CAPITULO 2

19.5K 599 2.1K
                                    

SANDALING napabuntunghinga si Zerus nang dumating siya sa kaniyang penthouse. Nasa sofa na ang kaniyang kapatid na si Ramona at matamang umiinom ng wine. Maarteng nakaupo ito at bahagyang ngumisi.

“Hello brother!”

He ignored it. He just went straight to the kitchen and brewed coffee. Kahit doblehin pa niya ang lock ng bahay at lagyan ng maraming security, nakakapasok at nakakapasok pa rin ang babae. Nasusunod lahat ng gusto nito. Maliban sa may ugali itong bossy, mahirap din pakisamahan ang init ng ulo ng dalaga. Dulo ng baril nito ang nakikipag-usap.

“Mainit yata ang ulo mo. palpak ka ba sa trabaho mo?”

Natawa siya. Siya? Palpak? Wala siyang hinawakang trabaho na palpak. Lahat ng kliyente nila, masaya sa kaniyang performance lalo na kung paano siya pumapatay. Mapait ang timpla ng kaniyang brewed coffee pero hindi niya alintana iyon. Mas mapait ang sinapit ng buhay niya rati nung palaboy-laboy pa siya.

“Sabihin mo na. I have an appoitment after this.” Humarap siya kay Ramona. Nasa likod niya na ito at maarteng iniinum ang wine na nasa kopita.

“You need to change this wine, bro. mapangla at walang kalasa-lasa. I hate this.”

Hindi na siya nagulat nang ibato nito sa dingding ang kopita at nabasag iyon. Hindi na siya nagulat. Hindi lang kopita niya ang binasaga nito, marami pang ibang gamit. Kahit bungo ng tao, kaya nitong basagin gamit lang ang  7 inches high heels nitong suot.

“Come on, Ramona. I have business to do!”

Ngumisi ito at  nameywang. “Short tempered,” anas nito, “Anyways, I'm giving you this personally.” Maarte itong tumalikod. Sinadya pa nitong banggain ang kabibili lang niyang vase galing Pakistan. Nagkadurog-durog iyon ng bumagsak.

“Ramona!”

Isang malakas na halakhak lang nito ang binigay sa kaniya at kasunod ang pagsara ng malakas ng pintuan. That bitch! Kinalma niya ang sarili at napabuntunghingang pinagmasdan ang basag na vase. He grabbed a trashcan and threw the pieces away. It doesn't matter, it should be discarded. Ganiyan ang mga babasahing bagay, trashcan lang ang may pakinabang kung nababasag kahit gaano pa ito kamahal.

Matapos niyang iligpit ang naghahalagang kalahating million na vase at wine glass, sinimulan niyang tingnan ang files na binigay nito. Very pleasing sa mata ang mga nakasaad lalo na ang presyo. Dahil wala naman may hawak sa kaniyang kahit anuman organization, tinanggap niya iyon. Siya ang totoong may-ari pa rin ng kaniyang oras.

Hinagis niya sa ibabaw table ang folder saka tumayo. Inabot niya ang kaniyang jacket at susi. Muli niyang sinulyapan ang kabuuan ng penthouse at nagkibit ng balikat, ibebenta niya ito next month. Lilipat siya sa mas malapit sa city at mas malapit sa mga naggagandahang babae.

Sandali niyang tiningnan ang kaniyang hitsura sa salamin ng kaniyang sasakyan. Tinanggal niya ang suot na tatlong hikaw sa kaliwang teynga. Sa bahay ampunan, okay lang kay Mother at sa mga bata na makita ang totoong Fender Hearst. Pero pag pumupunta o bumibisita siya sa hospital, siya na mismo ang nag-adjust. Alam niyang ilag ang ibang tao na makita siyang may peircing sa teynga at sa gilid ng labi. Isali pa ang kaniyang malaking Mandala tattoo sa gilid ng kaniyang leeg papunta sa kaniyang likod at kaliwang kamay. His look is a total definition of a devil. A handsome devil.

Inayos niya ang kaniyang buhok. Ginawa niya itong mas disenteng tingnan. Nagsuot din siya ng glasses at sinuot ang jacket. Kahit papaano, nagmukha siyang anghel kahit ang totoo, mas malala siya para ro'n. Nang makitang okay na ang kaniyang hitsura, nagtungo na siya sa malapit na Hospital kung saan alam niyang naghihitay na ang ilang mga kabataan sa kaniya na bibisita siya.

Una niyang binisita ang batang nagngangalang Caren. Isang batang pinipilit labanan ang sakit na Spinal Cord Tumor. Agad nagliwanag ang inosenteng mukha nito nang makita siya. Ngumiti naman ang Nurse sa kaniyang presinsya.

“Good evening, Mr. Hearst.”

He just nodded and politely greeted the elderly Nurse, “How's Caren?”

“Namimiss ka. Kanina pa tanong nang tanong kung kailan ka bibisita rito.”

Ngumiti lang siya at hindi na tumugon sa sinabi ng babae. Deritso lang tinungo ni Zerus ang batang si Caren na nakaratay lang sa hospital bed. “Hi, sweetcake!”

“K-kuya Fender!”

Hinaplos niya ang buhok nito at ginawan ng halik sa noo. “Na-busy si kuya, sweety. But I have a surprise for you!” Agad niyang nilabas ang dalang magandang manika na nakabalot pa. Nagliwanag ang mukha nito nang tanggapin nito ang kaniyang binigay. “Her name is Caren, too. Say hi to her, sweety,” magiliw na saad niya sa bata. Natutuwa siya na nag-response ito sa bawat gamot na binigay rito.

“Kuya ang cute ni Caren!”

“Yes. She looks exactly like you. Kaya dapat magpagaling ka, ha?” Sunod-sunod na tumango ito at nagpayakap sa kaniya. Masuyong niyakap niya ito at binantayan hanggang sa makatulog.

Umalis lang siya nung masigurong tulog na ito at dumating ang ina ng bata. Binisita rin niya ang ibang mga bata pa at nakikipagkwentuhan sa mga ito. Umalis lang siya nung masigurong tulog na ito at dumating ang ina ng bata. Binisita rin niya ang ibang mga bata pa at nakikipagkwentuhan sa mga ito. Umalis lang siya nung masaya makitang masaya na ang bawat kislap ng mga bata at sandaling nakakalimutan ang sitwasyon.

Napabuga siya ng hangin nang pumasok siya sa kaniyang kotse. Nalulungkot siya sa para sa mga bata at kahit 'di siya nagdadasal, lihim niyang inasam na sana gumaling na ang mga ito. Masyado pa itong mga bata para mag-suffer sa hospital bed at makaranas ng sakit.

Muli, biglang nag-ring ang kaniyang cellphone. Nakita niyang si Ramona na naman iyon kaya pinatay niya na ang cellphone. Bibwesitin lang siya ng dalaga hanggang sa matapon niya ang kaniyang cellphone sa inis. Tinanggal niya ang suot na glasses at binalik ang mga suot na hikaw. Inayos niya rin ang kaniyang buhok at naglagay ng cap. Muling tumingin siya sa wristwatch na suot.

May target siya ng gabing ito at kailangan niyang mapatumba ito by 12 midnight sa mismong bahay ng biktima. Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan sa maluwang na kalsada. Nung unang pumatay siya ng inosenteng buhay, halos hindi siya pinatulog ng kaniyang konsensya. Hanggang sa nakasanayan niya na. Para sa kaniya, ang buhay ng tao parang bunga—— nahuhulog kapag may bumato. At siya, siya ang nambabato ng bunga.

Binuksan niya ang car stereo at hinayaang sakupin siya ng magandang tugtugin. Napangiti siya at bahagyang gumaan ang kaniyang pakiramdam nang marinig ang mga kanta ni Alan Walker. Hindi pabor sa kaniya ang mga kanta pero marunong siyang pumili.

Saglit siyang huminto nang may madaanan siyang dalawang batang nag-aagawan ng kapirasong pagkain sa labas ng isang bukas na fast food at may mga kumakain sa loob. Sandali siyang sumulyap sa relong suot, kaya niyang umabot. Agad siyang nag-park sa unahan at kinawayan ang dalawang batang walang suot pang-itaas. Lihim siyang napabuntunghinga sa kahabag-habag na hitsura ng mga ito.

“Bakit po?” magalang na tanong ng batang tingin niya ay nakakatanda.

“Bakit kayo nag-aagawan sa isang pirasong fried chicken?” kahit alam niyang sagot, nakuha pa rin niyang magtanong. Bahagya siyang yumukod para magtagpo ang tingin niya sa dalawang bata.

Agad napakagat ng labi ang isang bata at halatang maiiyak. “Gutom na po kasi kami... pasensya po.”

Ngumiti lang siya at masuyong ginulo ang buhok ng bata. “Para hindi na kayo mag-agawan. Kakain tayo sa loob. Gisingin niyo ang mga kasama niyo,” sumulyap siya sa tatlong batang nakahiga sa kalsada at halatang nanghihina sa gutom.

Agad nagliwanag ang mga mata ng dalawa at hindi na nagtanong pa. Masayang ginising ng dalawa ang mga kasama nito at mabilis na lumapit sa kaniya. Lahat napalingon sa kanila nang pumasok sila. Agad nagreklamo ang ibang customer pero hindi niya pinansin iyon. Ang mahalaga, malagyan ng pagkain ang kumakalam na sikmura ng mga batang nasa kalye kahit galing sa masama ang perang meron siya.

DOMINANT SERIES 7: Amorous (Completed) FENDER HEARSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon