1.

310 20 26
                                    


this is a work of fiction.

---

"at kung ikaw ay mahulog sa bangin, ay sasaluhin kita."

huwag kang matakot, eraserheads.

1: Ang Simula

---

ULAN.

Kung kailan ako hindi handa. Obvious naman nang July, dapat may dala akong payong, pero wala, nganga ako. Tuloy, basa akong uuwi sa bahay. Buti sana kung malapit lang — e, dalawang baranggay pa ang dadaanan ng tricycle para lang makauwi. Minsan wala pang tarapal, kaya panigurado basang sisiw ako nito.

Kung hindi naman kasi ganito ang sistema ng sakayan dito, edi sana mas maayos para sa aming mga malalayo ang bahay. Kaso wala e, kung sino 'yung mga malalapit ang pupuntahan, sila ang inuuna. Ilang beses na bang nangyari sa akin 'to? Hindi ko na nga mabilang. Pare-parehas naman kami ng binabayad na pamasahe, ah!

Nagngingitngit na ang mga ngipin ko sa loob pero kailangang kumalma. Sige, intindihin. Wala namang ibang magagawa kundi intindihin lahat. Lahat na lang iniintindi. Nakakasawa na, pero sige, oo na lang.

"Ang tagal naman." Napalingon ako sa nagsalita. Bigla kasi siyang sumulpot sa gilid ko. Medyo naasiwa ako nang magtama ang paningin namin lalo na no'ng sumilay ang ngiti sa labi niya.

Kumunot ang noo ko bago iiwas ang tingin. Naka-drugs ba 'to?

"Baranggay Piloan ka rin?" aniya ulit. For the second time, nilingon ko ulit siya — at ang adik, nakangiti pa rin.

Bahagya akong tumango. "Oo," tipid na sagot ko bago muling umiwas ng tingin. Pinasadahan ko ang terminal namin; maraming tricycle na nag-aabang pero walang kumukuha sa amin para isakay.

Leche 'tong mga 'to, ah.

"Kuya, Piloan?" muli, ang lalaki sa gilid ko. Umabante siya at kinausap ang  driver ng tricycle na nasa pangalawa. Nasagi pa niya ang uniform ko, buti na lang hindi nadumihan.

Lumingon sa akin ang driver habang kinakausap siya nung lalaki. Tumango ito bago i-start ang tricycle niya.

Nilapitan ako ng lalaking nakangiti. Ngayon ko lang napansin na marami siyang dalang bagahe, kasama ng gitara niya. "Tara na raw, ihahatid na tayo," aniya. Tinalikuran niya ako at sinenyasan na sumunod sa tricycle.

Mas lalong kumunot ang noo ko pero sige, atleast sa wakas makakaalis na ako. Imbyerna, halos isang oras na pala akong nag-aantay dito.

"Aalis na tayo, Kuya?" tanong ko sa driver nang makasakay ako sa loob. Hindi pa kasi puno, dadalawa pa lang kami nung lalaking kumausap sa akin na ngayon, nasa likod, katabi ng driver.

Binalingan niya ako. "Oo, kinaryada na po ng boyfriend mo," sagot niya.

Huh?

"Sige na, Kuya, larga na." Humagikhik ang lalaki sa likod. "Baka mas lalong magsungit 'yan."

Bastos 'to ah.

Sa Susunod Na LangWhere stories live. Discover now