CHAPTER 8

2.1K 78 1
                                    

Juvelyn's Po'V

"Anak tumakbo kana!"

"Magtago kana anak! Bilisan mo!"

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa aking mga magulang dahil pareho na silang naghihisterikal sa pagsigaw sa akin.

Kumunot ang aking noo. "Nay, bakit naman po ako magtatago? At tsaka, sino po ba ang sinasabi niyong dadating? May bisita ba tayo kahit dis-oras na ng gabi?" Naguluhan kong tanong sa kanila.

Lumapit sa akin si tatay saka ako hinawakan sa balikat. "Makinig ka sa amin, anak. Kailangan mo ng magtago. Intindihin mo na lamang kami." Seryoso at madiing ani ni tatay.

Mas lalong kumunot ang aking noo. "Saan naman po ako magtatago?" Pakikisakay ko na lamang dahil baka isa lamang itong biro.

Hindi na mapakali si nanay sa couch namin dahil panay ang tayo nito saka uupo na naman. Kahit bente anyos pa lang ako, naiintindihan ko na kung ano ang kinikilos ng paligid ko.

Hinila ako ni tatay sa isang gilid kung saan nakalagay ang malaki naming family picture. Nanlaki ang mata ko nang hilahin niya ito at tumambad sa amin ang medyo may kalakihan na pagtataguan.

"Tay, matanda na po ako sa tagu-taguan." Nagbiro ako ngunit hindi man lang siya tumawa.

Hinila ako ni tatay saka pinapasok ako sa loob. Nagsumiksik pa ako dahil hindi ako kasya sa laki ko.

Sinapo ni tatay ang mukha ko saka hinalikan sa ulo. "Kahit anong mangyari, wag na wag kang lalabas. Tandaan mo palagi na mahal na mahal ka namin ng nanay mo." Ani niya saka ulit hinalikan ang aking noo.

Puno ng kaguluhan akong tumango. Hindi ko maintindihan kung bakit ganuon na lamang ang inaakto ng mga magulang ko.

Nagkibit balikat nalang ako saka hinayaan si tatay na hilahin pabalik ang family picture namin upang sumarado.

Dahil sa dilim ay naghanap ako ng kahit kaunting butas na nakita ko naman. Mula dito sa pinagtataguan ko ay kitang kita ko si nanay at tatay na masinsinang nag-uusap. Kung ano man itong pinapagawa nila sa akin, wala akong alam maski isa.

Kumunot ang noo ko dahil nakarinig ako ng sunod sunod na kalabog. Naging alerto ang mga magulang ko at niyakap ni tatay si nanay na ngayon ay umiiyak na.

Napasinghap ako sa gulat ngunit agad ko ding itinikom ang bibig ko dahil bigla na lamang humandusay sa sahig ang aking ama.

Huli na ng malamang kong nabaril siya dahil sa dugo na kumalat sa sahig. Pigil ang hikbi ko lalo na nang humandusay din sa sahig ang aking Ina na napupuno ng dugo.

Gusto kong lumabas upang tulungan sila ngunit pakiramdam ko ay wala akong lakas na gumalaw.

Ang ipinagtataka ko lang ay wala man lang akong nakitang tao! Wala akong narinig na putok ng baril!

Nakagat ko ng mariin ang aking boses lalo na nang marinig ko ulit ang kalabog sa aming bahay. Piping nanalangin ako na sana ay umalis na sila upang matulungan ko pa ang aking mga magulang.

Ito ba ang sinasabi nila na kailangan kong magtago? Ito ba ang sinasabi ni tatay na wag akong lalabas kahit anong mangyari?

Napatigil ako sa aking pag-iyak mawala na ang kalabog na aking naririnig. Ngunit hindi ako magpakampante dahil baka nasa paligid parin sila.

Kahit kinakabahan, dahan dahan kong tinulak ang family picture namin upang makalabas ako. Kaliwa't kanan akong tumingin upang makasiguro.

Nang wala akong makita ay patakbo akong lumapit sa aking mga magulang. Hindi ko kayang hawakan dila dahil naninikip ang aking dibdib.

Black Mafia 3: Acxle CollinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon