Quindici

672 28 7
                                    


"Aries anak, d-dumudugo yung ilong mo!" natatarantang puna ni Mama habang nakaturo sa akin

Napalunok ako at sinubukang hawakan ang aking ilong. Nakaramdam ako ng takot nang makitang may dugo ngang nasama sa aking daliri.

"Beth! Beth! Magdala ka ng tissue! Tissue!"

Dinaluhan ako ni Mama at bakas na bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala kaya pinilit kong ngumiti para maibsan ang kanyang pag-aalala.

"Ma'am eto na po!" maging ang aming kasama sa bahay ay nataranta din

"Anak tingin ka sa taas!"

Agad akong tumalima habang si Mama ang nagpupunas sa aking ilong. Nakaramdam ako ng kaba nang makitang punong-puno ng dugo iyong tissue na ipinamahid niya.

"M-Mama.." naiiyak kong tawag

Hinawakan ni Mama ang magkabila kong balikat at tinignan ako sa mga mata. Marahan niyang pinunasan ang mga luhang namuo sa aking mata.

"Calm down, Aries.. you're okay, okay?"

Pinakalma ako ni Mama kaya unti-unting naibsan ang takot na naramdaman ko.

Doon nagsimula ang lahat. Sa simpleng pagdugo ng ilong noong isa pa lamang akong anim na taong gulang. Hindi na iyon nasundan pa kaya akala namin... wala lang iyon. Hanggang sa isang araw, hindi ko maintindihan kung bakit bigla nalamang umikot ang aking paningin.

"Ate B-Beth..."

Nanlalaki ang mata ng aming kasambahay nang makita akong nanghihina at hilong-hilo.

"Ser! Ser Aries!"

Sakto akong nadaluhan ni ate nang tuluyang kainin ng dilim ang aking paningin.

After that incident, agad akong ipinacheck-up nina Mama at Papa at doon namin napag-alamang mayroon pa la akong Leukemia. Cancer sa dugo. Noon, sobra akong natakot dahil... kapag sinabing cancer, ang tingin ng batang ako ay hindi na ako magtatagal sa mundo. Pero pilit na iwinagsi nina Mama ang aking ganoong kaisipan, ipinaintindi nila  sa akin na magagamot pa ako... na gagaling pa ako. Kaya nagpagamot ako, halos dalawang beses sa isang linggo akong bumibisita sa ospital, kasa-kasama si Mama dahil si Papa ay abala sa pag-asikaso sa aming mga negosyo.

Dahil sa kalagayan, pumayat ako ng husto kaya nagdesisyon sina Mama at Papa na ihome-school nalang ako. Kaya, lumaki akong malayo sa mga tao..  wala akong kaibigan pero hindi ako kailanman nalungkot dahil sa araw-araw, mas napapalapit ako sa aking mga magulang....lalong-lalo na kay Mama. Wala akong kapatid kaya sa mga panahong iyon, sila lamang ang pinaghugutan ko ng lakas. Spoiled ako, lahat ng luhong hingin ko ay ibinibigay nila. May sakit man, pakiramdam ko, ako ang pinakamaswerteng anak.

Everything was fine for me not until my mother told me something about my real identity.

"Anak, may sasabihin ako sayo." kinuha ni Mama ang aking kamay matapos niyang maupo sa aking kama

Inayos ko muna ang aking suot na glasses.

"What is it, Mama?"

Pinisil niya ang aking kamay bago nagsalita.

"May sasabihin ako sayo, Aries... sana wag kang magalit."

Kumunot ang noo ko. Ako na mismo ang humawak ng mahigpit sa kanyang kamay para maramdaman na handa akong makinig.

"Hindi ako magagalit sayo, Mama."

Kitang-kita ko ang pagdaan ng lungkot sa kanyang mga mata at ang pangingilid ng kanyang mga luha.

"H-Hindi kami ni Papa mo ang tunay mong mga magulang, anak."

Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ko sa narinig nya. Nabingi ako sa kanyang sinabi at hindi ko napigilan ang sariling maguluhan.

I'll Never Love AgainWhere stories live. Discover now