4

28.9K 814 136
                                    


ALAS-SIYETE pasado na siyang nagising kinabukasan. Pumasok sa banyo at naligo. She had an enjoyable dinner with Kendal last night. No wonder her mother fell for him. But then Kendal was such a wonderful man. Wala siyang maipipintas dito. And she was actually happy for her mother. 


Hindi lahat ng babae ay nagkakaroon ng second chance at love. At nararamdaman niya ang pag-ibig ni Kendal sa mommy niya. Isinisingaw iyon ng katawan ni Kendal kagabi.

Somehow, she envied her mother. And she honestly hope that they'd be both happy.Pagkatapos niyang maligo ay nag-ayos siya. Nag-blow dry ng buhok. Pagkatapos ay nagbukas ng closet at naghanap ng maisusuot. She pulled out her tight old blue jeans. Isinuot iyon. Sinipat ang sarili sa malaking salamin. Too sexy. Halos nakahapit sa balat niya ang jeans. Pero uso naman ito at bagay naman sa kanya.

Namili siya ng blouse sa mga naka-hanger niyang damit. Pinili niya ang dark blue peasant blouse. The kind that would slip on your shoulder. She grinned. She was twenty-five. Hindi pa alangang magsuot tulad ng suot niya.

She pulled her three-inch heeled strappy sandals and put it on. Isang huling sulyap sa salamin ang ginawa niya at pagkatapos ay tiningnan ang relo sa braso. By ten o'clock ay nasa opisina na siya ni Kendal. Kailangan niyang ipakita rito ang mga bagong designs na nais niyang gawin sa hotel sa Caribbean. Hindi niya iyon nagawa kahapon dahil hindi naman sila nagkaroon ng pagkakataong pag-usapan ang tungkol sa interior design ng hotel.

Hinablot niya ang laptop at inilagay sa lagayan nito at pagkatapos ay binigyan ng huling sulyap ang sarili sa salamin at lumabas ng condo.

Alas-onse na nakarating sa opisina ng ADI si Bobbie dahil sa traffic.

"Nasa office ba si Ken, Marie?" tanong niya sa sekretarya.

"Wala pa, ma'am. May early appointment si sir sa Manila. Si sir Steven po ay nasa office niya at may kausap."

"Thanks, Marie." It must be one of the ADI executives considering that Kendal's still out of the office. "Doon na lang ako tutuloy."

Magkatabi lang ang office nina Kendal at Steven bagaman mas spacious ang sa una. She gave a warning knock at pinihit ang doorknob at tuloy-tuloy sa loob.

"'Morning, Steven..."

"Hello, sweetheart," bati ni Steven. "Come and join us. Patapos na ang usapan namin ni Mr. de Silva."

Pagkarinig sa pangalan ay nahinto sa paghakbang si Bobbie. Ang mga mata niya ay tumuon sa lalaking naka-three-piece suit na tulad ni Steven ay tumayo nang pumasok siya. Kung siya ang uring himatayin ay baka bumagsak na siya sa carpet.

Romano.

Humakbang si Steven palapit sa kanya at kung hindi siya nito inakay patungo sa guest's area ay malamang na nanatili siyang nakatayo roon na tila estatwa.

"Bobbie, meet Mr. de Silva. Mr. de Silva, this is Bobbie, a family friend," pagpapakilala ni Steven, bahagya nang maramdaman ang tensiyon sa pagitan nina Bobbie at Romano.

Sa kabila ng pagkabigla ay naroroon ang hindi niya maiwasang pananabik na umahon sa dibdib niya. This was the same Romano she'd met years ago. Ang Romano na inibig niya. Tall, mestizo-handsome, broad-shouldered, at ang Romano na magkasintahan pa lang sila ay may ibang babae nang kinakasama; ang Romano na inakusahan siyang may ibang lalaki sa buhay niya at dahilan upang itanggi nitong anak si Troy.

Sukat doon ay natabunan ang pananabik sa biglang pag-ahon ng galit sa dibdib ni Bobbie. Gayunman, pinasasalamatan niya ang sariling hindi iyon bumalatay sa mukha niya. Iyon ay kung hindi nga.

Kristine 15 -Romano 2 (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon