Truth - 07

25 2 4
                                    

Photobomber

"Kuya Dwight, may extra ka pang ballpen? Pahiram naman ako. Nawawala yung akin eh."

"Saglit lang ah, check ko."

Dwight reached for his pencase inside his bag, only to find nothing. Hinanap niya ulit ito nang maigi at hinalughog na ang iba pang lagayan sa bag pero di niya pa rin makita.

Naiwan ko ata sa bahay.

He turned towards his classmate Joy and smiled apologetically.

"Uy, sorry. Naiwan ko ata sa bahay yung extra ko."

Joy immediately went to her other classmates to borrow.

Dwight is now a Grade 8 student and alam niyang papalapit na siya sa peak ng academic pressure ng pagiging isang Junior High, kung hindi niya pa ito nararanasan. Ang akala niya ay sa isang normal na eskwelahan lamang siya ie-enroll ng kanyang magulang, pero nagkamali siya.

I didn't know.

La Casa Espada Institute of Learning and Education o LCEILE (pronounced as lesil) is an integrated school located inside their neighborhood. It covers a 1500 meters squared land filled with trees, shrubs, flowers, buildings and of course the facilitators - the people, composed primarily by the students and the administration.

LCEILE belonged to the private circle of schools that hones, shapes and molds the best students, while, gently, extorting money from them through the use of the famed "tuition and miscellaneous fee".

Of course.

I didn't know.

He, a Grade 8 student, has no say on his education.

Kung ipapasok siya ng ama sa isang private institution, okay. Kung ie-enroll siya sa isang public school, okay. Kung ipapadala siya sa isang boarding school, okay.

But I understand. It's just that.

I didn't know.

"Guys, announcement!"

Nakuha ng kanilang presidente si Kristine ang atensyon ng lahat na pawang busy sa kani-kanilang buhay.

"Hoy, makinig muna kayo kay Ate Tine! Tama na muna ML dyan," bulyaw ni Andeng sa mga kaklase nilang nasa likod na animo'y walang naririnig at panay pa rin ang pagtitipa sa cellphone.

"Hayaan mo na nga lang sila 'Te Tine. Tuloy mo na lang, bahala sila dyan," wika ni Andeng sa kanilang pangulo.

Napailing na lang si Kristine at ipinag-patuloy ang sasabihin.

"Okay guys. Pinapasabi ni Miss France na ipasa na raw yung assignment sa Basic Algebra ngayong lunch. Wala kasi siya mamayang elective natin. Sakin niyo na lang pala ipasa."

Pagkasabi na pagkasabi ni Kristine nito ay nagsi-ayos ang section ni Dwight at natatarantang nagsagot ang mga kaklase niya. Nagkokopyahan pa nga ang iba ng solutions pati sagot dahil wala ng oras.

Buti na lang at natapos na niya itong sagutan kagabi kaya kahit maagang pinapapasa, okay lang.

"Master, tapos ka na 'di ba? Pakopya naman," sambit ni Otep habang hawak-hawak ang answer sheet ng activity. Naka-ngiti na parang isang aso kahit manok ang inaasar sa kanya ng mga kaibigan.

Inilabas naman niya ang sarili niyang activity paper mula sa bag niya at iniabot sa kaklase.

"Ibalik mo nang maayos ah," paalala niya kay Otep bago pumunta ng cr.

Familia FontanillaWhere stories live. Discover now