Epilogo

1.2K 35 39
                                    

You can play the song I'll Never Love Again by Lady Gaga to feel this chapter more :)

Natulos ako sa aking kinatatayuan nang masilayan ang lalaking pinakamamahal ko. Tanaw na tanaw ko siya mula sa labas.....ayun siya... walang malay habang napakadaming apparatus na nakatusok sa kanyang katawan. Nakausap na namin ang doktor... at sinabing may pumutok daw na ugat sa kanyang ulo kaya comatose siya... na siyang nagpalala pa ng kanyang sitwasyon.

Hindi ko kaya... hindi ko kayang tignan siya. Hindi ko kayang nakikita siyang ganito.

"J-Julia.."

Napahawak ako sa braso ni ate nang manghina ng husto. Kay sikip ng dibdib ko at tila hindi ako pinapasukan ng hangin.

Ang sakit. Ang sakit.

"A-Ate, bakit? Bakit nagkaganito bigla?" nanghihina kong tanong

Magkatext lang kami kahapon... anong nangyari? Bakit kay bilis naman.

At bakit wala akong kaalam-alam? Na may malubha pala siyang karamdaman?

Chase bakit? Bakit ka naglihim? Hindi ako magbibingi-bingihan, kung sana... kung sana nagsabi ka! Kung sana... ipinaalam mo sa akin, mahal.

Tagaktak ang luha ko nang yapusin ako ni ate. Napahikbi ako sa kanyang balikat... hindi alam ang gagawin... hindi alam ang dapat maramdaman.. punong-puno ng pait at sakit ang aking puso.

"Bakit sa dinami-dami ng taong pwedeng magkaganito? Bakit siya pa? Bakit pa ang lalaking... tanging nagpatibok ng puso ko? At bakit sa dinami-dami ng pagkakataon... bakit ngayon pa? Bakit kung kailan... magkakaanak na kami, saka magkakaganito? Bakit.. ate, bakit?!?"

Hinaplos ni ate ang aking buhok habang ang balikat ko'y nanginginig na sa kakaiyak.

Kung panaginip lang 'to... nagmamakaawa ako... gisingin niyo na ako! Please lang... gisingin niya ako... ayoko... ayoko ng ganito.

I'll Never Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon