38.

21 5 0
                                    

"umiikot ang mundo at hindi humihinto..."

walang nagbago, eraserheads.

38. Anong Nangyari?

---

KADALASAN sa buhay, maraming pagbabago na hindi maintindihan ng mga puso natin. Parang kailangan pang pag-isipan. Na kailangan pa ng oras para makapag-adjust. Kasi nga, nagbago.

Pero minsan 'yung mga pagbabagong iyon naman nakakatulong, e.

Ang hirap nga lang mag-adjust.

Habang nagluluto si Inggo sa kusina, ako ang nagbabantay kay Juliana. Kanina pa kasi sumasakit ang ulo niya. Pinainom na rin namin ng gamot pero wala siyang tigil sa pag-iyak.

"Dalhin na kaya natin sa ospital?" tanong ko dahilan para mapalingon si Inggo sa amin mula sa kusina.

"Masakit pa rin ba, baby girl?" Nilapitan niya kami. "Nilalagnat ba siya?" aniya.

Umiling ako. "Hindi naman, chi-neck ko 'yung temperature niya kanina."

Napahawak siya sa baba niya, nag-aalang tiningnan ang anak bago tumango. "Sige," aniya. "Dalhin na natin."

Hanggang sa biyahe naman papuntang ospital, umiiyak pa rin 'yung bata. Pinipilit ko siyang patahanin kaso hindi talaga siya mapatigil at sabi nang sabi na masakit daw talaga ang ulo niya.

"It's okay anak, malapit na tayo," pagtatahan ni Inggo na halatang hindi makapag-focus sa pagmamaneho. "We'll see your doctor, hindi na ulit 'yan sasakit." Bahagya niyang hinimas ang ulo ni Juliana.

"Mag-focus ka nga," usal ko na ikinatango niya. Nginitian ko siya para kahit man lang konti, mapagaan ko ang loob niya.

"She'll be fine, migraine lang 'yung pagsakit ng ulo niya. At don't worry mild lang ang sa bata," anang doctor pagka-check kay Juliana. "Siguro mas bantayan na lang natin siya nang mabuti sa paglalaro ng gadgets."

Nakahinga nang maluwag si Inggo pagkarinig sa sinabi ng doctor. Nginitian ko siya na sinuklian niya lang ng yakap.

"Sabi ko naman sa 'yo, e," usal ko.

Pero hindi doon nagtapos ang lahat. Kasi 'yung inakala naming migraine lang. Na simpleng pagsakit lang ng ulo kahit naman halos hindi na siya pinapahawak ng gadgets, mas malala pa pala. Halos isang linggo lang matapos namin siyang dalhin sa ospital, nagsunod-sunod ulit ang pananakit ng ulo ni Juliana.

Tumor.

"Don't worry, hindi naman siya cancerous," pero hindi nun napagaan ang loob naming dalawa ni Inggo.

"Ang sabi niyo doc, migraine lang," inis na sambit ni Inggo dahilan para mapahawak ako sa braso niya. "Tapos ito, tumor? Ano ba talaga? Pinaglololoko niyo ba kami?"

Napasinghap si Doc bago sumagot. "Mr., hindi kasi visible 'yung tumor nung last na check sa kaniya, pero unfortunately, lumaki na ito."

"Ano pong kailangang gawin, Doc?" tanong ko habang pinapakalma si Inggo.

"We have to conduct an immediate operation."

Sa Susunod Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon