CHAPTER 15

2K 75 1
                                    

Juvelyn's Po'V

Kagat-kagat ang labing pinagmamasdan ko lang si Janine habang inilalagay ang bag niya sa locker. Nakasunod ang tingin ko sa bawat kilos niya.

Malalim akong mapabuntong hininga saka sinundan siya na ngayon ay nakalabas na sa locker room. Bago pa man siya makapasok sa equipment room ay hinila ko na siya sa isang sulok na walang makakarinig sa amin.

Napanguso ako nang makitang wala paring reaksyon sa mukha niya. Talagang nagtampo siya ng todo.

"Janine.." mahina ang boses na tawag ko sa kanya.

Tumaas lang ang dalawa niyang kilay bilang sagot niya. Mas lalong nanulis ang nguso ko at napagdesisyonan na sabihin sa kanya ang totoo.

"Tungkol ito sa pamilya ko." Pasiuna kong wika sa mahinang boses. Nanatili lamang siyang nakatitig sa akin habang naghihintay sa susunod kong sasabihin. "pinatay sila five years ago sa harapan ko. It's questionable. Wala akong makitang sagot kung bakit pinatay ang magulang ko. Kung may nagawa ba silang masama o may taong galit sa kanila. For almost five years, ngayon lang ulit ako nakahanap ng taong tutulong sa akin. I keep this to you dahil alam kong mag-aakala ka. Then I met him. Nang makilala ko siya nakahanap ako ng taong tutulong sa akin na bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko. Marami akong nalaman na maski siguro ikaw ay hindi maniniwala.

"Bella's Group of Company ang huling binaggit ni tatay bago siya mawalan ng buhay. It's weird though dahil bakit iyon pa ang kanyang nasabi sa huling hininga niya? That's the reason why I need a money. Dahil balak kong paimbestigahan sila. Ngayon nga nalaman ko ang tungkol sa kompanyang iyon. Ang babaeng may-ari nun ay kapatid ni tatay. Ang babaeng nakita mo sa Café ay anak niya kaya pinsan ko siya. It's shocking right? Then nalaman ko din na ang totoong pangalan ng kompanyang iyon ay Abella's Group of Company. What shocking me more is the fact that my father is the next successor of that company. So.. I'm deeply thinking na may kinalaman sila sa pagkamatay ng magulang ko." Pagtatapos ko sa aking sinabi.

Janine face is epic. Gusto kong tumawa sa reaksyon niyang nanlalaki ang mata habang nakanganga ang bibig. But I know this is a serious talk. Kaya kahit gusto kong tumawa sa reaksyon niya, pinili ko na lamang na maging seryoso din.

Ilang ulit siyang napakurap kurap habang umaawang parin ang bibig. Batid kong siya ang mas nagulat sa impormasyong nalaman niya.

Ilang minuto ko pa siyang hinintay na makarecover sa pagkagulat. Nakapameywang na hinarap na niya ako ngayon habang matiim na nakatitig.

"I'm so shock you know.." naibulong nito. "hindi ko alam na ganyan pala kabigat ang sekreto na sasabihin mo sa akin." Napailing iling siya. "wala akong masabi."

Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya at hindi alam kung ano ang sasabihin.

"Galit ka ba?" Ilang minuto bago ako makapagsalita.

Umiling siya. "Galit? Hindi. Nagtatampo? Slight."

Wala sa sariling nakagat ko ang aking dila. "Ano bang pwede kong gawin para hindi kana magtampo?" Mahina ang boses na wika ko.

Bahagyang nanulis ang kanyang nguso. "Libre mo ako."

Dahil sa kanyang sinabi ay pinigilan ko ang ngiting gustong kumawala sa labi ko. Alam kong ngayon ay hindi na talaga siya nagtatampo.

Hindi ko na siya sinagot at basta basta ko nalang siyang hinila palabas sa opisina.

"Teka, nay trabaho pa ako!"

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya nang akmang hihilahin niya ito pabalik.

"Saglit lang tayo, okay? Kakausapin ko nalang si Acxle tungkol sa pagkawala mo." Sagot ko habang patuloy parin sa paglalakad.

Black Mafia 3: Acxle CollinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon