CHAPTER 19

2K 89 2
                                    

Juvelyn's Po'V

Tahimik lang akong nakaupo sa sofa nitong bahay ng mga magulang ni Acxle. Hindi ko nga alam kung bakit dito niya ako dinala imbes na sa presento.

Nandito kami ngayon sa living room. Kasama ko si Acxle at si Khairo na tahimik lang sa isang couch. Ang parents naman ni Acxle ay hindi ko alam kung nasaan.

"Bakit tayo nandito?" Paunang tanong ko dahil ang tahi-tahimik namin.

Bumuntong hininga si Acxle na nasa tabi ko saka ako hinarap. "Don't be shock, okay?"

Kahit naguguluhan ay tumango ako. "Why would I be shock?"

Pabalik balik ang paghaplos niya sa kanyang hita na para bang kinakabahan talaga siya.

"I don't want to keep you a secret anymore." Pagkaraan ay wika niya.

Hindi na ako nagulat sa kanyang sinabi. Alam ko naman talagang may sekreto siyang hindi masabi-sabi sa akin.

Tipid akong ngumiti sa kanya. "Is this a secret that you can't tell me?" Mahina ang boses na tanong ko.

Nakita ko kung paano lumunok si Acxle. Mukhang kinakabahan talaga siya sa kung ano man ang kanyang sekreto. Wala namang kaso sa akin basta sabihin lang niya. Nakakasama din kasi sa isang relasyon ang paglilihim.

Hinawakan ko ang kamay niya saka mahinang pinisil. "Just spill it. Maiintindihan ko kung ano man iyang sekreto mo. Just tell me what is it." I urged him to tell me.

Sunod sunod siyang napalunok. Kalaunan ay bumuka ang bibig niya upang magsalita.

"I'm part of the Organization named Black Mafia." Seryoso at puno ng katotohanan ang kanyang boses.

Tumaas ang dalawa kong kilay. "Black Mafia? Anong ginagawa niyo?" Tanong ko.

I know what is Mafia. It's a group of individuals na gumagawa ng mga ilegal. Though may mga Mafia din naman na handang tumulong sa mga taong naapi, inaagrabyado, inaabuso at sinasaktan. That's what I read. Pero hindi ko alam kung saan duon ang kinabibilangan ni Acxle.

When were in the Island, yung baril sa ilalim ng unan, duon na ako nagsimulang manghinala kung anong klaseng buhay ba meron si Acxle.

Yung mga tauhan niya sa Isla na palaging over all black. Yung time na nahanap niya ako sa eskinita kahit hindi ko naman sinasabi sa kanya kung nasaan ako. Kung nagkataon lang iyon, imposible namang gagala si Acxle malapit sa eskinita.

And this one. Hindi ko man nakita dahil nasa state of shock pa ako nung time na iyon, pero alam kung siya ang bumaril kay Caryl.

"Honey please listen to me.."

Napabalik muli ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang boses ni Acxle na pumipiyok. Huli na ng malaman kong umiiyak pala siya nang lumuhod siya sa harapan ko habang nakasubsob ang kanyang ulo sa aking tiyan.

Tumayo si Khairo na nasa harapan namin nakaupo saka ako tinanguan bago naglakad paalis sa living room.

Napabuntong hininga nalang ako habang hinahaplos ang ulo ni Acxle na ngayon ay hindi pa din tumitigil sa pag-iyak.

"Honey please.. That's not what you think.. I can expla—"

"Then explain here while your sitting. Not kneeling." Putol ko sa kanyang sinasabi. Inangat ko ang kanyang ulo saka binigyan ng halik ang dalawa niyang mata na may luha. "whatever it is. Tatanggapin ko yan. Dahil mahal na mahal kita. Kahit ikaw pa ang pinakamasamang tao dito sa mundong ito, tatanggapin ko pa din iyon dahil alam ko, dadating ang panahon na magiging mabuti kang tao." Nakangiti at puno ng lambing kong wika sa kanya.

Black Mafia 3: Acxle CollinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon