CHAPTER 4

31 4 0
                                    


"Life would be tragic
If it weren't funny."
- Stephen Hawking

______________________________________

IMINULAT ko agad ang aking mga mata, nakita kong nasa higaan na pala ako ng aking silid, maya't maya lang may biglang kumatok sa pinto

"Ma'am! Mabuti po at gising na kayo" saad sa'kin ni Aling Isadora, may dala-dala itong tray ng pagkain at may gamot sa gilid nito. Hinawakan ko agad ang ulo ko dahil nakaramdam na naman ako ng kirot, ano bang nangyayari sa'kin? Sa tuwing naalala ko 'yun ay sumasakit lang bigla ang ulo ko, anong ibig sabihin nun?

"Aling Isadora ano pong nangyari sa'kin?" Pahabol kong tanong kay yaya bago siya tuluyang makalabas ng pinto.

"Ma'am, nahimatay po kayo noong isang araw at ngayon lang po kayo nagising. Sa tingin ko po matindi po ang sakit na iyong nararamdaman kasi sino ba namang hindi masasaktan pag nawalan ng magulang. Magpahinga nalang po muna kayo para lumakas kayo." sagot niya sa'kin,  yumuko nalang ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya, tumalikod at lumabas na si Aling Isadora pagkatapos niyang sabihin 'yun. Bakit sa tuwing na aalala  ko 'yung panaginip ko ay sumasakit ang ulo ko? Anung meron sa panaginip na 'yun? Bakit parang kakaiba? Kumunot naman ang noo ko dahil sa kakaisip ng mga bagay na 'yun.

Tumayo nalang ako sa higaan ko dahil gusto kong makalanghap ng sariwang hangin, tumingin naman ako sa bintana at nakita kong umuulan. Tanaw na tanaw ko ang makulimlim na kalangitan, mga hangin na dumadampo sa balat ko na para bang nais nitong yakapin ako. Tila sumasabay sa pakiramdam ko ang panahon ngayon. Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa matinding sakit na nadarama ko ngayon, para akong isang salamin na paulit-ulit binabasag at mahirap na ibalik sa dating anyo. Ang dating Ella na go with the flow lang sa lahat ay nagbabago na ngayon, hindi ko na alam 'di ko na kilala ang sarili ko.

Niyakap ko nalang ang sarili ko dahil sa lamig ng panahon ngayon, ang lakas ng ulan parang mga luha ko na bumubuhos ngayon, sana talaga maayos na ang lahat.. kung alam ko lang na huling bonding na pala namin nung birthday party ni mommy ay sinulit ko na, sana hindi ko sinayang ang mga oras na kasama ko pa sila, ang hirap... hindi ako sanay sa ganito.

Kinabukasan maaga akong nagising dahil gusto kong mamasyal sa mall upang maalis 'yung lungkot na nadarama ko kahit papano, ayoko namang ma depressed dahil dun. I know it's hard to forget but sooner or later the pain that I am feeling right will fade, I know it takes more time to heal but we need to wait for the perfect timing sabi nga nila the best is yet to come! Kaya huwag tayong mawalan ng pag-asa, hangga't kaya natin bumangon sa higaan gawin natin at huwag mag sayang ng oras.

"Oh ate may lakad ka?" tanong sa'kin ni Klerk bago ako makaupo sa chair, tumango nalang ako sa kaniya at mukhang nakumbinse naman siya dahil 'di na siya umimik, pansin ko lang na madalas siyang nakulong sa kwarto niya. Dati gumagala siya kung saan-saan eh, ngayon puro kwarto nalang siya.

"Bro, sama ka sa mall pasyal tayo." pag-aaya ko sa kaniya at agad naman siyang napalingon sa'kin.  "Seriously ate? May gana paba akong mamasyal sa lagay na 'to?" buong sagot nito sabay kain ng hotdog. Nakakalungkot lang makita na nagkakaganito ang kapatid ko dahil sa nangyari sa pamilya namin. Ang dating Klerk na kapatid ko ay unti-unting nagbabago na rin.
"Kasi naman eh lagi ka nalang nakakulong sa kwarto mo, 'di kana nasisinagan ng araw. Tara manuod tayo sine." dagdag ko pa ulit pero hindi na siya sumagot dahil busy siya sa kinakain niya, napanguso nalang ako dahil hindi ko siya mapilit

Kasalukuyan akong nag ikot-ikot dito sa loob ng mall, nais kong maglibang ng sarili ko para mawala sa isip ko 'yung lungkot. Nakita ko ang isang boutique dito sa left side at agad kuminabg ang mga mata ko sa nakita kong nakasulat,

AMOR POSPUESTO (ONGOING)Место, где живут истории. Откройте их для себя