CHAPTER 2: The mean Me!

5 0 0
                                    

"Gising! Gising! Ate gising!"

Mukhang may taga gising nako sa araw-araw at diko na maririnig ang boses ng magaling kong ama! Dahil umuwi na ang bunso kong kapatid na si Alexandria Mitchelle Villadevega galing States dahil dun siya namalagi ng buong bakasyon sa puder ng mga grandparents ko.

"Ano? Bakit ang aga mo manggising?" pagmamaktol ko.

"Anong ano!... Pupunta tayong school don't you remember it's First day of class and we're late! Get up ang get ready! Ate now na maawa ka naman sakin! Makinig ka naman for once!" pagsinghal niya sakin.

Nako po! Kung di lang talaga kita kapatid di kita susundin. Sabihin na nating ganito ako pero marunong parin akong makinig sa mga kapatid ko dahil nakahanap ako ng tiwala at pagmamahal sa kanila. Dahil kami lang din naman ang magkakampi hanggang sa huli.

Si Alex ay first year College na ngayong pasukan. Kumukuha siya ng kursong Medisina na kung saan ginusto ni Daddy na kuhanin niya para kahit papaano ay may sumunod sa yapak nila lolo at lola pati na rin ni Mommy. Pero kung susuriin ninyo parang bata siya kung umasta dahil ang tagal nabunso niyang kapatid ko. Ako naman ay nasa Third year College na kumukuha ako ng course na about sa Business dahil as usual di naman kaya ng Kuya ko na mag-isa lang siyang gagalaw sa company at di niya din kaya na siya lang mag- isa magpatakbo nun.

"Masakit ang ulo ko I need to rest ikaw nalang kaya muna ang pumasok?" sagot ko pa.

"Don't tell me you're allowing Dad to scold you the whole day or I should say for the rest of your life!" panunukso niya.

"Shut up!" yan lang ang naisagot ko at kinuha ang tuwalya ko at pumasok na sa C.R. ko naligo at nagpalit na nang school uniform.

Nauna nang bumaba ang kapatid ko dahil nandun na ang Kuya ko at Daddy ko sa dining namin at kumakain na ng almusal.

Bumaba nako at nasa akin ang tingin ng aking ama.

To be honest concern lang si Daddy sakin ako lang nagpapasama at nagpapalala ng ugali ko kaya ganun nalang siya magalit sakin at ganun ko nalang siya kamuhian.

Nanantili siyang nakatingin sakin. Nakakapanibago siguro na nakita niya akong naka-uniform at maagang papasok kasabay ang kapatid ko.

Binasag ko na ang katahimikan.

"What? Is there any problem? Do I have a dirt in my face?" sagot ko.

"Wala naman" malamyang sagot ni Daddy.

"So why are you guys starring at me? Hanggang sa pagbaba ko?" sabi ko pa.

"Nakakapanibago lang naman na ang aga mong nagising at nag ayos kaagad di ka naman ganyan." Sabi ng Daddy ko.

See yun nga yung nahalata nila. But I never mind them.

Matapos naming kumain may inabot sakin ang aking Daddy.

"Aeirra, here get this" sabi niya.

Inabot lang naman niya sakin ang cellphone ko at ang card holder ko na may lamang mga ATM cards.

I smirked and smile.

"Thanks Dad" sumbat ko.

"Kahit pala bastos ka may nanalaytay parin palang magandang katangian sayo." sabi ng Daddy ko.

Inis ko siyang tinalikuran at sumakay na ng sasakyan ng Kuya ko. Di kami maaring magpahatid sa aming driver dahil kailangan ito ng Daddy sa appointments niya ngayong araw.

Tahimik kami sa buong biyahe namin hanggang sa makarating kami sa main gate ng school.

"Girls be good! Ayaw na ayaw kong maiinvolve kayo sa mga gulo lalo kana Aierra!" paalala nang Kuya ko.

UNknownWhere stories live. Discover now