Chapter 3: Metamorphosis

896 75 10
                                    

N/N: 


Hindi ko alam kung bakit tinotopak 'tong Wattpad sa laptop ko at halos pagbaliktarin ko na ang mundo dahil hindi ako makapag-add new part dito sa kwentong ito!  Harujusko.  Nabalitaan ko rin na nagkakaroon ng problema yung ibang readers ko at hindi mahanap ang kwentong ito, ano na Wattpad ayos naman po.   Tsaka alam kong maraming readers ang nag-aabang na matapos ko muna or dumami muna ang chapters nito pero why not na basahin mo na ngayon 'di ba?  Kinoconsider ko ang comments ng readers ko most of the time kapag nagsusulat ako :) 


Dedicated ang chapter na ito kay jaymcMimi, maraming salamat sa pagbabasa sa mga kwento ko and sa pagvotes!  Regarding naman sa special chapter for Dela Fuente Brothers, naisip ko na mag-move on na sa series dahil sobrang tagal ko na rin naman 'yun sinulat.  Hahahaha!  :) 


Chapter 3: Metamorphosis


"You must like me for me."


CASEY:


Gabi na nang makauwi ako kagabi sa tinitirhan kong condo na malapit lang rin sa business district kung saan nandoon ang law firm. Isang linggo pa lang akong na nandito sa mundong 'to pero hindi ko inaakalang mami-miss ko ang Raviena. Nakaka-miss rin maging prinsipe sa totoo lang! Pero kapag naiisip ko ang buhay prinsipe ay nahihirapan pa rin ako dahil maraming bawal. Kilala ako ng maraming tao sa Raviena pero bibihira lang ang nakakakilala kung ano ang gusto at ayaw ko, kung sino ang mga kaibigan ko.


Ngayon ay inaantay ko na ang sinasabing CEO ng Tetra Holdings, isa sa mga company client namin. Iniisip ko na umuwi muna saglit matapos nito dahil nabasa ko sa note na iniwan ni Russell sa monitor ng computer ko kaninang pagdating ko ay 8PM pa raw ang reservation nito sa isang 5-star restaurant. Kung ordinaryong tao lang ako, iisipin ko na baka gusto na ako ni Russell dahil sa mga ginagawa nito.


Prinsipe ka lang pero wala ka sa fairytale, Casey. Walang naiinlove sa loob lang ng isang linggo.


Kumatok sa pintuan ng conference room si Mara at sabay sabay silang pumasok kasama ng dalawang lalaki at isang babae. Yung isang lalaki yata yung secretary dahil siya ang may dala ng mga materials na gagamitin yata nila for presentation.


"Good afternoon, Mr. Raviena! I'm Collin Sarmiento the Vice President for Operations for Tetra Holdings and these two are Tetra Holdings representatives as well." Bati nito sa'kin sabay abot ng kamay niya na siya ko ring tinanggap.


Nang inatasan ko silang umupo ay agad akong nagsalita, "I thought I was going to meet the CEO?" Ngumiti si Collin at umiling, "He can't come today, Mr. Raviena. Marami po kasing pinagkakaabalahan si Mr. Guillon."


Guillon?


"Okay please prepare your presentation and can you give me a minute?" Tumango si Collin at tumayo ako at lumapit sa nakatayong si Mara, "Who's the CEO of this company? Sinong Guillon?"


Nako, girl! 'Wag ka magsabi ng pangalan ng taong nasa isip ko!


The Other Side (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon