CAPITULO 3

15.9K 544 1.6K
                                    

Wala siyang maramdaman kahit anong awa matapos patayin ang biktima sa gabing iyon.  Sandali siyang bumuntunghinga bago tumalikod. Ngumisi siya ng nakakaloko at deritsong tinungo ang sasakyan. Saglit niyang sinulyapan ang bahay at parang walang nangyari na pinaharurot ang sasakyan.

Bukas, pipilitin niyang dumaan sa bahay-ampunan. Hindi dahil bibisitahin niya ang mga kabataan, kundi para silipin ang kagandahan taglay ni Sister Blesy. Hindi niya pa matukoy kung ano itong nararamdaman niya para sa babaeng maglilingkod sa Diyos, kung meron man Diyos. Dahil para sa kaniya, walang Diyos. Isang malaking kasinungalingan lang 'yan na itinanim sa bawat utak ng tao. Pero nirerespito pa rin niya ang paniniwala ng mga taong nasa kaniyang paligid.

Napangiti siya nang masilayan ang kagandahan ng babae. Masaya itong nakipaglaro sa mga bata sa maluwang na bakuran at sa guhit ng ngiti nito, may ginituang puso ito.

Napakuyom siya ng kamao. Hindi pwede itong nararamdaman niya. Humugot siya ng malalim na buntunghinga at muling sinulyapan ang babaeng tinandaan niya sa pangalang Blesy. Mali itong nararamdaman niya para rito at alam niyang magiging hadlang ito balang-araw sa kaniyang daraanan.

Kaya sa araw na iyon, nagpasya siyang kalimutan ang kakaibang emosyon na bumalot sa kaniyang puso. Isa lang ang alam niya kung bakit nandito siya mundo, ang pumatay para sa pera.

Nakipagkita siya sa araw na iyon kay Don. Rokassowskij. Ang matandang Finnish. May binigay ito sa kaniyang deal, ang bantayan ang apo nitong si Jaakkina Rokassowskij. Mabilis lang sa kaniya ang bantayan ang dalaga. Hindi ito masakit sa ulo kaya malaya niya pa rin nagagawa ang ibang assignment na gusto niyang gawin.

Mabilis na lumipas ang mga buwan at taon. Hinayaan niyang takasan siya ni Jaakkina. Isa siya sa rason kung bakit nakaalis ito ng mansyon. Hinayaan niya kung hanggang saan ang kaya nitong lumayo. Pinagbigyan niya itong tumakbo at umalis sa poder ni Don. Rokassowskij.

Hindi uso sa kaniya ang awa pero nang mga panahong iyon, nakapa niya sa puso ang pagkahabag sa dalagita. Maliit na babae lang ito at maputlang-maputla. Mapayat ang katawan at mahinhin ang galaw. Isa sa rason, na hinayaan niyang mamukadkad ito, masyado pa itong bata. At kung magaling ito magtago... Swerte ng babae iyon. Pero pag hindi, wala siyang magagawa kundi ang batiin ito sa dulo ng kaniyang baril.

Nawala rin sa isip ni Zerus ang babaeng ilang linggong 'di nagpatulog sa kaniya. Kung hindi siya paulit-ulit na binalikan ni Ramona at binantaan na papatayin nito ang kung sino man ang babaeng seryusong magugustuhan niya, hindi pa siya makakalimot.

Kung isa siyang demonyo, mas masahol sa demonyo ang kaniyang kapatid. Pumapatay ito kahit bata, isa sa pinag-aawayan nilang magkapatid. Wala itong pili nang pinapatay.
Masyadong halang ang kaluluwa nitong walang natirang konsensya sa katawan.

May panibagong deal siyang tinanggap. Iyon ay manmanan ang Doctor na nagngangalang Hudson Herrence Hayes. Nakilala niya ang binatang Doctor nung minsan nakasama niya ito sa isang gatherings. Madulas ito. Nasasabi niya ang bagay na ito nung minsan pinasabog niya ang sinasakyan nitong yacht at nabuhay pa.
Hindi niya alam kung bakit gusto itong ipatumba ng kaniyang kliyente. Wala siyang panahon para magtanong sa bagay na iyon. 

Mas lalo siyang nasabik na makipaglaro ng patayan sa binatang Doctor nang lumitaw ang pribadong bodyguard nitong nagngangalang Abhaya at Jaakkina. Masaya siya sa isiping bumalik ang apo ni Don. Rokassowskij na ibang-iba at handang humarap sa demonyo. Ang sabi nga niya, hayaan itong mamukadkad na parang rosas at maging handa sa pagbati sa dulo ng kaniyang baril. Hindi siya binigo ng babae, bumalik ito sa mas nakakapanghamon na katauhan.

Tulad nung nasa cruise sila kung saan ginanap ang birthday celebration ng kasosyo niya sa trabaho, si Theon Willoughby. Nagbigay siya ng warning shot kay Dr. Hayes at kahit papaano, ang saya paglaruan ng emosyon nito. Kaya nagpasya siya sa gabing iyon na paglaruan ang kamatayan nito sa kaniyang kamay. Kung paano paglaruan ang puso nito at paano ilayo ang katotohanang, ang hinahanap ng Doctor ay ang mismong bodyguard nitong si Abhaya.

Yes, siya ang may pakana sa mga mislead information na binibigay niya rito. Nakakatawa isipin na ang pagiging magaling nito sa Cyber, tumataob dahil puso nito ang ginagamit. Kahit kailan, walang kwenta ang puso. Kaya tama rin na puso ang pinakamagandang target sa lahat ng parte ng katawan.

Ang pagbigay niya ng pekeng detalye sa babaeng hinahanap nito sa Russia. Ang pagsunod ng mga tauhan niya sa binatang Doctor papuntang Airport. Ang pagpatay ni Jaakkina sa mga kasamahan niya at ang pinaka-mas magandang nangyari sa lahat, ay 'yong sundan niya si Abhaya Sahada at Theon Willoughby sa Mississippi. Dinukot ang babae, ayon sa utos at dinala sa New Orleans.

Bahagya siyang napangiti sa alaalang iyon. Madugong labanan ang nangyari pero hindi niya napatay ang kaniyang biktima. Sumalungat si Fortocarrero sa kaniyang plano at nabaril siya sa balikat. Dahilan para mauna siyang tumakas at isinantabi muna ang pagpatay sa Doctor.

Kaya ang ginawa ni Zerus, nag-lie low siya Pinas pero dahil utak ang labanan ng pagitan nila ng isang Hayes, na-track siya nito at nagkaroon sila ng matinding sagupaan. Harap-harapan silang nagpaligsahan sa kanilang mga baril na hawak kung sino ang maunang sunduin ni Satanas.

Pero dahil wala yatang planong singilin ng demonyo ang kaniyang kaluluwang sinangla, kaya malalang tama ang kaniyang nakuha sa parte ng kaniyang katawan. Kung hindi pa siya nakatalon sa talon, malamang nasa ilalim ng lupa ang kaniyang katawan at pinaglalamayan ng mga uod.

Kaya ngayon, nasa isang kweba siya at namimilipit sa sakit. Tinitiis niyang 'wag masigaw. Halos namanhid na rin ang kaniyang katawan.

Damn it! I'll kill you, Hayes. Pinanigan ka lang ni Satanas pero sa susunod, si Satanas mismo magtatraydor sa'yo.

“Huwag kang magalaw masyado, Hijo.”

Mula sa kaniyang kinasasandalang malaking tipak na bato, nakita niyang pumasok ang matandang lalaking siyang nagtulong sa kaniya. Matandang-matanda na ito at puting-puti ang buhok pero matikas pa rin gumalaw. May sakbit na itak sa beywang nito at may dalang supot na tingin niya ay naglalaman ng pagkain at mga gamit na pinakiusap niya.

“K-kayo pala, Manong,” nahihirapan siyang magsalita. May tama siya sa gilid ng kaniyang tiyan at kanang hita kaya nahihirapan siyang maglakad. Nagdudugo rin ang sugat niya sa balikat na binigay sa kaniya ni Fortocarrero.

“Hijo, kasama ko si Sister. May alam siya kung paano gumamot dahil marami na rin ang dumating sa simbahan, na parehas sa sitwasyon mo na ayaw magpadala sa Hospital. Si Sister ang tutulong sa'yo.”

Tumango siya sa sinabi ng matanda. Wala siyang pakialam sa sinasabi nitong Madre o sinong babae. Ang sa kaniya, matanggal ang balang nakalibing sa parte ng kaniyang katawan.

Lumapit ito sa kaniya at tinulungan siyang makaupo ng maayos. Nagsuhestiyon ito sa kaniya na dalhin siya sa Hospital nung nakita siya nito sa damuhan at naghihingalo pero mabilis siyang umayaw. Mapapabilis ang kaniyang kamatayan kapag nagkataon. At pinagpasalamatan niya iyon sa matanda dahil hindi ito nagpumilit. Marahil, naiintindihan nito ang kaniyang sitwasyon kung bakit. Kaya ang ginawa ng matanda, dinala siya nito malapit sa isang kweba at nagmamadaling umalis para makahingi ng tulong. Hindi niya na magawang umayaw dahil nakaalis na ito pero bago iyon, nakapaghabilin siya rito na dalhan siya ng maraming bimpo at alcohol.

“M-manong, dala niyo ba ang pinakiusap ko sa inyo?”

Mabilis itong tumango at pinakita sa kaniya ang kaniyang hiningi: bulak, malinis na mga bimpo, maliit na plangganita, alcohol at tubig. Mula sa lamparang tanging nagbibigay ng ilaw sa loob ng kwebang iyon, malaya niyang inabot ang dala nito.

“Mister, ako na ho ang gumamot sa inyo.”

“K-kaya ko ang sarili ko! Hindi ko kailangan ang tulong mo, Sister. Manong! Iwan niyo muna ako. A-ako na ang bahala rito.” Hindi siya nag-abalang tingnan ang mukha ng babae. Ang sa kaniya, gusto niyang mapag-isa.

“Pero Hijo——”

“Sige na. Ako na ang bahala. Kaya ko ang sarili ko,” mabilis na putol niya sa anumang sasabihin ni Manong Ben.

“Pero Mister, baka maimpeksyon ang sugat mo kapag ikaw ang——”

“I said, get out! Out!”

Nagmadaling tumayo ang mga ito at tumalikod. Nanghihinang napasandal siya at naghahabol ng hininga. Nagbibilang siya sa isip ng hanggang sampo bago niya unang tinanggalan ng bala ang hitang natamaan.

“Argh! Fuck this! Fuckkk thiss!” Kinagat niya ng mahigpit ang bimpo sa bibig habang sinimulang buksan sa pamamagitan ng kaniyang kutsilyo ang hitang may tama ng baril. Halos naligo na siya ng pawis at magsilabasan ang ugat sa buo niyang mukha.

DOMINANT SERIES 7: Amorous (Completed) FENDER HEARSTWhere stories live. Discover now