Sei

457 26 8
                                    


Nanlamig ako sa sinabi nya. What?

"Omg, don't tell me... ayaw mo'kong mabastos?!?"

Nilingon ko siya at imbes na sagutin ako ay umigting lamang ang mga panga nya.

Mas napangiti ako.

"Okay. I'll act as if I didn't hear anything." nakangisi kong sinabi

"Tss. Stop being so delusional." panunupalpal na naman nya sa'kin

Imbes na mainis ay mas napangisi ako.

"But.... how was the food I gave you again, Chase?"

Nilingon na niya ako ngayon... tila nagulat ata sa tinawag ko sa kanya. His thick brows rose as he pressed his lips together.

"Stop calling me that." saway nya

"Why can't I call you that? It's cool kaya. Chase. Bagay sayo. Nagpapahabol ka kase."

"I didn't told you to do so." aniya

"Ang sungit mo na naman. Eh sa gusto nga kita."

Why did it sounded so natural? I'm so good at acting na talaga hahahaha?

Hindi na niya ako sinagot hanggang sa makarating kami sa bahay.

"Text kita later, reply ka ah?" pagdedemand ko

He looked at me like I said something ridiculous.

"If I don't?" nanghahamon nyang tanong

Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Then I will make sure your inbox will explode." nakangisi kong sagot

He rolled his eyes at me.

"Lumabas ka na nga. Kulit mo." pagsusungit na nya naman

I laughed when I saw how his brows furrowed again. Oh, how I like the sight of him looking so irritated!

Ang cute nyang mairita.De joke, gwapo siya mairita. Joke again. Hindi siya gwapo. Hindi rin siya cute. He's gorgeous.

"Fine. I'll go now. Drive safely, okay? Sasagutin pa kita."

"Thick faced."

I laughed more while going out when I heard him murmur that.

Pinaharurot na nya ang kanyang kotse habang ako'y ngiting-ngiting pinagmamasdan ang kanyang paglayo.

"Saya natin ah?" puna ni ate... nagtapon ata siya ng basura

"Inihatid lang naman ako ng nililigawan ko. Hahahaha. I'm really irresistable."

Nagmake-face si ate.

"Kapal ng mukha mo. Ikaw nagpahatid no? Sus kilala kita! Kaya pala hindi mo dala sasakyan mo kanina! Yan ba ang nanliligaw? Nagpapahatid?"

"Ano ba dapat?"

"Tangek... edi dapat ikaw ang naghahatid. Boba neto."

Ganun ba yun? Ay oo nga pala. But... may originality ako kaya pwede na hahaha. Tsaka may exemptions basta maganda.

After we ate our dinner, I excitedly typed something to send to Chase.

Julia:

hi

I cringed at my own text but still sent it to him.

Fudge... ngayon lang ako nag 'hi' first! And take note.... I hate texting! This damning dare really made me experience a lot of 'first times'.

I'll Never Love AgainМесто, где живут истории. Откройте их для себя