CHAPTER 5

2.2K 89 0
                                    

R-18

Juvelyn's Po'V

Papasok ako sa opisina na lutang ang pag-iisip. Nakabangga ko pa nga si Leni na nagtataka sa kilos ko.

Hanggang ngayon kasi hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari sa opisina ni sir kahapon. He just kiss me for freaking sake! Walang pumapasok sa isip ko na sagot kung bakit niya iyon nagawa. Puro katanungan lang ngunit wala namang sagot na nakukuha.

Ito na ba yung sinasabi ni Janine na isa ako sa mga babae ni sir? Pero ang tanong, bakit ako? At ang mas malala pa, janitress niya ako!

That's just bullshit! Wala talaga akong maisip na dahilan kung bakit niya yun ginawa. Kung bakit niya yun nasabi sa akin.

Napailing iling nalang ako saka pumasok sa locker room. Hindi ko pa man nabubuksan ang locker ko ay may napansin ako.

Nanliit ang mata ko saka kinuha ang papel na naka ipit sa locker ko. Binuklat ko ito saka binasa ang naka sulat.

Don't expect my presence here at the company. I have some business to resolve. If your confuse right now because of what I have said, just wait for me. I'll prove it to you.

-Acxle

I immediately fold the paper dahil baka may ibang makakakita. Lumingon ako sa magkabila kong gilid dahil baka may ibang nakabasa.

Nakahinga ako ng maluwag nang makitang malayo sa gawi ko ang iba ko pang mga kasama. Nilagay ko ang papel sa aking bag bago buksan ang locker ko.

Lumabas din ako agad sa locker room saka dumeretso sa equipment room. Kinuha ang dapat na kunin saka dinala papuntang elevator. Pinindot ko ang numerong 58 bago ito sumarado. Nang makarating ako sa floor na lilinisin ko ay tinulak ko palabas ang dala dala ko.

Pagpasok ko palang sa opisina ang katahimikan agad ang sumalubong sa akin. Sa hindi malamang kadahilanan, medyo nalulungkot ako dahil wala akong makaka usap dito.

Napabuntong hininga nalang ako saka  isinarado ang pinto. As usual, ginawa ko na ang daily routine ko sa opisinang ito.

Nakakapanibago lang dahil nakakabaliw ang katahimikan dito. Naninibago ako dahil walang sir Acxle na gumugulo sa akin.

Natawa ako sa aking naisip saka napailing. Hindi ko maisip na naninibago talaga ako dahil wala si sir. Siguro dahil sanay na akong palagi siyang nandito. Na palagi siyang nakakausap at nakikita.

Nasa kalagitnaan ako ng pagwawalis nang bumukas ang pinto ng opisina. Mabilis akong napalingon duon at napataas ang aking kilay dahil sa nakita.

"Where's Acxle?" Mataray na tanong ng isang babae na halos makita ko na ang dapat na hindi makita.

Napakurap kurap ako saka tumayo ng tuwid. "He's not here maam."

Tumaas ang isa niyang kilay. "Do you know where he is?"

Umiling ako sa tanong niya. "No maam." Sagot ko.

Inirapan lang niya ako saka lumabas ng opisina. Kumunot ang noo ko dahil sa naging kilos ng babae. Sino ba ang babaeng yun? Bakit niya hinahanap si Acxle?

Isa ba siya sa babae ni Acxle?

Sa isiping yun ay huminga ako ng malalim dahil hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso ko.

Black Mafia 3: Acxle CollinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon