Book 2 Chapter 26

487 25 1
                                    

RALPH'S POV

Nagising akong ganun parin ang pwesto namin. Nakaunan siya sa kanang braso ko habang nakayakap sa akin.

Dahan-dahan akong inalis ang pagkakayakap niya sa akin at unti-unti akong umalis. Baka magising sa mahimbing na tulog si Ice.

Pumunta ako sa kusina at saktong nagluluto na si Nanay Ester at Yaya Gina.

6:00 na pala nang umaga.

Tinulungan ko silang mag asikaso.

"Saan mo sila ipapasyal mamaya iho?" tanong ni Nanay Ester.

"Ah, dyan lang po Nay sa 300steps. Tapos baka maligo na kami doon" sabi ko.

"Ganun ba? Naku Gina, kailangan pala nating mamili ng pagkain nila para madala dun" sabi ni Nanay.

Tumunog naman ang cellphone ko.

"Hello Lara, bakit?" tanong ko.

"Saan tayo?" tanong niya.

"300 steps lang" sabi ko.

"Ah sige, ako na bahala sa mga ulam, magsaing ka nalang jan" sabi ni Lara.

"Sige sige, bye" sabi ko.

Tumingin ako kila Nanay Ester.

"Nay, okay na yung mga ulam. Saing nalang tayo ng madami. Sasama ka ba Nay?" tanong ko.

"Naku, hindi na iho. Matanda na ako. Si Gina nalang ang sasama" sabi ni Nanay.

Tumango naman si Yaya Gina.

Nang maluto ang mga pagkain eh pumunta na ako sa kwarto ng anak ko.

Sakto namang kakagising lang niya kasi kinukusot-kusot pa niya ang mata niya.

"Hello baby, tara na breakfast na tayo" sabi ko sa kaniya.

Lumapit siya sa akin tapos nagpakarga. Hinalik-halikan ko siya sa pisnge.

Paglabas namin eh saktong lumabas na sila Joey galing sa guest room.

Napatakbo naman sila sa amin ng anak ko tapos kinuha nila sa Red sa akin.

Tuwang-tuwa sila sa anak ko.

"Nasaan si Ice?" tanong ni Light.

"Tulog pa yata" sabi ni Sib.

"Mukhang napahimbing ang tulog niya ah" sabi ni Toey tapos napatingin silang lahat sa akin.

"Hoy! Kung anu-ano iniisip nyo" sabi ko.

Sakto namang kakarating kang ni Ice.

"Speaking of the devil" sabi ni Kuya Land.

"Hehe, napahimbing ang tulog ko eh, ang bango kasi ng kayakap ko" sabi niya habang nakangiti tapos kinamot niya ang likod ng ulo niya.

Napangiti nalang ako ng palihim dahil sa kaniya.

Tapos nakita ko si Tenison na nakatingin sa akin at nakangisi. Napatingin nalang ako sa kisame.

"Oooyy!! nakita kitang ngumiti. Kinilig ka noh" pang-aasar ni Tenison.

Nagtawanan naman sila.

Nang matapos kami kumain eh nag-asikaso na kami para sa pupuntahan namin. Since maliligo kami doon eh hindi ko na sila pinaligo.

Pumunta muna kami sa bahay nila Mike.

The Campus Heartthrob's Suitor (BOYXBOY)Where stories live. Discover now