Chapter 19

23 2 0
                                    

Chapter 19: The Long Lost Friend

 
 
 
 
Feeling ko, wala na akong mukhang maihaharap kay Darren.

 
PUCHA TALAGA.
 
 
 
"AAAAAHHHHHH!!!!" hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong sumigaw.
 
 
 
Ibinaon ko yung pagmumukha ko sa unan, para naman hindi masyadong maingayan yung mga babaeng kasama ko dito.
 
 
 
"Ashriella, wala nang magagawa yang kakasigaw mo na yan. The action has been done." saway sa akin ni Iris at tumawa.
 
 
 
Nandito na kami sa kwarto namin sa inn. Kasalukuyan akong naka-dapa sa kama namin at nagpapahinga, after that one hell of a roller coaster camping.
 
 
 
May natutunan ba ako? MARAMI!
 
 
 
Natutunan kong kaya ko palang maglaro sa 'Amazing Race' kahit may hika ako, natutunan ko ring crush ko pala si Darren, tapos natutunan na may gusto pala sa akin si Ezrel.
 
 
 
Wait, hindi pa tapos.
 
 
 
Natutunan ko rin na huwag mambato ng windshield ng ibang tao, natutunan ko rin na dapat hindi ko na lang sinabi sa lahat na jowa ko si Darren, AT MAS LALONG HINDI KO DAPAT SIYA NINAKAWAN NG HALIK KANINA.
 
 
 
PAKER.
 
 
 
Malamang nagtataka kayo kung anong nangyari kanina pagkatapos ng halik chuchubels na 'yon. Well, WALA!
 
 
 
Dahil nga magka-hawak yung kamay namin 'non, I dragged him away from everyone's attention. Tapos, nung kaming dalawa na lang ang naiwan, TINAKBUHAN KO SIYA.
 
 
 
NO WORDS. TINAKBUHAN KO LANG SIYA.
 
 
 
"AHHHH!! ANG LANDI MO, SELF!" reklamo ko at sinabunutan yung sarili ko.
 
 
 
Argh! Nakakabaliw!
  
 
 
"Buti alam mo." pambabara sa akin ni Eirra at tumawa din.
 

 
Napa-buga ako ng hangin. "Wow! Napaka-supportive mo naman, Eirra!" I sarcastically said.
 
 
 
"Sino ba kasing nagsabi sayong halikan mo, ha?" tanong naman ni Aqua.
 
 
 
When Aqua said that, everything came flowing back in my memory.

 
 
The place, the way I tiptoed to reach him, THE FREAKING SOFT FEELING WHEN MY LIPS TOUCHED HIS.
 
 
 
PUCHAAAA!
 
 
 
Now I know how Iris felt.
 
 
 
MAMAAA! HUHUHU!
 
 
 
"Girl, you look stressed. What do you say we go out and grab some coffee at the coffee shop? Coffee always helps, di'ba?" sabi sa akin ni Iris.
 
 
 
I suddenly thought about caramel macchiato with a couple shots of espresso.

 

And a slice of mocha cake.
 
 
 
My mouth watered.
 
 
 
"I guess that will help." sabi ko kay Iris at ngumiti.

 
 
 
~★~

 
 
 
"Isang slice ng mocha cake tapos caramel macchiato. You know my taste." sabi ko at ngumiti ng pagkatamis-tamis kay Iris, na siyang kukuha ng mga order namin.

 
 
"'Yon lang? Nothing else?" tanong niya pa nang makuha na niya lahat ng order namin.
 
 
 
"That's it. Thank you, Iris!" sabi ni Eirra.
 
 
 
Chineer ko si Iris as she made her way to the counter.
 
 
 
Hindi nag-tagal ay bumalik na rin si Iris, dala yung tray kung saan naka-lagay yung mga inorder namin.
 
 
  
My mouth watered at the sight.
 
 
 
Yum!
 
 
 
"Oh, eto na. Dali, nagugutom na ako." sabi ni Iris at nilapag yung tray sa lamesa namin, here beside the glass wall.
 
 
 
"Akin na, tulungan na kita." sabi ni Eirra at tumulong mag-distribute ng mga pagkain namin sa isa't-isa.
 
 
 
"Wow naman, Eirra. Anong nakain mo?" pang-aasar sa kaniya ni Aqua.
 
 
 
Umirap si Eirra. "That's the problem. Wala pa akong nakakain. Gutom na ako---- on second thought... I need to go to the bathroom. Accompany me, girls?"
 
 
 
Nahinto ako sa pagpa-pantasya sa mga pagkaing nasa harap ko at inangat kay Eirra yung paningin ko nang biglang magbago yung isip niya.
 
 
 
She met my gaze, then shifted to Iris. "Iris! Sasamahan mo ako, di'ba?" tawag niya pa kay Iris.
  
 
 
Mas lalo akong nagtaka.
 
 
 
"Huh?" Iris looked confused but when she looked behind me, her eyes widened. "A-Ah! Oo! Sama ako. Hehe." biglang sabi niya pa.
 
 
 
Kung character lang ako mula sa isang comic book, baka nagkaroon na ng malaking question mark sa ibabaw ng ulo ko.
 
 
 
Why are they acting so weird?
 
 
 
"HOY! SAMA DIN AKO! Na-ihi ako bigla, hehe. Ashie, bantayan mo muna yung pagkain natin, ha? Bye!" Aqua happily said as she dragged Eirra and Iris with her, quickly disappearing from my sight.
 
 
 
I just shrugged my shoulders and started eating my cake.
 
 
 
Whoooaaaa~ Ang sarap!!
 
 
 
"Enjoying your meal, miss?"
 
 
 
I choked on my cake when I heard that familiar voice, na karaniwan ay cold at monotonous, pero ngayon ay low but enthusiastic.
 
 
 
He chuckled as he grabbed my caramel macchiato and took a sip on it, before giving it to me. "Here. Drink this."
 
 
 
Nahinto ako mula sa pag-ubo at tinitigan siya ng masama. Wow! Parang sa kaniya yung inumin ah?
 
 
 
"Heh! Ayoko niyan! May laway mo na yan!" badtrip na bulyaw ko sa kaniya pero tumawa lang siya at umupo sa harap ko.
 
 
 
Wow. So happiness niya na ako ngayon?
 
 
 
"You already kissed me earlier. Tapos ngayon, takot ka sa laway ko?"

My Summer Story (Season Series 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon