CAPITULO 1

37.8K 837 2.8K
                                    

Napatingin si Zerus sa wristwatch na suot. 5 more minutes, bago niya puputulin ang masayang sandali ng isang kilalang senator. Kapag napatay niya ito ng walang kahirap-hirap, hindi lang sampung milyon ang kaniyang makukuha. Natawa siya, masyado yatang minamaliit ang kaniyang kakayahan. Kung patayan lang ang basihan, hindi na mabilang ng binata kung ilang tao na ang kaniyang pinatumba, babae man o lalaki. Wala siyang awa, lalo na pag pera ang usapan.

“3 minutes,” mahinang bulong niya habang inaayos ang sniper na dala. Nasa rooftop siya ng isang building, paharap sa kompaniyang pag-aari ng corrupt na senator.

In point of fact, he doesn't even cared. Hindi lang mga demonyo at halang ang kaluluwa ang kaniyang mga pinatay, pati rin mga inosente. Hindi na bago sa kaniya 'yon, dahil ang totoo wala ng guilt at awa ang natira sa kaniyang pagkatao. He's the villain here, the killer and the miscreant.

5...

4...

3...

2...

He shoot the target right to his heart. Kitang-kita niyang natumba ito at nagkagulo ang mga tao. Kung meron siyang pattern, iyon ay pinapatay niya ang target deritso sa puso para isahang sakit. After all, heart is the most wicked of all things.

Napangiti siya. He can't wait to claim the money. Niligpit niya ang dalang sniper at pasimpleng umalis sa building na iyon na walang nakakapansin sa kaniyang ginawa. Easy as pie. Sobrang dali lang ang pinagawa sa kaniya.

Malaki na rin ang kaniyang naipong pera. He need those not for himself, but for those children who were fighting for cancer. May mga foundation siyang sinusuportahan at bawat araw, hindi lang isa namamatay na bata dahil sa cancer. Kaya kung ang pera niya ang makakapagligtas sa mga ito, bakit hindi?

“Where are you?” boses ni Ramona ang nasa kabilang linya. Connected ang kaniyang cellphone sa airpods kaya malaya siyang gumagalaw na walang abala.

“Why?”

“Don Rokassowskij is looking for you. It sounds like... Money.”

“Copy.”

“See ya!”

Hindi siya sumagot. Si Don Rokassowskij, kilala bilang isang mabait na Don na galing sa Finland at dito namamalagi sa Pinas. Marami itong sinusuportahang charity at tingin ng mga tao sa matanda, isang Diyos. Natawa siya at napailing-iling. Pinatay niya na ang tawag at dumeritso sa bahay-ampunan. Bibisitahin lang niya ang mga batang tulad niya na ulila. Kahit papaano, gumagaan ang kaniyang pakiramdam kapag nakikita niya ang inosenteng mukha ng mga ito at walang inaalalang problema sa buhay.

Agad nagsitakbuhan ang mga bata nang makita siya at yumakap. Nagpakarga ang ilan sa mga ito pero pinili niyang kargahin iyong mahihina at bata pa.

“Kumusta kayo rito? Nagpapasakit ba kayo ng ulo ni Mother Helen, ha?” malambing niyang tanong. Nakaupo siya sa sementong bench habang nakapalibot ang mahigit 30 na mga bata sa kaniya. Dahil hindi niya pwedeng kalimutan, may mga pagkain at laruan siyang binigay bawat isa sa mga ito. Isang buwan na rin last niyang dalaw.

“Nagpapakabait po kami! Kasi kapag hindi, baka 'di mo na kami love.”

Natawa siya sa magalang na sagot ng batang kilala niya sa pangalang Erish . Nasa tabi niya ito at naglalambing. Kung kaya lang sana niyang ampunin lahat ng batang ito, ginawa niya na matagal na. But he can't. Wala siyang stable na tirahan. Palipat-lipat siya. Hindi niya hawak ang kaniyang oras. Marami siyang illegal na gawain at malalagay lang sa peligro ang buhay ng mga ito.

Ginulo niya ang bangs ni Erish. 11 years old na ito at naghihintay ng foster parents na pwedeng umampon sa bata. Isa lang ang gusto niya sa mga batang nandito, ang mapabuti ang buhay at 'di maging tulad niya. Napabuntunghinga siya sa isiping iyon.

“Kuya, 'wag  ka muna umalis. Play muna tayo rito ng habul-habulan,” paglalambing ng batang karga-karga niya ngayon.

Nakangiting pinisil naman niya ang pisngi nito. “Kaso hindi pwede kasi... May hika ka...”

“Kuya Fender habul-habulan!”

Napakamot siya sa ulo nang sabay-sabay ang mga ito na humiling na maglaro sila. Matitiis ba niya? Natatawang napatayo siya at akmang makikipaglaro ng habulan——

“Fender...”

Napalingon siya nang tawagin ni Mother Helen ang kaniyang totoong pangalan. Agad siyang ngumiti at nagbigay galang sa matandang Madre. “Mother, kayo pala.” agad napa-ayy ang mga bata pero hindi na nagreklamo. Nagpatuloy ang mga ito sa paglaro na hindi siya kasali.

“Masaya ako hijo at nakadalaw ka ulit dito. Lagi akong kinukulit ng mga batang iyan na padalawin ka na.” natatawang saad nito at napailing-iling. May bitbit itong paso ng bulaklak at kasunod ang dalawang babaeng nakasuot ng puting kasuotan.

Natigilan siya nang magdaop ang mata nila ng panghuling babae. Una niyang napansin ang parang anghel na kagandahan nito at may suot na belo na nakabalot sa ulo at tanging mukha lang ang makikita. Bumagay rito ang puting-puti na damit, mas lalong lumitaw ang angking ganda ng dalaga. She looks so divine. Her angelic beauty almost made him grasp. Agad siyang nagbawi ng tingin nang muling nagsalita si Mother Helen.

Fuck!

“Fender, birthday mo na ngayon Septyembre uno. Dumito ka sana sa araw na 'yan,” saad nito matapos ilagay sa tabi ang bitbit na paso. Sumunod din ang dalawang kasama ng matangdang Madre.

Ngumiti siya at napakamot ng ulo. Wala siyang pakialam sa kaniyang kaarawan. Ayaw rin niyang maalala ang araw na iyan. Lihim siyang natawa  ng mapakla at umiling-iling. “Sige ho, Mother Helen, susubukan ko,” palihim siyang sumulyap sa dalagang nakasunod pa rin dito. Napakuyom siya ng kamao.

Am I what—— love at first sight? But damn, she's a nun!

Nagseryuso siya at tumikhim. Hindi isang Madre o sinong babae ang magpapapukaw sa manhid niyang puso. Wala siyang oras para sa sarili niya.

“Nga pala hijo, ipakilala ko sa'yo si Sister Blesy at Sister Anita, mga noviciate. Nandito para tumulong-tulong pansamantala,” panimula nito, “Sister, siya naman si Fender Hearst. Ang lalaking isa sa supporter ng orphanage na ito. Mahal din siya ng mga kabataan dito.”

Mabait na ngumiti ang mga ito sa kaniya at tango lang ang kaniyang naging sagot. Hindi na rin siya nagtagal sa bahay-ampunan dahil tumawag na si Ramona. That brat! Inabot niya kay Mother Helen ang batang karga-karga niya saka nagpaalam sa mga bata na aalis na. Nalungkot ang mga ito kaya nangako siyang babalik na lang sa susunod na araw—— kung makakabalik siya ng buhay. Sa uri ng kaniyang trabaho, buong katawan niya nasa hukay na. Ulo lang ang hindi.

Napasulyap muna siya sa babaeng alam niya sa pangalang Sister Blesy, napangiti siya sa maamong mukha nito at magandang mata na mabibilog at kulay light brown. Pinalilibutan ito ng makakapal at mahahabang pilik-mata. Para itong Arabian beauty pero napakainosenteng tingnan. Pinilig niya ang kaniyang ulo. Nang bumalik siya sa hwesyo, do'n lang niya pinagalitan ang sarili.

Hindi pwede!

DOMINANT SERIES 7: Amorous (Completed) FENDER HEARSTWhere stories live. Discover now