Open letter-Day 4

20 2 3
                                    

Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa at mapag tiis hanggang wakas.

~~~~~~~~~

Sabi nila'y parte ng pag-ibig ang sakit. At kung tunay kang umiibig marunong kang magpatawad.

Sabi nila'y kailangan sa pag ibig ang pagtitiwala. Kung tunay kang umiibig marunong kang umasa't maniwala.

Sabi nila'y kung mahal mo hindi mo susukuan, marunong kang mag tiis hanggang wakas. Dahil ang pag ibig hindi parang mainit na kaning isunubo at pag napaso'y iluluwa.

Ang dami nilang sinasabing mga bagay na magpapatunay kung ang pag-ibig ay totoo.

Kailan ba masasabing tunay ang pag-ibig?

"Totoo ang pagmamahal ko sayo" sabi mo.
Hindi ko alam kung ano ang naging basihan ko sa paniniwala sayo. Ang alam ko lang nararamdaman ko. Oo, totoo.

Totoo?

Pero paano?

Pa'no pa ako maniniwala sa pag ibig na totoo kung tayo na mismo ang nagsuko nito?

Maibabalik pa ba?

Mapatutunayan pa ba?

Magiging tunay pa ba?

Maniniwala ka pa ba kahit minsa'y kinwestyon mo na?

 APWhere stories live. Discover now