang sumunod na rin si Klerk. Nabigla ako sa sinuot ng kapatid ko as-in grabe! ang pogi pala ng kapatid ko!! chinito rin kasi siya. Para siyang a-attend ng js promenade sa suot niyang polo at black slacks kulang nalang ng ka date HAHAHA!
Nakita ko naman siyang nakatingin sa'kin kaya umiwas nalang ako kasi natatawa ako sa ootd niya hahaha!

"Oh baket ate? May problema ba?" Tanong nito sa'kin agad ng makababa siya sa hagdanan. Napalingon naman ako bigla sa kaniya at tinawanan lang siya

"Grabe naman kasi 'yang suot mo, ano? a-attend ka ng Js prom? " pang aasar na sabi ko sa kaniya na naging dahilan upang kumunot ang noo niya HAHAHHA! sorry kapatedz!

"Wow ah? Kung umasta ka parang hindi Karin a-attend sa kasal? may pa suot-suot ka pa ng heels ah!" Pang aasar na bulyaw nito sa'kin, napatingin naman ako agad sa suot ko. Oo nga! Letchee! Hahaha pareho pala kami! Nakakahiya! HAHAHHAHA!

"Oh tama na 'yan hahaha, Tara na at baka mahuli pa tayo sa byahe." singit ni Aling Isadora saamin na tumatawa pa, napakunot naman ako ng noo dahil sa kahihiyan na natamo ko, jusko! huwag mo talaga gawin ang bagay na ayaw mong gawin pabalik sayo! I swear! Magsisisi ka tulad ko!

Kinuha ko na agad ang mga gamit ko at binitbit 'to, wala ng katulong na aalalay eh. Ayoko naman pagbuhatin si Aling Isa dahil matanda na siya, nagsiuwian narin kasi kahapon ang iba pa naming kasambahay at driver kaya kahit mahirap mamuhay sa buhay na hindi ko nakasanayan kailangan ko talagang tanggapin at mag adjust dahil ito na ang reality hindi na kami kagaya dati na buhay prinsesa lang, but the question is makakaya ko ba? Makakaya ko ba ang mag adjust sa life na hindi namin nakasanayan?

Bago ako tuloyang lumabas sa gate sinulyapan ko muna ang house namin, our mansion... Ang mga memories na maiiwan namin sa lugar na 'to, mga masasayang ala-ala that will last forever in my heart.

"Paalam mama...paalam papa. Today is the right time to say goodbye." huling bulong ko habang nakatitig sa bahay bago ako tuloyang lumabas sa gate, tumulo naman ang luha ko pagka talikod ko sa bahay. Ang sakit! Grabe! I couldn't believe na mangyayari 'to sa buhay namin!

"Upo na po kayo ma'am, dito tayo sa tatlong upuan." tugon ni Aling Isa pagkasakay namin dito sa bus, agad naman akong umupo katabi ng bintana dahil favorite spot ko talaga dito para makapag muni-muni hahaha! katabi ko naman si Klerk at nasa dulo si Aling Isa.

Grabe first time kong sumakay sa bus na walang aircon ha! Legit 'yung init! pero dahil nagtitipid ako, kakayanin! Hahaha. Tumingin naman ako sa kapatid ko at nakita ko siyang pawisan habang si Aling Isa ay mahimbing na natutulog, papano kaya siya nakakatulog sa ganito ka init na sasakyan? Jusko!

"Ate! Why you didn't chose the bus na may aircon? Hays! Ang init init." bulyaw niya sa'kin ng kapatid ko habang pinupunasan ang kaniyang mukha papunta sa leeg. "Okay, I'm sorry na kapatid, ang howwwt ko kasi!!" Pang-aasar na sambit ko sa kaniya hahaha! Agad naman niya akong binatukan dahil sa kalokohan ko pero tinawanan ko lang siya. Hahhaha!

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Jun 27, 2020 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

AMOR POSPUESTO (ONGOING)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum