CHAPTER 3: The Misterious Guy

3 0 0
                                    

Sobrang sakit ng ulo ko nang unti-unti kong imulat  ang mga mata ko at inilibot ang paningin ko upang malaman kung nasaan ako.

Hindi siya pamilyar. Pero kung titignan o huhusgahan ang lugar maganda maaliwalas at malinis. Para kabang nasa loob ng isang palasyo.

Walang alinlangan akong nagmadaling tumayo at saka ko lamang naalala na wala ako sa bahay namin at di pa ako nakakauwi. Tiyak neto sandamakmak na namang salita ang maririnig ko sa aking ama.

Agad kong kinuha ang mga gamit ko tulad ng bag, sapatos, relos at libro na dala dala ko sa tuwing pumapasok ako ng school.

Nang biglang bumukas ang pintuan ng silid at bumungad sakin ang mukha ng isang gwapong lalaki.

Matipuno ang katawan, matangkad siguro mga 6"11 ang height. Jusko mahihimatay yata ulit ako.

"Aba ang landi mo". Tanging yan ang narinig ko dahil iba na ang takbo ng isip ko. Sobrang gulo na nga utak ko dahil bukod sa iniisip ko kung sino ba tong lalaking nasa harapan ko. Mas pinag-aalala ko kung ako na namang sasabihin ng tatay ko sakin.

Kinakapa ko pa ang sarili ko para sa pagbabagong hinihiling ni Daddy hindi lang para sakin kundi para sa reputation ng family namin at mga makakasalamuha ko.

Sa sobrang maldita,troublemaker at kung anong uri ng demonyo ang sumasanib sakin laging pinapatawag ang Daddy ko at Mommy ko sa Guidance Office ng mga school ko.

Oo nagtataka kayo? Pwes huwag na dahil oo sa sobrang sama ng ugali at image ko sa mga naging school ko nagpalipat lipat ako ng paaralan at dahil maimpluwensya ang pamilya ko madali lang makakuha ng school para sakin.

Halos araw-araw kayang di ako nawawalan ng kaaway o hindi kaya naman nabubully. Kaya kung minsan nagsasawa na din ang Daddy ko sakin.

Pero simula nang mawala si Mommy pinilit niya parin akong unawain at mahalin ng totoo at nabawasan na din ang pagkagalit niya sakin dahil nag-eexcell naman ako sa school at wala nang balita na nakikipag-away ako o may binubully ako. Pero dahil dito sa nangyari ngayon tiyak walang mintis! Masasampal ako ng wala sa oras dagdag mo pa yung Kuya ko na over protective din at yung bunso kong kapatid na gatungera kapag galit si Daddy.

"Jusko!!! Kung mamalasin ka nga naman", mahinang bulong ko sa sarili ko.

"Are you saying something? Miss?", pag-aalangan ng bose ng binata waring naguguluhan kung ano ba ako kung babae ba talaga o tibo.

"Yeah. It's okay for me to call me Miss. Okay?" sabay taas ko ng kamay ko na may peace sign.

"Okay then". Masunurin pala to eh.

Imbiyerna talaga. Hahakbang nako papuntang pintuan nang bigla siyang humarang doon at parang ayaw akong palabasin.

Nag-iba na ang awra ko sa sobra inis at galit na rin.

"What do you need?!" mariing sabi ko.

Ngumiti siya at nilock ang pintuan.  Saka ako hinatak at hinagis ako sa kama kung saan napaupo ako at dumako naman siya sa isang office table at umupo sa upuan noon.

Kitang kita sa mga mata niya na seryoso siya at parang may namumuong galit sa mga mata niya. Pero hindi ko alam kung saan nanggagaling yun.

Bumuntong hininga siya at nagsalita.

" I only need you! Just you!" pagdidiin niya.

Agad naman akong kinabahan at nararamdaman kong may namumuong luha sa mga mata ko na siyang nagbabadyang umagos ano mang oras. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaba at takot. Sa dami ng away na nasasalihan ko eto lang ang natatanging nagparamdam sakin ng ganito.

UNknownWhere stories live. Discover now