Mga Bagay na Natutunan Ko SA'YO

7 0 0
                                    

Mga bagay na natutunan ko sa pagdating mo:

Una, walang masama sa muling pagsubok magmahal. Kung nasaktan ka man noong una, wag mong itapon ang kandado ng puso mo. Balang araw mayroong marespetong tao ang magalang na kakatok sa pinto. At nasisiguro kong ikaw mismo ang magiliw na magpi-prisintang magbubukas nito.

Pangalawa, hindi mahalaga ang tagal ng pagsasama, ang mahalaga ay ang halaga ng pinagsamahan. Hindi sa ikli o haba ng panahon ang basihan ng pagmamahal kundi sa pagiging totoo ng damdamin na binigay.

Pangatlo, lahat tayo may karapatang magbuhos ng emosyon sa taong tingin natin karapat-dapat paulanan ng pagmamahal. Wag kang matakot. Dahil kung siya nga ang para sayo babalik at babalik ang pagmamahal na nilaan mo.

Pang-apat, maging totoo at magmahal ng totoo. Mayroon tayong kanya kanyang kapintasan. Hindi tayo perpektong tao. Kailangan lang maging totoo upang matanggap ang iyong depekto.

Pang-lima, napakasarap magmahal. Napakasarap ibuhos ang buong pagmamahal sa taong alam mong karapat dapat makatanggap nito. Napakasarap maramdaman ang presensya ng taong minamahal mo.
Masarap ang magmahal.

Pang-huli, manalig ka. Sa lahat ng problemang kinahaharap mo, nariyan 'Siya'.




Mga bagay na natutunan ko sa paglisan mo:

Una, kahit sanay ka ng masaktan, kung totoo ang iyong nararamdaman hinding hindi mo pa din mapipigilan ang hindi panangisan. Hayaan mong umagos ang luha, dahil tulad ng sakit kusa din yang mawawala.

Pangalawa, hindi dahil pareho kayo ng gusto nangangahulugang tinadhana na kayo. Dahil madalas ang bagay na magkapareho ay ang mga bagay na hindi dapat pinagpapares. Ang kutsara ay para sa tinidor noon pa man. Hindi tayo gumagamit ng parehong kutsara sa hapagkainan.

Pangatlo, ang pagsuko ay hindi kailanman eksebisyon ng kaduwagan. Kung matapang kang magmahal dapat ay matapang kang sumuko kung kinakailangan. Ang paglisan ay hindi nangangahulugang iyon na ang katapusan. Dahil maaari itong maging bagong simula ng bagong patutunguhan.

Pang-apat, wala kang dapat ikapanghinayangan. Wala ka ring dapat pagsisihan. Mas lalong wala kang dapat kagalitan. Dahil aminin mo man o sa hindi, sa napakaikling panahon o kahit sa isang segundo man lang nakaramdam ka ng tunay na kaligayahan.

Pang lima, napakasarap magmahal. Kahit hindi na s'ya kailanman magiging parte ng susunod mong araw, napakasarap pa din nyang mahalin at ipanalangin. Napakasarap magmahal kahit napakasakit masaktan.

Pang-huli, manalig ka. Sa lahat ng problemang kinahaharap mo, nariyan 'Siya'.

Maraming salamat sa iyong tunay na pagmamahal. Hindi ito ang huli. Hanggang sa muli.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 APWhere stories live. Discover now