33.

19 4 0
                                    

"please come back to me, let's give our love another chance."

back2me, eraserheads.

33. Sa Isang Banda

---

PINILI kong yakapin siya sa huling pagkakataon. Hindi ibig sabihin na ayaw ko sa kaniya ay magsasaya ako. Hindi ganun 'yon. Hindi naman ako ganun kasama.

Nasasaktan din ako.

"Daddy, where's my mommy?" tanong niya sa akin. Puno ng pagtataka ang mukha ng anak ko, sabik na sabik siyang marinig ang sagot mula sa akin.

Alam kong darating ang panahon na magtatanong at magtatanong siya. Kung nasaan ang mommy niya, kung bakit wala siyang mommy — nakapaghanda ako pa rito.

Pero ang hirap pala kapag nandun ka na sa mismong lugar at oras. Para kang nalulutang. Hindi mo alam kung paano mag-uumpisa para mapagaan 'yung sitwasyon. Kung anong tamang salita para hindi gaanong masakit.

"Mommy?" usal ko. "Mommy's up there." Tinuro ko ang langit. "She's at peace, kasama si Papa God, baby girl."

Bakas sa inosente niyang mukha ang pagtataka. "Is she dead?"

Natigilan ako. Nanatili ang mga mata ko sa kaniya. Ang laki na ni Juliana.

Parang kailan lang karga-karga ko pa siya.

"Should I be sad?" dagdag niya na mas lalong nagpabigat sa damdamin ko.

I shook my head. "No, you shouldn't be sad. Kasi kapag sad ka, sad na rin si Daddy pati si Mommy."

"But she's gone, how can we be happy when someone's gone?"

Doon na tuluyang tumulo ang luha ko.  "Come here, baby girl." Kinandong ko siya. "Nakakalungkot na wala si Mommy, but look, binigay ka niya sa amin. An angel was sent from above, regalo ka ni Papa God, anak." Niyakap ko siya.

Alam ko dapat magpakatatag ako sa harapan niya pero hindi ko kinaya. Naghalo na lahat. Hindi ko na nakayanang magpigil. Ang hirap magmukhang matapang.

Narinig ko na lang siyang humihikbi. "I love you, Dad." Bago yumakap sa akin.

"Mahal din kita, baby girl," usal ko. "Tahan na, 'wag ka nang sad." Hinalikan ko siya sa noo.

Nakatulog siya sa balikat ko kaya binuhat ko siya para mailagay sa kwarto. Iniwan ko siya bago dumiretso sa kusina.

Mas bumuhos ang luha ko pagkarating doon. Ganito ba ako kamalas? Lahat na lang ba kukunin sa akin?

Ito na ba 'yung karma ko?

"The baby's safe, but your wife . . . she's gone."

"Masaya ka na bang namatay ang anak ko? Kasi magagawa mo na lahat ng gusto mo?"

"Kukunin namin ang apo namin, sa amin siya."

"Ayaw naman naming lumaki siya sa isang patapon na tao."

Buti na lang napasaakin si Juliana. If ever nalayo pa siya sa akin, baka hindi ko na talaga makaya. Maybe I'd end up on a cliff? Sa tulay? Hanging?

Sa Susunod Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon