CHAPTER 11

2K 95 0
                                    

ICE DE GUZMAN'S POV

"kamusta nasundan mo ba siya?" tanong sa akin ni Kuya Wind.

"Hindi po, ang bilis ng lakad eh hindi ko siya nahabol" sagot ko.

Hindi ko na sasabihin sa kanila ang nakita ko. Siguro ay nag-aalala lang siya sa ex-girlfriend niya kaya siya nandun.

Oo. Si Patricia yung nakaconfine. Hindi ko na inalam kung bakit pero kitang kita ko ang pag-aalala ni Ralph sa kaniya.

Mahal pa rin ba ni Ralph si Patricia? Paano na ako?

Mali.

Alam kong ako ang mahal ni Ralph baka nag-aalala lang talaga siya.

Hindi ako mapakali dito sa kwarto ko sa kakaisip.

Mabuti pa eh magpalad-lakad muna ako. Nagbihis ako ng pambahay tsaka lumabas.

Habang naglalakad ako eh iniisip ko pa rin ang nakita ko. Bakit nagseselos ako kung alam ko namang ako talaga ang mahal ni Ralph.

Pero normal lang naman ang magselos diba?

Napansin kong nandito na pala ako sa harap ng hospital. Malapit lang kasi ang hospital sa bahay namin at sa school kaya hindi ko napansin na nandito na pala ako.

Nakita kong lumabas si Justin. Lalapitan ko sana siya kaso lumabas din si Ralph.

Nagtago ako para hindi niya ako makita. Hindi ko naririnig yung pinag-uusapan nila pero halatang seryoso sila.

Kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko siya.

"Hello" sabi niya sa kabilang linya.

"Uyy bigla kang bumaba kanina? saan ka ba pumunta?" tanong ko.

"Ah wala naalala ko kasi kanina na may groupings pala kami ng mga kaklase ko, hindi na ako nakapag-paalam" hindi ako nakasagot sa kaniya.

Bakit kailangan niyang magsinungaling?

"Great, nice lying" yun nalang ang nasabi ko at pinatay ko na ang tawag ko sa kanya.

Nag-umpisa na din akong maglakad papauwi kahit na alam kong anomang oras ay tutulo na 'tong luha ko.

"Ice!" diri-diretcho lang ako sa paglalakad.

Pero hinawakan niya ako sa braso dahilan para mahinto ako sa paglalakad.

"Bitawan mo ko" sabi ko sa kaniya.

"Let me explain" sabi niya sa akin.

"Umuwi ka na magpahinga ka na, tsaka mo na ako kausapin" sabi ko sa kaniya. Tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa braso ko.

Tsaka ako naglakad. Hindi ko na napigilan ang luha ko. Buti nalang papasok na ako sa shortcut pauwi sa amin.

Nang makarating ako sa harap ng bahay namin ay umupo muna ako sa gatter.

Pinunas ko ang luha ko para hindi nila mahalata na umiyak ako.

Bakit ba ako nagkakaganito.

Nilabas ko ang cellphone ko tapos tinawagan ko si Mama.

"Ma, nanjan ka na ba sa bahay mo?" tanong ko sa kaniya.

"Pwede ba akong pumunta jan?" tanong ko sa kaniya.

"Ah eh. Oo, sige, punta ka na dito sakto malapit na kami kumain, dito ka na kumain" sabi niya sa kabilang linya.

Tumayo na ako tapos naglakad. Nandito lang din kasi sa loob ng subdivision bahay ni Mama.

The Campus Heartthrob's Suitor (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon