Chapter 2: Tactics

1K 82 18
                                    

N/N: 


And now nasa Chapter 2 na tayo!  Time flies so fast, charot!   Alam kong maraming nag-aantay na dumami muna ang chapters ng kwentong ito.  So kung bago kang reader, don't hesitate to say "hi" sa comments!  Kung silent reader ka naman, maybe it's time para magparamdam na! Napansin ko rin na mayroon ding mga readers from UAE or somewhere in Middle East, hello guys!  


Si Russell Hermano ang nasa multimedia.  Reminder lang na ang mga legal terms used and scenarios ay maybe hindi accurate dahil hindi po ako abogado or law student.  Bear with me po HAHAHA!  Feel ko kasi kakanood ko 'to ng - How to get away with murder.  :)   Ang mga pangalan rin na ginamit ay walang anumang koneksyon sa totoong buhay at pawang gawa lamang para sa librong ito.  Thanks thanks! 


Chapter 2: Tactics


"You're the kind of girl who can take down a man."


RUSSELL:


"Sinasabi ng mga ebidensiya fingerprints mo ang nakita sa kutsilyo na ginamit sa pagpatay sa biktima na si Lea Marcado at kanina mo pa sinasabi na inutusan ka ng isang tao galing sa ibang mundo?" Tanong ng abogado sa kabilang panig.


Kanina pa masakit ang ulo ko, dahil walang ibang sinasagot ang kliyente ko kung hindi inutusan siya ng isang tao galing sa kabilang mundo. Konti na lang talaga at maniniwala na ako sa mga sinasabi nito. Bukod tangi na siya lang ang walang alibi kung hindi iyan. Lahat ng mga tactics para malihis siya sa kasong homicide pero walang nangyari.


Biglang pinukpok ng kliyente ko ang lamesa sa harap nito, "Sinasabi ko ang totoo! Kung ayaw niyong maniwala ikulong niyo na lang ako!" Sigaw nito at ipinukpok na ng judge ang gavel. "Order." Anito.


Pero tumayo ang kliyente ko at akmang lalapit sa abogado kaya hinarang siya ng mga bantay na pulis. Maski ako ay napatayo na rin, "May I request for a short recess, your honor?" Request ko habang hindi maipinta ang mukha. Pumayag ang judge at lumabas muna ako saglit para humithit.


Shit happens.


Last week pa dapat itong trial na ito pero hindi natuloy dahil hindi sumipot ang complainant. At 'wag nila akong simulan dahil mula last week ay palpak ang proposal ko sa bago kong boss. Hindi nito tinanggap ang extra pay na hinihingi ko sa kaso na ito at nagsabi pa ito na siya na lang raw ang haharap sa korte bilang abogado. Hello no! Hindi ko nga alam na abogado pala 'yon. At tsaka hindi rin naman nabanggit ni Mara noong ipinakilala nito sa akin.


"Recess ba para sa client ang ipinunta mo rito o recess mo?" Tumingin ako sa nagsalita at nakita ko ang papalapit na bago kong boss.


Speaking of the devil.


"Yeah, why do you care?" Balik ko rito. Lumapit ito sa akin kahit nasa arawan ako at maarawan ang sobrang puting balat nito.


Tumingin ito ng mariin sa mga mata ko, shit! "I told you kaya kong i-handle ang kaso na 'to. Pero since matigas ka, then I'll give you a free counsel."

The Other Side (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon