Diece

478 27 3
                                    


I woke up almost midnight. Maayos na ang pakiramdam ko kaya agad na akong dumiretso sa kusina para kumain... I'm hungry kase diretso tulog ako kanina.

Buti nalang I saw steak on our table... niluto ni ate. Agad ko iyong nilantakan hanggang sa may maalala...

Oh shoot! I was suppose to ride with Chase! Baka... naghintay sya? Pero... hindi naman siguro?

After eating I checked on my phone kung may message nya ba pero wala naman akong nakita kaya baka hindi na nya ako hinintay. Kahit na ganun ang iniisip ko, I still texted him.

Julia:

Chase, sorry hindi na ako nakasabay sayo. I had dysmenorrhea kase.

For sure he's not going to see it, anong oras na kay--

My eyes widened when my phone rang. I immediately answered the call and my phone almost fell when I heard Chase's hoarse voice.

"How are you? Masakit parin ba puson mo?"

Natuod ako nang marinig ang 'concern' sa boses nya.... ang traydor kong puso ay labis-labis na naman ang tahip.

"H-Hindi na... I'm okay now."

I heard him sighed heavily as if... nabunutan siya ng tinik sa sinabi ko.

Seriously...

"Buti gising ka pa.." I said in a low-voice...

I'm now biting my lips, preventing it from getting stretched.

Kailan pa ako natuwa sa isang tawag? Ngayon lang ata....

"I was studying." sagot nya

I nodded to myself... yeah right.

"I'm bothering you now, then?"

"I wouldn't call you if you are."

Hindi na tuloy ako nakasagot.... kase naman, this is the first time-- no, the second time he called me... and....

"Sinong naghatid sayo?" dinig ko ang kaseryosuhan sa tanong nya

"My friends..."

"Hmm.." he answered as if he's nodding

"U-Uh... naghintay ka ba?"

Kinagat ko ang labi ko... please tell mo no.

"Hindi na importante yun, ang importante, maayos na ang pakiramdam mo."

My eyes widened.... naghintay nga siya?!?

Kung bakit ba kase wrong timing yung dysmenorrhea ko eh!

"Naghintay ka nga... sorry, I'll make it up to you tomorrow nalang. Can we have lunch together tomorrow? Treat ko ha... wag mo kong pigilan."

"Okay lang sayong makita tayo ng iba?"

My lips parted at his question... it's as if he wanted to..... ask me for my convenience.

Okay nga lang ba sa'kin? Merong parte sa'king okay lang... meron ding hindi.

It's not that kinakahiya ko siya kase wala namang nakakahiya sa kanya..... It's just that... I must admit na naapektuhan ako sa mga sinabi nung mga babae tungkol sa'min nung nakaraan.

I think I don't want to hear things like that... na hindi kami bagay kase masyado siyang mabuti para sa'kin..?

'Truth hurts, doesn't it Julia?'

Funny how my words were coming back to me now.

But... Hey you Julia Meneses... anong truth HURTS? Bakit... bakit ka naman nasasaktan?

I'll Never Love AgainDonde viven las historias. Descúbrelo ahora