Chapter 6: Confession

770 57 2
                                    

N/N: 


Hello sa mga readers ng kwentong ito kahit bago or nag-aabang mula pa simula!   Maraming maraming salamat sa pag-follow sa akin lalo na sa 18k na nagtyagang pumindot ng follow button (na dati "be a fan" button, uy nostalgic!).  Hindi ko inaakala na maraming makakabasa ng gawa ko back then dahil hobby ko lang naman at tuwang-tuwa na ako kahit nakaka-2 reads lang ako per one shot.   Hindi niyo lang alam na this past few days since feeling ko na wala na akong magic sa pagsusulat, iniisip ko na idelete na lang 'to katulad ng ginawa ko sa Finding You.  Pero seeing people na nagvo-vote kahit iisang tao lang hindi niyo alam na napapangiti talaga ako.  :) 


Happy pride!  Dedicated ang chapter na ito kay DeaneCuttie4ever salamat sa pag-comment mo sa nakaraang chapter!   Shoutout rin sa mga OFW na nagbabasa nitong kwento na ito, hoping na okay kayo diyan. :) 


Chapter 6: Confession


"Glue it back with your love piece by piece."


CASEY:


Nang matapos ang paghalik ni Russell sa mga labi ko ay agad itong tumayo sa harap ko, "Hindi lang yan ang mararanasan mo kapag iniwasan mo pa ako. I think I like you, Casey and give me a chance to prove that to you." Seryosong wika nito.


"You just stole a kiss from me, Russell! Tapos you expect me to give a chance to you?" Counterattack ko rito at ngumiti ito ng pilyo sa akin, "Then give it back to me kung ayaw mo." Tumahimik ako sa mga sinabi nito dahil hindi ko alam na may ganitong parte ng pagkatao ni Russell.


Sabi niya sa akin kama-kailan lang na hindi naman ako mahirap mahalin. At ngayon sa mga sinasabi nito, mukhang maniniwala na ako baka kaya nakikita ng tao na mahirap ako mahalin dahil hindi muna ako sinusubukang mahalin. Siguro ganyan din ang nararamdaman ng karamihan sa mga LGBTQ+ rito sa kabilang mundo; maraming umaasang mahalin pero walang sumusubok dahil natatakot sa reaksyon ng mga tao, sa mga bulungan kapag nagkakahawak ng kamay, o sa paninira ng kapitbahay dahil sa pagiging isang bakla.


"What are you doing to me, Casey? I'm a lawyer and I can tell if someone is hiding something and I know you do. Pero uulitin ko ulit, gusto kita and I will do everything to prove it to you." Pag-ulit nito sa sinabi niya dahil wala akong sinagot.


Maybe ito ang itinadhana na mangyari sa akin. Bakit ganon, Bathala? Bakit kailangang ganito? Ay ewan, bibigay na ako.


"You are willing to do everything for me, Russell? Then let's have an official date tomorrow and I will let you know me more." Firm na sagot ko rito at ngumiti ito nagpakatamis-tamis sa akin. "Salamat, Casey. Don't worry I'll be the best man you'll ever date."


**


Kinagabihan ay nasa salas kaming magpipinsan ulit. Balita ko na may naka-date daw si Jassy kanina at mukhang nagkatikiman yata sila dahil mukhang lasing sa pag-ibig 'tong si gaga. Binuksan ko na rin yung ginawa nilang social media account sa akin at sino pa ba ang magfe-friend request kung hindi si Russ Hermano. Napatingin ako siyempre at nakita ko ang bagong status nito.

The Other Side (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon