Book 2 Chapter 19

522 24 0
                                    

RALPH'S POV

NOVEMBER 25, Friday

"Announcement class magkakaroon tayo ng 3 Days Christmas Camping sa Sierra Madre this coming December 11 to December 13. Pwede na kayong magbayad sa cashier until December 7" announcement ni Sir Dex sa amin since siya ang naghahandle sa section namin.

"Anong oras alis natin Sir?" tanong ng isa kong kaklase.

"Sunday afternoon. Pagdating natin doon parang may arrival camp fire yata. Pero magsisimula ang mga activities ng Monday" sabi ni Sir Dex.

Kita naman sa mga kaklase ko ang saya at excitement nila.

Pagkatapos namin ng klase eh bumaba na kaagad kami ni James, Patricia at Justin.

Si Seven hindi pumasok. Hindi nga nagtext eh kung bakit.

Dumiretso na kami sa kubo.

Maya-maya eh dumating na si Toey kasama si Kuya Land at Joey, pati si Tenison at Light.

"Nasaan si Ice?" tanong ko sa kanila.

"Kasama yung kagrupo niya sa Bus102, pinauna na kami dito" sagot naman ni Toey na akbay-akbay ni James.

"Ah okay" sabi ko.

"Si Seven pala tsaka si Sib nagtext na sa inyo?" tanong ni James.

Nagtinginan kaming lahat sa isat-isa naghihintay ng sasagot.

"Hoy!" napatingin kami sa sumigaw.

Si Seven at Sib. Nakapang-alis sila.

"Saan kayo galing? Bakit hindi kayo pumasok?" tanong ni Toey.

"Ah eh nagfile kasi ako ng release tsaka drop form" sabi ni Sib.

Nagulat kaming lahat sa sinabi niya.

"Bakit? Saan ka pupunta?" tanong ni Light.

"Sa Thailand, doon na ako titira" sabi ni Sib na kinalungkot naman namin.

"Teka bakit?" tanong ni Light sa pinsan niya.

"Si Lola kasi, may sakit, nasa hospital ngayon. Ang gusto niya habang nabubuhay daw siya eh kasama niya kami" sagot ni Sib.

"Eh bakit si Light hindi kasama?" tanong ni James.

"Hindi naman siya apo ng Lola ko eh. Pinsan ko si Light sa mother side. Si Lola naman eh mother ni Papa" sagot ni Sib.

"Ahh, eh paano si Seven?" tanong ni Toey.

Napatingin naman kaming lahat kay Seven. Kitang-kita sa mukha niyanang lungkot.

Napatingin din sa kaniya si Sib.

"Kailan ang alis mo?" tanong ni Kuya Land.

"Bukas na" sagot ni Sib.

"Paano yung pag-aaral mo dun?" tanong naman ni Patricia.

Tingin ako ng tingin sa likod nila Sib at Seven. Umaasa na papunta na si Ice dito.

"Hindi ko nga alam eh" sagot ni Sib.

"Aw. Gusto mo doon ka nalang sa school na pinanggalingan ko? Phil-Thai University yun, Pilipino rin mga magiging kaklase mo dun" sabi ni Kuya Land.

"Sige, paano ba?" tanong ni Sib.

"Sige mamaya punta ka sa unit namin. Tatawag ako sa Head ng school. Papakausap kita" sabi ni Kuya Land.

"Sige sige, salamat" sabi ni Sib.

Hindi ko parin mapigilan ang pagtingin-tingin sa likod nila. Wala pa rin kasi si Ice.

The Campus Heartthrob's Suitor (BOYXBOY)Where stories live. Discover now