PROLOGUE

117 13 10
                                    

AGAINST ALL ODDS

"John, will you take a moment, promise me this, that you'll continue your life with or without me, I will fight and we'll stand together, but if God forbid fate should step in and force us into a goodbye, if you have children someday, when they po...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"John, will you take a moment, promise me this, that you'll continue your life with or without me, I will fight and we'll stand together, but if God forbid fate should step in and force us into a goodbye, if you have children someday, when they point to the pictures, please tell them my name."

Hindi ko maintindihan kung bakit bigla kong naalala ang mga salitang binitiwan niya sa akin noon. Paano ko ba naman makakalimutan eh, halos masaulo ko na ang linyang iyan tuwing nagkakausap kami ng masinsinang dalawa.

Kung sabagay, marami naman talaga siyang mga sinasabi sakin noon na hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa aking isipan pero siya, tiyak kong nakalimutan na niya.

"Madaya ka!" mahina kong bulong sa hangin at napatingin sa buong paligid. Palubog na ang araw sa buong Paris. May sumilay na munting kirot sa puso ko. Ramdam ko ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking mukha na waring hinahagkan ako.

Sinakto ko talaga na winter season ang pagpunta dito dahil tatlo ang malalagyan ko ng check sa bucket list niya. Nagpatuloy ako sa pagpinta habang inaalala ko siya. It was his dream too. I'm completing our dreams without him.

Nasa isa akong mahabang bridge dito sa Paris, ang pinakasikat na Pont Neuf Bridge o kilala bilang "locks of love" para sa mga couples. There are thousands of padlocks scribbled with lovers' names and then clipped to a railing.

I started to paint him using my imagination and our memories together. I still can feel his presence, his smile, his laugh and his angelic face.

Wish you where here.

Ito ang isa pinaka-gusto niyang marating. Malungkot lang kasi hindi ko siya kasama dito. Napakaraming couples ang nasa railings hawak ang isang padlock habang nagpapalitan ng mga pangako sa bawat isa. Napangiti ako ng bigla ko siyang maalala. Halos makompleto ko na yung nasa bucket list niya.

Oh, heto na yung isa sa mga bucket list mo. Tinupad ko na kaya wag ka na magtampo diyan...

Bagama't malapit ko na makompleto ang mga gusto niyang mangyari sa future eh parang may kulang pa rin dito sa aking puso na gusto kong mapunan at matupad para sa kanya. Alam kong hindi ko pa natatapos ang lahat ng gusto niya...

Kaso may kulang pa rin.

Napapikit ako para pigilan ang mga luha na nagbabadyang kumawala sa aking mga mata. Muli na namang nanikip ang dibdib ko sa tuwing naaalala ko siya pero hindi na ganon kasakit hindi tulad noon.

Ano kayang reaksyon niya kung kasama ko siya ngayon dito? Alam ko na sobrang saya niya.

Napitlag ako ng biglang magsalita mula sa aking likod. Andito ako ngayon sa open field ng exhibition ko para sa natatangi kong obra. I became a famous painter because of him. He unleashed my fullest potentional to become the better man I am today.

"Who's are these guys in your famous painting?" an old lady asks. She's a french according to her. Napangiti ako na pinagmasdan ang larawan na tinutukoy niya. Nahulaan naman niyang ako yung isa pero gusto pa rin niyang malaman kung sino ang aking kasama.

Bahagya akong natigilan at naisip ang lagi niyang sinasambit niya sa akin.

"Please tell them my name."

Hindi ko maipaliwanag pero may takot at kaba sa aking puso marahil muli ko na namang sasagutin kung sino ang nasa painting na kasama ko. Matagal ko nang tinatago ang tungkol sa kanya. Siguro ito na ang tamang panahon para tuparin ko na ang pangako ko sa kanya.

"V-vince. He's Vince."

Bahagyang lumakas ang hangin. Saka ko ipinikit ang mga mata ko ng muli ko na namang mabanggit ang kanyang pangalan at taimtim na sinariwa ang aming mga alaala.

Marahil ito na ang tamang panahon para ikwento ko ang tungkol sa lahat at hindi lamang sa mga paintings na aking ipinipinta ko siya ipapakilala.

Muling lumakas ang hangin at kasunod nito'y ang pag-flashback sa isipan ko ang mga araw na masaya pa kaming magkasama.

Ang kwento naming dalawa.

Our fight against all odds.

Our fight against all odds

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

FRONT MATTER

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either product of the authors imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Copyright © 2024
All rights reserved.
No part of this story may be produced, distributed or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author. Plagiarism is a crime.

Note: Photos and videos used in this story are not mine. Credits to the owner.

Comments and Votes are highly appreciated.

Against All Odds
:Erlisho Juan

Author's Note

Okay, here we go again sa another story ko. Omg! Andami ko ng nasimulan na story pero sure ko na tatapusin ko ito. Feeling ko relate na relate ako dito eh kaya please support this one. This story is for ya'll. Hope you'll enjoy this. Love lots. See you sa first chapter guys!

Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon