CHAPTER 12

2K 78 1
                                    

Juvelyn's Po'V

Kinabukasan ay bumalik nga kami ni Acxle sa syudad. Napag alaman kong helicopter pala ang ginagamit dito upang makapunta at makalabas sa Isla.

At first, hindi ako sanay dahil muntik pa akong nasuka. Mabuti nalang at napigilan ko ang sarili ko hanggang sa makarating kami sa kompanya ni Acxle.

"You sure you won't come with me?" Tanong ni Acxle habang nasa loob kami ng kotse niya sa parking lot.

"Yep. Pupuntahan ko din kasi si Janine dahil alam kong nag-aalala na siya sa akin. Isa pa, baka mahalata ng mga empleyado mo ang tungkol sa atin." Mahina ang boses na ani ko.

Napatitig siya sa akin kaya hindi ko naiwasang makita ang lungkot na dumaan sa kanyang mata. I know na gusto na niyang ipagsigawan ang tungkol sa amin. Alam kong hinihintay niya lang na handa na ako. Pero hindi pa ngayon ang takdang panahon.

Ngumiti ako sa kanya bago tinaggal ang seat belt na nakakabit sa akin. Lumapit ako sa kanya saka paharap na kumandong. Hinaplos ang kanyang pisngi saka binigyan ng halik sa labi.

"I know na gusto mo ng ipaalam sa kanila ang tungkol sa atin. But, can you wait a little bit longer? I promise na kapag handa na ako, sasabihin ko agad ito sayo." Mahinahon ang boses na ani ko.

Alam kong may dapat pa siyang sabihin ngunit tumango at ngumiti lang siya sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit na agad naman niyang tinugon.

Hindi ibig sabihin na hindi ako handa na ipaalam sa iba na kami na ni Acxle ay hindi na ako proud sa relasyon namin. Sadyang hindi pa talaga ako handa at hindi pa ito ang tamang oras.

"Okay. If that's what you want." Ani niya bago kumalas sa pagkakayakap namin.

Lumawak ang ngiti ko at hinalikan ko siya muli sa labi. "Salamat. Pero pangako ko sayo. Kapag handa na ako. Ako mismo ang sisigaw na may relasyon tayo."

Kumislap ang mata niya sa sinabi ko. "I'll wait for it." Aniya saka hinalikan ang noo ko. "sumunod ka agad sa akin." Mariin niyang ani.

Sumaludo ako sa kanya. "Yes boss!"

Napailing iling na natawa nalang siya. Umalis na ako sa pagkaka-kandong ko sa kanya saka umayos ng upo. Binuksan niya ang pinto ng kotse saka ako kinindatan bago tuluyang lumabas.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang tinatanaw ang papalayo niyang bulto. Nang makasakay na siya sa elevator ay sumunod na ako.

Palingon lingon ako sa paligid kung may tao. Mabuti na lamang at lunch break ngayon kaya ang karamihan ay nasa canteen.

Napahinga ako ng malalim nang makitang walang ibang tao. Kung meron man ay nasa malayo. Lumabas na ako sa kotse saka pormal na naglakad papunta sa elevator.

Hindi ko alam kung anong ginawa ni Acxle para hindi magtaka si maam Lourdes sa ilang araw kong pagkawala. Well, siya naman ang boss kaya alam kong ginawan na niya ito ng paraan.

Nang makapasok ako sa elevator ay pinindot ko ang numerong three bago sumara. Nang bumukas ulit ito ay lumabas na ako saka dumeretso sa opisina.

Napangiti ako nang maabutan ko duon si maam Lourdes na may binabasang isang papeles.

"Good noon maam." Pagbati ko nang makalapit ako sa mesa niya.

Nag-angat siya ng tingin na bahagya pang nanlaki ang mata. "Juvelyn!" Ani niya bago tinaggal ang suot na reading glass. "Kumusta kana? Sabi ni sir Acxle may nangyari daw sayo kaya hindi ka nakapasok ng ilang araw. Okay kana ba?" Sunod sunod nitong tanong.

Bahagya akong napangiwi dahil sa tanong ni maam Lourdes. Totoo namang may nangyari sa akin pero hindi ko aakalain na iyon talaga ang sasabihin ni Acxle.

Black Mafia 3: Acxle CollinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon