1 Corinthians 13:4-8
Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man,
5 hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa.
6 Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan.
7 Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas.
8 Matatapos ang kakayahang magpahayag ng salita ng Diyos, titigil rin ang kakayahang magsalita sa iba't ibang mga wika, mawawala ang kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang hanggan
~~~~~~~
Kung tunay mang pag-ibig ang hinahanap ko, palagay ko'y nakita ko na ito sa iyo.
Kung tunay mang pag-ibig ang hatid mo, hinihiling kong ako ang makaranas nito.
Kung tunay mang pag-ibig ang hangad ko, hangad kong maramdaman ko sa iyo.
At kung tunay mang pag-ibig ang mayroon tayo, hindi ba't dapat lagi itong panalo.
Sana...dalangin ko...sana manalo tayo.
YOU ARE READING
AP
RandomThis is not a story. It's an open letter to my "pinagtagpo ngunit pinaglayo ng tadhana".