CAPITULO 4

13.4K 511 1.6K
                                    

Nahigit ni Zerus ang kaniyang hininga nang simulan niyang tanggalin ang bala. Sa tabi niya, ang plangganitang may lamang tubig at alcohol.

Fuck! Fuck!

Napapikit siya ng mariin nang matanggal niya ang balang nakabaon sa kaniyang hita.
Halos mapugto ang kaniyang hininga sa sakit pero ininda niya iyon. Sunod na kaniyang ginawa, binuhusan ang sugat ng maraming alcohol. Putangina! Hindi niya mapigilang magmura sa isip.

Agad niyang pinunit ang suot na tshirt at tinali sa kaniyang hitang may sugat para maampat ang pagdugo. Sisiw lang ito kung tutuusin pero baka makalimutan ni Satanas ang kontrata nila at bigla siya nitong sunduin nang wala sa oras.

Napasandal siya sandali sa malamig na tipak na bato nang tanggalin niya ang towel sa bibig. Pinipilit niyang habulin ang kaniyang hininga. May isang bala pa siyang tatanggalin sa gilid ng kaniyang tiyan.

Sandali niyang pinikit ang mata at ilang beses na napahugot ng malalim na hangin. Nanghihina na ang kaniyang katawan pero pinipilit niyang labanan. Fuck! Hindi siya mamatay na ganito. Babalik siya at maniningil ng buhay. Ang isang kamay niya ay nasa gilid ng kaniyang tiyan at pinipigilan ang muling pagsidaloy ng mga dugo.

“Mister...”

Hindi niya magawang magbukas ng mata para tingnan ang mukha ng Madreng nasa kaniyang harapan ngayon. Nanghihina siya at gusto niyangmagpahinga at sandaling bawiina ng lakas. Hindi rin basta ang talon na kaniyang tinalunan kanina. Mabuti at hindi siya nawalan ng malay pero kapalit ang lakas niyang dahan-dahang ninakaw ni Satanas.

“Mister kailangan ho natin dalhin kayo sa Ospital. Mauubusan kayo ng dugo at­——”

“G-go away...” pabulong na anas niya.

Pero naramdaman niyang lumapit ito sa kaniyang kinaroroonan at dinama ang kaniyang tagilirang dumudugo. Napilitan si Zerus na magmulat ng mata. Eksaktong nagtama ang mata nila ng Madreng nasa kaniyang harapan ngayon at puno ng pag-alala ang mukhang nakatunghay sa kaniya.

“Y-you?”

Kumunot ang noo nito, “Kilala niyo ako?”

Hindi siya sumagot. Pinili niyang tumahimik nung sunod-sunod ang pagsugod ng kirot sa kaniyang sugat. Sandali niyang pinikit ang mata at huminga ng malalim. Damn it! Kailangan niya ng matanggal ang balang nasa kaniyang tagiliran. Inabot niya ang kutsilyong nilagay niya sa maliit na plangganita, na ang lamang tubig ay halos nagkulay dugo na.

“Anong gagawin niyo?!”

Napatingin siya sa kaniyang sugat. Mula sa liwanag na nagmumula sa lampara, nakikita niyang marami ng dugo sa kaniyang kamay. Sa ikalawang pagkakataon, muli niyang idiniin ang dulo ng kutsilyo sa sugat ng kaniyang tagiliran.

“Mister, delikado talaga ang ginagawa niyo. Ako na ho,” alalang saad nito. Pilit nitong agawin ang kutsilyong hawak niya.

Tiningnan niya lang ito at sinenyasan na 'wag itong makialam sa kaniyang gagawin. Pwede itong manood pero bawal siya nitong pangunahan sa kaniyang gagawin. Kapag sinabi niyang kaya niya, alam niyang kaya niya.

“Mauubusan kayo ng dugo sa ginagawa niyo!”

“W-will you please shut up?”

Natahimk naman ito at hindi alam ang gagawin habang habol niya ang kaniyang hininga. Masakit ang kaniyang ginawang pag-opera sa sarili pero mas mainan na ito. Sanay na siyang masaktan at manhid na rin ang kaniyang pagkatao. Binigay niya sa babae ang kutsilyo matapos niyang hiwain ng maliit ang tagiliran para makapasok ang kaniyang daliri at makuha ang bala.

Napa-sign of the cross ang Madreng nasa tabi niya at ito na mismo ang nagpunas ng mga pawis na tumagaktak sa kaniyang mukha. Nagpipigil siyang huwag sumigaw sa sakit. Halos mapugto ang hininga ni Zerus habang kagat niya ngayon ang bimpo. Nanghihina na siya pero konti na lang, matatanggal niya na ang bala.

“Diyos ko!”

Napapikit siya. Naririnig niya ang paulit-ulit na pagsambit ng babae sa Diyos nito. Walang Diyos na makakapagligtas sa kaniyang kaluluwa ngayon, kundi siya lang. Napasigaw siya sa sobrang sakit nang matanggal niya ang balang bumaon. Nanginginig ang kaniyang kamay na nilagay niya ang bala sa plangganita. Naliligo ng dugo ang kaniyang kamay at sa ikalawang pagkakataon, nanginginig ang kaniyang kamay na inabot ang alcohol. Agad niyang binuhos ang lahat ng laman sa kaniyang sugat at napahiyaw siya. Tiniis niya ang sakit hanggang sa talian niya iyon ng para matigil ang pagdaloy ng dugo.

Nakahinga siya ng maluwang at nakaramdam ng ginhawa matapos niyang talian ang bewyang. Dahan-dahan siyang sumandal sa malaking tipak na bato at hinila ng kadiliman hanggang sa hindi niya na namalayang nawalan siya ng malay. Ang huli lang marinig ni Zerus ay ang malakas na sigaw ng babaeng dalawang taon niya ng matagal na kinalimutan.

PUTING kapaligiran ang nabungaran ni Zerus nang magmulat siya ng mata. Malakas siyang napamura sa isiping nasa loob siya ng Hospital. Agad siyang napabangon at hinablot ang swerong nakakabit sa kaniyang kamay. Nag-ikot siya ng tingin at napakunot ng noo nang tumama ang kaniyang tingin sa labas ng bintana.

“Masaya ako na makitang gising ka na.”

Agad niyang iniumang ang kamay sa taong biglang pumasok. Doon niya nalamang wala siyang baril na hawak. Nasanay siyang hawak lagi ang nag-iisang kaibigan niya. Binaba niya ang kamay at deritsong tiningnan ang panauhin. Isa itong matandang babae at isang Madre. Saglit siyang kumalma at matagal itong tiningnan. Binabasa niya kung malinis ang intensyon nito at walang masamang gawin. Hindi siya nagpapakampante sa tabas ng mukha at suot ng isang tao. Dahil kahit siya, nagbabalat-kayo.

“Where am I?”

“Andito ka hijo sa simbahan. Huwag ka masyadong maggagalaw at——” natigilan ito nang makitang wala ng swerong nakakabit sa kaniyang kamay. Napailing-iling ito nang bumaling ng tingin sa kaniya, “Tawagin ko lang si Sister Blesy, hijo. Maiiwan muna kita saglit.”

Hindi siya tumango. Hinayaan niya ang matandang Madre na hindi niya alam ang pangalan. Napabaling ang kaniyang tingin sa bintana. Tinatantiya niya kung totoong nasa simbahan siya at hindi sa kulungan.
Napahugot siya ng malalim na buntunghinga nang matantiyang nasa isang simbahan nga siya nang makita ang mga babaeng naglalakad sa labas at may puting belo sa ulo.

“Mister! Tinanggal niyo raw ang ang——”

Tumalim ang mata ni Zerus sa humahangos na panauhin. Nasilayan niya ulit ang kagandahan ng Madreng hindi niya kailanman nakakalimutan ang pangalan.

Blesy...

Agad naman itong tumahimik nang magtama ang kanilang tingin. Nauna siyang nagbawi at pinilit bumangon. Mabilis itong lumapit sa kaniya at pinigilan siya sa kaniyang gagawin pero hinawi niya ang kamay nito. Hindi siya baldado para manatili sa matigas na kamang ito.

“Presko pa ang sugat niyo at kailangan niyo pa ang mahabang pahinga. Nakakasama sa inyo ang gumalaw at baka mainpeksyon ang sugat niyo sa tagiliran.”

“I need to get out of here. Saan ba ako?”

“Pero——”

“Bingi ka ba? Ang sabi ko kailangan kong makaalis. The more I stay here means death. Hindi ako tanga para manatili sa simbahang ito!” Hindi ito kumibo. Nakonsensya siya sa kaniyang inasta nang magbaba ito ng tingin at hindi na muling nagsalita. Napahugot siya ng malalim na hangin, “I'm... I'm sorry.” Fuck! I said, what?

Nagtaas ito ng tingin at kiming ngumiti. Ayon na naman ang ligaw niyang damdamin para sa dalaga, “Okay lang ho. Sa ilang buwan ko sa simbahang ito, nasanay na ako lalo na at normal na rito ang may tulad niyo na napupunta rito. Kaya ho sana, Mister, 'wag na kayo makulit. Hayaan niyo ang katawan niyo magpahinga.”

Hindi niya alam kung ano ang nasa boses nito at napapayag siya ng babaeng Madre. Marahan siyang tumango at bumalik sa pagkakahiga. Hindi na siya nag-insist pa na umalis sa lugar na iyon at hinayaan ito na iturok ulit sa kaniya ang swerong pinakaayaw niya sa buong-buhay.

DOMINANT SERIES 7: Amorous (Completed) FENDER HEARSTWhere stories live. Discover now