Chapter 8

25 5 2
                                    

Chapter 8: Cold Never Bothered Me Anyway

 
  
 
"BAKIT ba kasi ayaw mo? I-try mo lang naman!" pagpupumilit ko sa DATE(insert sarcasm) ko na kainin yung isaw na binigay ko sa kaniya.
 
 
 
"You seriously eat this--- wriggly thing?" ewan ko kung lalaki ba talaga 'to eh. Napaka-arte!

 
 
"Arte mo naman boy, bakla ka ba?"
 
 
 
"I'm not!!" oh? Galit?
 
 
 
"Hala siya, defensive much? Hay nako, Darren. Sinasabi ko na. Sayang ang lahi mo." pang-aasar ko pa.
 
 
 
"I'm not a fvcking gay!"
 
 
 
"Hoho. Tologo bo?"
 
 
 
"You want me to prove it to you?"
 
 
 
My lungs felt like a whole tank of oxygen just got robbed from it when Darren took a big step closer.
 
 
 
AS IN CLOSER.
 
 
 
Our nose is just a few inches apart, his minty breath is all over my senses and his eyes looked like it's looking through my soul. And all of this is not helping to calm my rapid heartbeat down.
 
 
 
Shet.
 
 
 
When I came into my senses, I immediately took a step away. Anak ng colored pencils! Muntik na akong mawalan ng hangin!
 
 
  
"Ahm-- Oo na! Hindi ka na bakla! E-Eh bakit ba kasi ayaw mong kainin yan? H-Hindi ka naman mamamatay eh!" bawi ko. Hinding-hindi ko na talaga siya aasarin na bakla! Never again!
 
 
  
"You're stammering." sabi niya at halos malaglag ang puso ko nang ngumisi siya.

 
 
Anak ng coupon bond naman!
  
 
 
"Huwag ka ngang ngumisi!" saway ko sa kaniya. This guy will cause the death of me!
 
 
 
"Why not? Is it illegal?" aba! Nagtanong pa siya! Hindi ba illegal yung pagiging cute, handsome and hot as the same time?! Shet na malagkit! Illegal 'yon!
 
 
 
Suwerte mo, Darren. Puring-puri ka na sa isip ko.
 
 
 
"Ah basta! Kainin mo na yan. Go na!"
 
 
 
"Hija, baka naman magka-sakit ang nobyo mo niyan sa kapipilit mo?" napalingon ako sa tindera na nagtanong.

  
 
"Nay! 'Di ba kayo din po yung nagtitinda kahapon?" oo! Siya nga 'yon!
 
 
 
"You know each other?" oh, bigla na namang umepal 'tong Darren na 'to. Kinakausap ko pa nga si Nanay!
 
 
 
"Oh? Hindi ikaw yung kasama niya kahapon ah? Siya na ba ang totoo mong nobyo, hija?" tanong ni Nanay.
 
 
 
Todo iling naman ako. "Hindi po Nay!"
 
 

"Oh? Eh kagu-gwapo naman ng mga dinadala mo dito, eh wala kang nobyo ni-isa?" hala si Nanay! Kung maka-'MGA' naman! Dalawa lang naman sila!
 
 
 
"Nay, guwapo nga po, diba? Baka masaktan lang ulit ako sa huli." sabi ko kay Nanay.
 
 
 
"Hindi naman lahat ng guwapo, apo, ay manloloko. 'Di ba, mahal ko?" sabi ni Nanay at bumaling sa may katandaang lalaki na nag-iihaw ng barbeque sa likod tindahan.
 
 
 
Tumugon naman si Tatay. "Aba oo naman! Pero hayaan mo na sila, mahal ko. Matututunan din nilang mahalin ang isa't-isa." sabi ni Tatay at bumalik sa pag-iihaw.
 
 
 
Tumingin ako sa gawi ni Darren at ang timing na naman ulit, naka-tingin din siya sa akin.
 
 
 
Ako? Matututunang mahalin 'tong laking 'to? Hah. Baka kailangan ko munang matuto kung paano makipag-usap sa yelo.

My Summer Story (Season Series 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon