Chapter 11

23 4 0
                                    

Chapter 11: Once Upon a Camping


 
 
"So? What is your favorite part of the day?" sarkastikong tanong ni Eirra nang maka-balik na kami sa kuwartong tinutuluyan namin.
 
 
 
Paano ko nasabing 'sarcastic'? Well, kung magtanong siya, eh parang si Dora kapag patapos na ang isang episode!
 
 
 
"My favorite part is when the Librarian commanded the boys to clean up after we made a mess! Yey!" parang tangang sabi ni Iris at pabagsak na humiga sa kama.
 
 
 
"My favorite part is when Ashie and Darren fell on the floor just because of Agatha Christie's book!" kung si Iris ay parang tanga nung sumagot, eto naman si Aqua, parang abnormal.
 

 
Hays, ano bang nakain ng mga 'to?
 
 
 
"Oh! My favorite part is when Darren didn't let go of Ashie's hand even though it's past 20 turns! Ang usapan 15 lang!" masayang sambit ni Eirra at humalakhak ng pagka-lakas.
 
 
 
Bwiset lang, kasi totoo yung sinabi niya.
 
 
 
Bakit kasi nakalimutan ko na hanggang 15 turns lang 'yon? Kung hindi pa sinabi ni Xander nung 25th turn, hindi ko pa maalala.
 
 
 
Ang duga!
 

 
Sumulyap ako sa wristwatch ko. It's already 4:50 in the afternoon. Naka-ilang oras din pala kami sa Library?
 
 
 
That's probably the longest time I stayed in a Library.
 
 
 
Pero.... Bakit parang may kulang?
 
 
 
Napa-balikwas ako mula sa pagkaka-upo sa sofa nang malaman ko kung ano yung nawawala.

 
 
Shet! Yung bracelet na binigay ni Ezrel!

 
 
"Ashie? Problem?" tanong ni Iris, marahil nahalata niya yung pagka-balisa ko.
 
 
 
"I lost something. Alis muna ako. Retrace ko lang steps ko." maikling sabi ko at agad na umalis 'don sa kuwarto namin.

 
 
 
~★~

 
 
 
Hala... Asan na ba 'yon??
 
 
 
Naglalakad ako ngayon dito sa dalampasigan, kung saan kami dumaan kanina. Ugh! Napaka-careless ko kasi!
 
 
 
Pero agad akong nabuhayan ng loob nang makakita ng pinaghalong kulay itim at berdeng bracelet na nasa buhanginan.
 
 
 
'Yon na kaya 'yon? Sana naman!
 
 
 
Nilakad-takbo ko na distansya namin ng bracelet.
 
 
 
Nang makarating ako, agad ko 'yong pinulot at pinagpagan. Nang makita ko ang pangalan ko na naka-sulat sa parihabang kulay itim, lumuwag ang pakiramdam ko.
 
 
 
Yes! Nakita ko!
 
 
  
Isinuot ko muli yung bracelet at mas hinigpitan pa yung pagkaka-tali.
 
 
 
Sana naman hindi ka na malaglag ulit---
 
 
 
"Aray ko po!!" daing ko nang matumba ako sa buhanginan dahil may bumangga sa akin habang abala ako sa pagtali ng bracelet sa pulsuhan ko.
 
 
 
Aray... Ang sakit sa likod..
 
 
 
"Watch where you're going, will you?!"
 
 
 
Napa-tingala ako sa babaeng sumigaw.
 
 
 
What the heck?! Kasalanan ko pa pala?!
 
 
 
Okay, Ashie. Kalma. Kalmahin mo ang sarili mo dahil ayaw na ayaw mong maka-suntok ng babae ngayon, okay?
 
 
 
Huminga ako ng malalim bago tumayo.
 
  
 
Pinagpagan ko yung pantalon ko na nadikitan ng buhangin dahil nga nabaldog ako sa buhanginan. Shet, mahirap maglaba.

 
 
Hinarap ko yung babae na naka-bunggo sa akin. She's a little taller than me, maybe? I can't tell because she's wearing stilettos.
 
 
 
Yeah. She's wearing a freaking stiletto at the seashore.
 
 
 
She's also pretty, A LOT PRETTIER THAN ME. Matangos ang ilong, maliit ang mukha, makinis, at kita ang jawline.
  
 
 
Nakakahiya naman sa side ko na matabang pisngi lang ang meron.
 
 
 
Bago ko pa masyadong galingan ang pag-kumpara sa aming dalawa, eh ngumiti na lang ako ng pagka-tamis tamis.
 

My Summer Story (Season Series 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon