Day 1

15 3 1
                                    

This is my first day of writing this open letter for you.
I actually don't have any idea what I'm doing.
I know, wattpad is for stories, not for corny and cringy letter of a broken heart. But then again, I don't care. I want to do it for you.

June 14, 2020

It's the second day of break up. And supposedly our monthsary.



Araw ng kalayaan ng palayain din natin ang isa't isa.
Ang alam ko pinagdiriwang dapat natin ang araw na yon, ngunit di ko magawang magdiwang kung alam kong hindi ako lalaya. Bagkus makukulong ako sa lungkot at sakit ng iyong pagkawala.

Tingin ko meron pa rin namang pagkakahalintulad ang Araw ng Kalayaan sa ating pagmamahalan- parehong may naiwan mag isa.

Alam kong nasasaktan ka sa mga nangyari sa atin at iyon ang mas nagpapasakit sa nararamdaman ko.

Ayokong nakikita kang nahihirapan ngunit wala akong magawa para mawala ang sakit na 'yong nararamdaman.

Ikaw ang aking "pinagtagpo ngunit pinaglayo"!
"Pinagsama ngunit di pinahintulutang magtagal ng tadhana"!

~~~~~~~~~~~~

Nagkakilala tayo dahil sa kaibigan natin.

Kaibigan ng kaibigan ko ang kaibigan mo kaya't nagkakilala tayo't naging magkaibigan.

Una tayong nagkakilala nang karaawan ng kaibigan ko, Sityembre noon.
Sinundo namin kayo ng kaibigan mo sa labas ng gate.
Mahaba ang iyong buhok, maliit, maputi, maganda.
Akala ko'y babae ka. Ang akala ko ay syota ka ng kaibigan ng kaibigan ko. Pero hindi, kaibigan ka lang din pala at lalaki ka.

Akalain mo, pag malayo mukha kang babae pero pag malapitan kamukha mo si Vaness Wu ng Meteor Garden (original version).

Humanga ako, kaya't tinawag kitang "meteor garden".

"Meteor garden plato mo oh. Ayan ang spaghetti."

"Wait lang. Kukuha ko sina bess at meteor garden ng tubig."

"Akala ko babae si meteor garden e."

"Hala, magaling palang kumanta si meteor garden. Pauwiin nyo na yan."

Ang husay ng pagkakaawit mo ng Heaven Knows. Kundi ako nagkakamali 100 pa nga ang nakuha mong score si videoke.

Ayaw mo na nga atang bitawan ang mikropono. Pambato ka raw pala sa videokehan sabi ng kaibigan mo.

Nagtagal ang pag uusap ng tropa. Madali ka lang din nakasakay sa mga trip naming magbabarkada kaya noong araw at oras ding iyon naging barkada ka na rin namin.

Nagkwentuhan tayong magkakaibigan.
Base sa mga kwento mo, tila malaki ang pinagdaanan mo sa buhay.

Naintriga ako.

Ano bang mayroon sayo?

Humaba pa ang kwentuhan.
Meteor garden pa din ang iyong pangalan kahit nagpakilala ka na sa amin.

Mas pinili kong tawagin kang meteor garden.

Kwentuhan pa.
Napagtripan na kita. hindi...mali...natripan na kita.

Nagsimula akong magtanong sa isip ko, sino ka ba?

Bago matapos ang araw na iyon, naging magkakaibigan tayo. Kung ano ang pakikitungo mo sa iba kong kasama ay ganon din ang pakikitungo mo sakin. Hindi naman ako umasa.
Wala naman akong nararamdamang iba sayo bukod sa intriga.

Hindi na tayo nag usap magkatapos ang araw na iyon.

Ilang araw ang lumipas at isinali ako sa isang groupchat ng kaibigan natin. Groupchat iyon na kasama kayo ng kaibigan mo at ang apat ko ring kaibigan.
Tuloy tuloy ang kwentuhan at kabaliwan sa group chat na iyon. Sana all, iyon ang pangalan.

Sana all.
Sana all.
Sana all.

Sana all inadd mo sa fb.
Ang apat kong kaibigan ay inadd mo pero ako hindi. Mas naintriga ako, anong meron sakin at hinuli mo ako?

Naragdagan pa ang miyembro ng grupong Sana All.
Sila ang mga kaibigan mong nirereto nyo sa kaibigan ko.

Naragdagan tayo hanggang sa bumubuo na tayo ng magkakapares sa gc na iyon.

Isang araw pinansin mo ang profile picture ko

"Ang ganda mo sa profile mo ah @akpwydw"

Dahil sa simpleng sinabi mo, sinakop mo na ang mundo ko.
Iyon na pala ang umpisa. Dahil sa mga malisyoso nating kaibigan, nabigyan iyon ng ibang kahulugan.

#Arby ang ating naging pangalan.

~~~~~~~~

Ang sarap alalahanin ng simula. Parang kailan lang ng makilala kita. Lahat ng pangyayari sariwa pa.
Habang sinusulat ko to hindi ko alam ang emosyong nailalabas ko.

Sobrang saya, pero sobrang sakit din pala.

 APWhere stories live. Discover now