Prologue

4.1K 120 6
                                    

Prologue:


"But I keep looking, looking for Wonderland."


**


Makinis at maputi ang nakita kong itsura sa salamin sa tabi ng lamesa ko. Mukhang habang tumatagal ako rito sa kabilang mundo ay mas gumaganda ako? Pero kahit na anong tingin ko, hindi ko dapat makalimutan kung ano ang pinunta ko rito at bakit ako nandito. Don't get me wrong, walang homophobia sa mundo kung saan akong nanggaling. Ibang-iba rito, pati mga sikat na author ng libro may sinasabi tungkol sa mga transgender na siyang ikinasimangot ko.


Humarap at tumingin ako muli sa salamin, "Andito ka para hanapin ang tatay mo, ang hari! Hindi mo dapat hanapin ang pag-ibig rito sa mundong 'to." Huminga ako ng malalim pagkatapos ko itong sabihin,


Hindi ko na mawari kung ano ang pumapasok sa isip ko. Bakit sa tuwing titingin ang mga mapupungay nitong mga mata may kakaibang tibok na nararamdaman ang puso ko?


Hindi ko rin alam kung bakit pero kapag kinakausap niya ako para akong matutunaw, gusto ko magtago at iyon ang ginagawa ko ngayon.


Nasa opisina pa rin ako kung saan nagawan ng paraan ng kaharian namin na gawing pag-aari namin ito. Isa akong owner ng isang law firm kung saan ang ginagawa ko lang ay ang pagpirma at paninigurado kung tama ba ang nangyayari rito at kung tama ba ang ginagawa ng mga abogado rito.


Kahit na isa siya sa halos 50 abogado na employed rito hindi ko pa rin kaya na hindi tignan sa salamin ng opisina ko ang table nito sa labas, kung uminom na ba siya ng kape niya o kumain na ba siya ng tanghalian? Ito ang mga iniiwasan ko nitong nakaraang araw. Kaya ngayon sarado ang lahat ng blinds at hindi ko kita ang lamesa nito.


Umupo ako sa upuan ng biglang pumasok ang lalaking iniiwasan ko. Walang imik itong lumapit sa akin at ipinatong ang dalawang kamay nito sa lamesa. "Bakit mo ako iniiwasan?" seryosong wika nito at nanatili akong tahimik.


Anong isasagot ko?


Sumimangot ito dahil sa blankong mukha ko, "Bibilang akong tatlo at kapag hindi ka sumagot, hahalikan kita."


"1"


"2"


Ang tagal mag-tatlo.. gusto ko ring mahalikan. Hindi! Hindi! Umayos ka, kakasabi mo lang kanina na andito ka para sa tatay mo.


"3"


Naramdaman ko ang mainit na labi nito sa mga labi ko. Napadilat ako ng malaki, mas malaki pa sa mata ng tarsier. Gumalaw ang labi nito at wala akong nagawa kung hindi pumikit na lang rin.


Ako si Prince Casey mula sa kaharian ng Raviena o mas gusto kong tawaging "the other side". Kilala ako sa mundo na ito bilang Casey, isa akong abogado na ang tanging misyon ay ang hanapin ang nawawala kong tatay, ang hari ng Raviena.


Pero kaya ko bang iwanan ang lahat ng nasimulan ko para sa halik na ito? 


//COMMENTS// 

The Other Side (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon