CAPITULO 5

15.5K 532 1.3K
                                    

NAPAIGIK si Zerus nang magmulat siya ng mata. Kumikirot ang kaniyang tagiliran pero hindi sapat na rason iyon para siya ay bumangon at muling tanggalin ang swerong nakatusok sa kaniyang kamay. Nababagot siya sa isiping nakahiga siya sa kama na parang taong masakitin. Ilang segundo siyang napatitig sa kawalan bago nagpasya siyag bumangon. Bumaling ang kaniyang tingin sa bintana at dinig niya ang mga boses ng mga kabataan.

Walang emosyong tiningnan niya ang IV fluid, konti na laman nito. Hindi siya nagdalawang isip na tinanggal ang swero sa kamay at paika-ikang tinungo ang bintana. Wala siyang pakialam sa sugat niya sa kaniyang hita.

Hinawi niya ang manipis na kurtinang nakatabing at mula sa kaniyang kinatatayuan, nakikita niya ang mga batang nasa edad lima hanggang sampo na masayang naglalaro ng habulan. Sa paligid, may dalawang mga babaeng Madreng nagbabantay.

Nag-ikot siya ng tingin at hinanap ng kaniyang mata ang babae. Napangiti siya nang makita ito at kandong ang batang tingin niya, hindi nakakalakad. Sa tabi nito ang lumang wheelchair. Mapait siyang napangiti at bumalik sa kama at umupo ro'n. naalala niya ang batang si Caren na lagi niyang binibisita sa Hospital.

“Sister Blesy, sumama ka sa laro namin!”

Napatingin siya ulit sa bintana nang marinig niya ang boses ng mga bata at tinatawag ang babaeng Madre. May kung anong nagtutulak sa kaniyang lapitan ulit ang bintana at pagmasdan ang mga bata mula ro'n.

“Lindo, 'wag masyadong magtatakbo. Baka madapa ka na naman at lagnatin,” paalala ng babae sa batang lalaki na payatin at may kaputlaan ang kulay.

Biglang lumamlam ang mata ni Zerus nang tumama ang kaniyang mata sa Madreng nagngangalang Blesy. Ilang beses siyang huminga ng malalim nang magpasya siyang lumabas sa silid na iyon.

Paika-ika siyang naglalakad habang sapo niya ang kaniyang tagiliran na malalim ang tamang natamo. Kailangan niyang sumagap ng preskong hangin at punuin ang baga. titingnan niya sa labas kung gaano siya ka-secured sa lugar na ito dahil kung hindi, mapipilitan siyang umalis at magtago sa ibang lugar.

Natigilan ang mga bata sa paglalaro nang makita siyang nakatayo sa may pintuan at matamang nanonood sa mga ito. Mabilis nagsitakbuhan ang mga ito papalapit sa babae at nagtago sa likuran.

“Sister Blesy, sino po siya?”

“Hindi ko alam ang pangalan niya. Gusto niyo lapitan natin para magpakilala tayo?”

Sunod-sunod nagsitanguan ang mga bata at napangiti ang babae nang sulyapan siya. Nilagay nito sa wheelchair ang batang kandong nito kanina at mabilis na tinulak papalapit sa kaniya habang nakasunod ang mga bata sa likod. Lihim siyang napabuntunghinga sa mga takot na nakikita niya sa kislap ng mata ng mga bata.

“Magandang araw sa inyo!”

Napatango siya sa magiliw na boses ni Sister Blesy. Hindi niya mahanap ang kaniyang boses kaya tumango lang siya at 'di makuhang ngumiti.

“Okay na ho ba ang sugat niyo? Hindi na ba masakit?”

“Hindi.”

Tumango-tango naman ito habang 'di pa rin mawala ang ngiti sa magandang mukha nito. Nag-iwas siya ng tingin at napatingin sa batang nasa wheelchair, “What happened to her?”

Inosenteng nakatingin lang sa kaniya ang batang babae at napasulyap sa kasamang Madre. Nagtaas din siya ng tingin at seryusong napatingin sa babae.

“Siya si Raiza,” tipid na lumabas sa bibig nito.

Napatango siya at nakuha ang sagot ng Madre. Ayaw nitong pag-usapan ang sitwasyon ng bata sa harapan nito mismo. May punto rin ito at nakonsensya sa part na iyon.

“K-kuya, anong pangalan niyo?”

Napatingin siya sa batang babae. Nasa tabi ito ng Madre at mahigpit na nakahawak sa kamay nito. Halatang natatakot sa kaniyang presinsya.

“I'm Fender Hearst. Tawagin niyo na lang akong kuya Fender.”

Nagliwanag ang mga mata ng mga ito at sabay na binigkas ang kaniyang pangalan. Napangiti siya kahit papaano nang magpakilala isa-isa ang mga ito sa kaniya.

Minsan, masarap bumalik sa pagiging pagkabata. Pero nung kabataan niya, mas pinangarap niyang sana 'di siya binigyan ng pagkakataon ng demonyo mamuhay sa mundo. Hindi mabilang na latay sa katawan ang kaniyang naranasan dati. Bahagya siyang napailing-iling nang maalala ang nakaraan ng kaniyang kabataan.

“Kuya Fender, bakit may ano ka sa labi? Ano po iyan, hikaw?”

Marahan siyang tumango. Pagkaraan ay napatingin siya sa Paring nakatayo sa unahan. Nakangiti itong nakatingin sa kaniya kasama ang dalawang Madre at halatang siya ang paksa ng mga ito. Nagbawi siya ng tingin at nagpasyang bumalik sa silid kung saaan siya nagpapahinga. Naintindihan naman ng mga bata at mabilis na itong lumayo. Kiming ngumiti sa kaniya si Sister Blesy at nagpaalam bago siya tumalikod pabalik sa loob.

Marahan siyang napabuntunghinga. Bumabalik ang ligaw na damdamin na nararamdaman niya para sa babae. Kailangan niyang makaalis sa lugar na ito at pakiramdam ni Zerus, nanganganib ang kaniyang puso kapag nagtagal pa siya. Alam niyang sa mga sandaling ito, hindi natatahimik si Dr. Hayes na hanapin siya at mapasakamay ang kaniyang ulo.

“Magandang araw sa inyo.”

Mabilis siyang napatayo at nagtungo sa gilid ng bintana nang marinig ang boses lalaki sa labas. Mula sa kaniyang kinatatayuan, nakita niya ang tatlong lalaki at nangunguna ang taong dumali sa tagiliran niya.

Fuck! Where's my gun?

Bigla siyang naging alarma. Ini-expect niya na itong mangyayari pero mahihirapan siyang makipaglaban ngayon kung wala siyang baril. Presko pa ang kaniyang sugat at mahihirapan siyang tumakbo.

“Ano ang sadya natin mga hijo?”

“May hinahanap kaming tao, Father.”

Napamura siya nang may nilabas itong larawan. Alam ni Zerus na siya iyon at malaki ang posibilidad na ituturo siya ng simbahang ito. Mabilis siyang umatras at nag-isip ng gagawin. Oras na lumabas siya ng silid na iyon, paniguradong babagsak siyang dilat ang mata.

Nagmadaling tinungo niya ang pintuan ang hinintay ang mga ito na pumasok. Kung mamatay siya ngayon, dapat kasama niya ang ang lalaking Doctor.

“Pasensya na kayo mga Ginoo, pero hindi pa namin nakita iyan dito.”

Natigilan siya sa sinabi ni Sister Blesy. Hindi siya makagalaw sa kaniyang kinakakatayuan.

“Baka nasa kabilang Baryo ang hinahanap niyong tao,” ganting sagot ng Pari.

“Sige ho, salamat po. Aalis na kami.”

Napasandal siya sa dahon ng pintuan sa narinig. Ilang beses siyang huminga ng malalim saka nagmadalaing tinungo ang bintana, sumilip siya mula ro'n. akita niyang tunmalikod na ang mga taong naghahanap sa kaniya. Napangising demonyo siya sa bahaging iyon at kasunod ang pagkuyom ng kaniyang kamao 

Nang mapansin ni Zerus na papalapit sa kaniyang silid ang babae, nagmadali siyang kumilos pabalik sa kama at humiga ro'n. Pinikit niya ang kaniyang mata at nakiramdam kung ano ang gagawin ni Sister Blesy.

Kumatok ito pero hindi siya sumagot. Nakadalawang katok ito at nang walang makuhang tugon sa kaniya, umalis din ito. Saka siya nagmulat ng mata at napatitig sa kesame. Iisa lang ang pumasok sa kaniyang utak sa mga sandaling iyon, pwede niyang gamitin ang simbahang ito para makapagtago at tuluyang gumaling.

Ngiting demonyo siyang napatingin sa bintana. Magtutuos ulit sila ni Hayes!

DOMINANT SERIES 7: Amorous (Completed) FENDER HEARSTWhere stories live. Discover now