Chapter 10

30 4 2
                                    

Chapter 10: Truth Or Dare

  
 
"Darren?" I asked like a moron, kahit na kitang-kita ko na yung mukha niya na sobrang lapit.
 
 
 
Wait... ANAK NG COLORED PEN!!
 
 
 
Agad ko namang binalik sa bookshelves yung paningin ko nang mapag-tanto ko kung gaano ka-lapit yung mukha ni Darren sa mukha ko. That was his cue to step away.
 
 
 
Sheda mariposa, ano 'to?! Deja Vu?!
 
 
 
"You're reaching for this?" pag-kumpirma niya nang humarap na ako sa kaniya.
 
 
 
Tumango-tango ako. "Akin na!" sabi ko sabay lahad ng kamay.
 
 
 
"Nuh-uh. I reached for it, so it's mine." he coldly said, shrugging.
 
 
 
Aba, anak ng clear glue! Sinusubukan ba ako neto?!
 
 
 
"Akin na, hoy!" sabi ko at pilit na inagaw sa kaniya yung libro.
 
 
 
Ang gago, dahil nga matangkad siya, itinaas niya sa ere yung libro gamit yung kaliwang braso niya, dahil nga hila ko yung kanan.
 
 
 
Pilit kong tinatalon yung libro na winawagay-way pa niya sa ere! Aba, gago! Magaling mang-asar!
 
 
 
"Maawa ka sa pinag-kaitan ng katangkaran! Akin na!"
 
 
 
Gamit ang natitira ko pang lakas, tinalon ko na ng mataas yung libro.
 
 
   
  

  
....
 
   
 
 
 
 
Binalot ng malakas na lagabog yung buong library, kasabay ng pagbagsak ko sa ibabaw ni Darren.
 
 
 
Hinahabol ko ang hininga ko kaya hindi ko mai-proseso ang mga nangyayari. Basta ang nakikita ko lang, ang mapang-asar na ngisi na naka-pinta sa mukha ni Darren.
 
 
 
I snapped out of my reverie when I realized how near he is. And what the heck is with this position?!
 
 
 
Anak ng colorful glitters!!!
 
 
 
"Sinasabi ko na nga ba e!"
 
 
 
"What the actual fvck, Darren?!"
 
 
 
"SHUTA! SPG ULET!"
 
 
 
 
Not minding the reaction of his friends and mine, na mukhang naka-tingin na sa amin ngayon, diresto pa rin akong tumitig sa kaniya.

 
 
Ugh, mariposa! This is embarrassing!
 
 
 
Unti-unti, hinawakan ko yung libro sa kaliwang kamay niya at hinablot ito.
 
 
 

I stuck my tongue out to tease him bago tuluyang tumayo.
 
 
 
Pinagpagan ko yung suot kong oversized shirt na kulay dilaw. I tucked it into my high waisted jeans, before glancing at the book in my hand.
 
 
 
Aha! Nakuha rin kita.
 
 
 
Okay rin 'tong libro kapalit ng kahihiyan.
 
 
 
Sheda mariposa talaga.
 
 
 
"Uy! Pinag-usapan!"
 
 
 
"Yie! Mukha kayong mag-jowa!"
 
 
 
"Couple shirts! Da best! HAHAHA!"
 
 
 
Tinapunan ko ng nagtatakang tingin ang mga kaibigan ko, na nakatingin pala sa amin. Anong pinagsasa-sabi ng mga 'to?
 
 
 
Nilingon ko si Darren na mukhang katatayo pa lang matapos ko siyang daganan. Ha! Buti nga sayo!
 
 
 
Pero halos takasan ako ng lakas nang mapag-tanto ko kung tungkol saan ang sinasabi nila Eirra, Aqua at Iris.
 
 
 
Sheda mariposa!!
 
 
 
Darren is wearing a blue denim jeans, a yellow shirt, and a denim jacket. Parehas din na puti ang sapatos namin.
 
 
 
"What?" tanong ni Darren nang tapunan ko siya ng titig, mula ulo hanggang paa. Ugh! Mukha nga kaming naka-couple shirts!
 
 
 
"You look like a honeybee." pang-aasar ko na lang. Napipikon na ako!
 
 
 
I heard him slightly chucked. Huh? Ni-lait ko na nga, tumawa pa rin?
 
 
 
May lahing abnormal 'to si Darren.

My Summer Story (Season Series 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon