Chapter 7: Inescapable

708 42 0
                                    

N/N:


Okay explain ko muna kung bakit sobrang tagal kong walang update (as if you care ano?), nagkaroon ako ng maraming work meetings and trainings last 2 weeks at nagkasakit pa ako habang nagmi-meeting. Combo 'di ba? Ngayon lang nawalan ng meeting and thank God at nawawala na rin ang nakakalokang sipon!


Dedicated ang chapter na 'to kay Maricardelatorre0, salamat sa pag-vote at pag-comment sa mga nakaraang chapters! Nalibang ako in fairness hahahaha.


Chapter 7: Inescapable


"Chivalry was dead, but you revived it."


MR. VALDONA


Tahimik ang buong board members habang binabasa ng sekretarya ko ang subpoena na dineliver kaninang umaga. A week ago, nagkaroon kami ng isang aksidente sa isa sa mga branches namin. May isang empleyado na nagluto ng bulok na ingredients at nai-serve ito sa customers ang mas malala pa ay nakain ito ng customers na umorder ng same product.


"What are the different measures that we did?" Tanong ni Eric, isa sa may pinakamalaking shares kasunod sa akin.


"We already fired the employee who did it. Pero ngayon na dinemanda tayo ng customer na nakakain ng product na 'yon after so many bargaining we've done, it's time for us to look for solutions." Sagot ko sa kanila.


Tumaas ng kamay si Mrs. Romero at agad itong nagsalita matapos kong tumango, "Raviena Law Firm is a popular law firm dito sa Pilipinas and dahil sa popular sila they are very meticulous when it comes to accepting cases."


"I agree, sikat ang Raviena Law Firm! Remember back then nagkaroon ng kaso ang yung Streak Café regarding food poisoning pero ano ang hatol? Not guilty." Affirmation ni Eric sa sinabi ni Mrs. Romero.


Tumango ang karamihan ng board members sa sinabi nilang suggestions, mukhang sikat nga ang Raviena Law Firm na 'to ah. This is not the first time I heard about the law firm pero ngayon parang kumirot ang ulo ko kapag binabanggit nila ang salitang Raviena.


RUSSELL:


Halos tatlong araw na ang lumipas simula noong sinabi sa akin ni Casey ang tungkol sa Raviena. Wala namang nagbago sa relasyon naming dalawa dahil sinabi ko na naniniwala ako rito. Dahil alam ko sa sarili ko na tama ang pagkakatanda ko na dating sinabi ng nanay ko ang Raviena.


To be honest, hindi ko alam kung normal pa ba akong tao dahil iniisip ko ang mga ganitong bagay. Hindi naman ako uto-uto. Hell! Hindi ako papasa ng board kung ganon lang ako kadaling mabobola pero gusto kong maniwalang totoo. At may kutob akong totoo ang Raviena kung ano man siya.


Nawala ako sa pag-iisip tungkol sa Raviena ng biglang basagin ni Karl ang katahimikan ng inuman naming, "Pare, cute si Casey ah! Napakalayo sa mga naging ex mo dati!" Nagtawanan ang iba ko pang mga kaibigan na present rin dito sa inuman.


"Sinabi mo pa, Casey is above the rest. Natatandaan niyo pa ba yung isang dinate ni Russell pero hindi naging sila? Tapos nalaman natin na habol lang pala ang katawan ng friend natin?" Banat naman ni Carmela na ikinailing ko.

The Other Side (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon