Open letter-Day 2

16 2 2
                                    

Third day of break up


Araw-araw tinitignan ko pa din ang naiwang chathead natin. Umaasa na mangangamusta ka at gusto mo akong kausapin.

Alam ko di mo iyon magagawa.
Alam ko nasasaktan ka pa nga.

Hindi ko din naman gustong makausap ka ng may sakit na nararamdaman, dahil alam kong ako lang ang mas masasaktan.

Pero naghihintay pa din ako sa pangangamusta mo.

Ewan ko ba....

Ayokong umasa pero naghihintay ako.
Ayokong masaktan pero nadudurog ako.
Ayokong umiyak pero naluluha ako.
Ayokong mawala ka pero sumuko na lang ako.

~~~~~~~~

Naalala ko pa, wala ka atang balak iadd ako sa Facebook kung hindi lang nagtanong ang kaibigan ko sayo.

"Bat kaming lahat friend mo pwera na lang kay ano?" Tanong nya sayo.

"Edi iaadd ko." Sagot mo.

Napipilitan ka pa dyan ah.

Nung gabi ding iyon inadd moko. Nakita ko agad sa notification ang pangalan mo. Pero syempre pakipot tayo kaya nag antay ako ng ilang oras bago iconfirm ang request mo.

Pagkatapos ng araw na iyon hindi mo pa din ako china-chat.

Baka hindi talaga ako ang tipo mo. Sadyang nagandahan ka lang talaga sa profile picture kong nakasuot ng sumbrero.

Ngunit tuloy pa din ang love team nilang binubuo. Sa groupchat tayong dalawa pa din ang binubuyo.

Nakakatuwa lang na sinabayan ang trip nila. Sa group chat para "tayo" na.

"Nasa kanya na atm ko, palibre kayo sakanya."

"Liligawan na sana kita e, kaso wag na. Baka bigla ka pang sumaya."

"Sana all sineseryoso."

"Sana all binibigyan ng chance iprove ang sarili."

"Sana all naniniwala sa mga sinasabi ko."

Iilan lang yan sa mga patutsada mo, eh di ka naman nagchachat ng pm.

"Sana all nag p-pm." Parinig nila sayo.

"Pag nag pm ako sakanya hindi ko na sya titigilan pa." Sagot mo.

Hindi na ako umasang ichachat mo nga ako.

Nagkaroon ng ikalawang pagkikita.

Inuman, kwentuhan, at di mawawala ang pinaka klasikong laro "truth or dare".

Maraming truth na nabunyag, at dares na nagawa.

"Ilang percentage ang attraction nyo sa isa't isa?"

"Eight" ang sagot mo

"Six" ang sa akin.

"Dare: magpicture kayong dalawa."

"Dare: hold hands for 5 minutes.

"Dare: smell his hair."

"Dare: Chat her."

"Dare: Send a picture to her."

Chinat mo ako. Natawa na lang ako sa laman ng message mo.

"PM"

Sobrang effort ah.

Yung picture naman na sinend mo, blurry epic picture ng barkada mo.

Baliw ka talaga.

Pero dahil don lalo akong naintriga.

Napaisip na lang ako. "Gusto pa kitang makilala."

~~~~~~~~~

Noon gustong gusto kitang makilala, ngayon iniisip ko kung dapat na bang kalimutan ka?

Pero palagay ko hindi ko makakaya.

Hindi naman kailangang kalimutan ang taong nagpasaya sayo, hindi ba?

Kaya..
Mananatili ka sakin.
Mananatili ang alaala mo.
Mananatili ang pagmamahal ko sayo.
Mananatili ang masasayang aral na ibinigay mo.
Mananatili ka sa puso ko.
Kahit wala ng tyansa pang manatili ka sa tabi ko.

 APWhere stories live. Discover now