9

24.9K 674 38
                                    


MATULING lumipas ang mga araw. Nagpatuloy si Bobbie sa pag-aaral ng interior designing habang nasa opisina si Romano. Paminsan-minsan ay dumadalaw siya kay Anna—ang ina ng mama ni Romano. Nagpapaturo siya ritong magluto sa matandang babae.

Nakilala at nakatagpo rin niya ang ilan sa mga pinsang babae ni Romano na tulad ng asawa'y pare-parehong nag-aaral at nagtatrabaho. She only met Leonard or Lenny as he was fondly called. Si Lenny ay anak ni Bernard—na kung ang daloy ng dugo ang susundin ay lolo na ni Romano na maituturing. And Anton Karl. Nakilala na niya ang papa ni Karl nang nasa Paso de Blas sila.

She liked both men already. Both men were gorgeous. Parehong kay daling tumawa at manukso. But she never saw Aidan na nasa kampo para sa training nito sa SEAL.

Minsang galing siya sa klase'y dumeretso siya sa opisina ng asawa. Inanyayahan sila ni Anna upang sa bahay nito maghapunan at nais niyang siya na ang magsabi kay Romano at sabay na silang magtungo sa bahay ni Anna.

Binati siya ng ilang empleyado habang binabaybay niya ang pasilyo patungo sa silid ni Romano.Kalahati ng pinto ay nakabukas. At sa pagbungad niya'y nakita niyang halos nakayakap na si Joanna sa asawa. Agad na nagdikit ang mga kilay niya. Ang tangka niyang pagpasok kaagad ay napigil nang magsalita ang babae.

"Hindi ko alam kung bakit mo siya pinakasalan, Romano." wika nito. "We are always good together. I can give you all the satisfaction you want at hindi ka pa magkakaproblema tulad ngayon. It was selfishness on your part, darling. Paano mo maitatago sa kanya ang katotohanan sa habang panahon? So, if I were you, annul your marriage now. Habang maaga. Habang hindi pa gaanong masakit. Madali na para sa kanya ang makalimot. She's young." At saka inilapit ang mukha sa lalaki upang hagkan ito.

Hindi na hinintay ni Bobbie na makita iyon. Mabilis siyang tumalikod paalis. Gustong sumabog ang dibdib niya sa matinding sama ng loob at galit. Sa pagkaalam na may relasyon ang dalawa at natitiyak niyang marami rin sa opisina ang nakakaalam niyon ay gusto niyang manliit. Hindi niya gustong salubungin ng tingin ang sino mang empleyadong nakakasalubong niya.

Lakad-takbo ang ginawa niya patungo sa elevator ng building. Sinikap niyang huwag pumatak ang mga luha dahil magiging usap-usapan iyon sa loob ng kompanya.

"HUWAG mong guluhin ang isip ko, Joanna," ani Romano na nagbuntong-hininga at inilayo ang babae.

Nagkibit ng mga balikat si Joanna. "Huwag mong sabihin sa aking nagkulang ako ng payo," wika nito.

"Mahal ko si Bobbie at mahal niya ako. Hindi ba sapat na maging maligaya ang dalawang tao dahil sa pag-ibig nila sa isa't isa?"

"Ikaw na rin ang nagsabi, Romano, na nag-iisang anak si Bobbie. Maliban sa ina ay wala nang ibang pamilya. You think it won't matter to her?"

Hindi sumagot si Romano. Ikinulong sa mga palad ang mukha.

"Think it over, darling. Mas maaga ay mas menos ang masasaktan. Hindi ko naman kasi maintindihan sa iyo kung bakit kailangan mong magpakasal." At nang manatiling hindi sumasagot si Romano ay nagbuntong-hininga ito at lumabas ng silid.

SA PARKING area ay hindi agad napaandar ni Bobbie ang sasakyan. Hindi niya malaman kung ano ang iisipin.

Anong katotohanan ang sinasabi ni Joanna?

At bakit sinasabi nitong ipa-annul na ni Romano ang kasal nila? May relasyon ba ang dalawa? 

Pero bakit pinakasalan siya ni Romano kung may relasyon ang dalawa? Kapagkuwa'y naalala niya nang una siyang ipakilala ni Romano rito bilang asawa. Nakita niya kung paano ito hagkan at yakapin ng babae. Na siguro'y kung wala siya'y baka gumanti na rin ng halik ang asawa.

At nang ipakilala siya nito bilang asawa ay nararamdaman niya ang galit nito na pilit itinago.Ang nakita niya kaninang pagyayakapan ng dalawa, hindi pa ba sapat na patunay na may relasyon ang dalawa?

"Bobbie..."

Mula sa pagkakayupyop sa manibela'y nag-angat siya ng tingin. Si Joanna na pumasok sa loob ng kotse at naupo sa passenger side.

"What do you want?" tanong niya sa naniningkit na mga mata.

Huminga nang malalim ang babae at puno ng simpatya ang mga mata na tumitig sa kanya.

"Alam kong nakita mo kami ni Romano kanina. I'm sorry about that... hindi ko gustong malaman mo ang relasyon ko sa asawa mo," banayad nitong sabi na tila nagpapaunawa sa kanya. "Gayundin si Romano dahil hindi ka niya gustong saktan."

"Ano ba ang sinasabi mo? H-hindi kita naiintindihan!"

"C'mon, Bobbie. You aren't that naive, are you? Romano said you were a virgin when he met you. He was so fascinated by you dahil ikaw ang kauna-unahang babaeng hinabol-habol niya. Bata pa si Romano and you were a challenge to his ego. He wanted you but you won't give in..."

Nanlaki ang mga mata niya. "S-sinabi sa iyo ng asawa ko iyan?!"She smiled sadly. "Romano and I have been together for two years, Bobbie."

She took a harsh breath. Kasabay ng pag-iinit ng sulok ng mga mata. Ang mga ganoong uri ng usapan ay intimate lamang sa kanilang mag-asawa. How dare he shared it with this woman? Hindi niya mapigilan ang hikbing kumawala sa kanya.

"Oh, please don't cry," patuloy ni Joanna na nakikita ang pagbabadya ng mga luha niya. "I'm sure you love your husband at alam ni Romano iyon. Hindi ganoon kasama si Romano upang saktan ka niya. Napakabata ni Romano para sa responsibilidad ng isang may-asawa at idagdag pa ang responsibilidad niya sa pamilya niya.

"At natitiyak kong alam mo rin iyan. What he needs is your understanding, Bobbie, tulad ng pang-unawang ibinigay ko sa kanya nang pakasalan ka niya..." she said with pain in her voice at halos maramdaman na ni Bobbie ang nasa dibdib nito. Kung totoo ang sinasabi nito at may relasyon ito sa asawa niya ay natitiyak niyang alam niya kung gaano kasakit iyon para kay Joanna. Tulad ngayon. Tila hinihiwa ang dibdib niya sa mga sinasabi nito.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Joanna, hinawakan at pinisil siya sa balikat na tila nakikisimpatya bago lumabas ng kotse. Nasa labas na ito nang yukuin siya.

"Huwag mong hintayin si Romano sa hapunan. He promised to take me out tonight."

Nakalayo na ang babae'y hindi pa rin tumitinag si Bobbie. Ang luhang nakabadya ay hindi nakuhang makalabas. Ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon ay shock. At galit.Hindi siya makapaniwala sa callousness ng asawa.

At wala siyang balak na unawain ito tulad ng gustong mangyari ni Joanna.

She'd rather die than share him with other woman! Iyon ang ipinahihiwatig ni Joanna sa kanya sa isang matamis na paraan. And how could Romano afford to hurt her and Joanna at the same time?

LATE nang umuwi si Romano nang gabing iyon.

"Gusto mo na bang kumain?"

Umiling si Romano habang hinuhubad ang amerikana. "No. Kumain na ako. Pinatawagan kita sa sekretarya ko rito kanina pero wala ka."

"You went out with Joanna?" Her voice was cold and without any emotion.

"Yes. How did you know?" Nagsalubong ang mga kilay nito na nilingon siya bago pumasok sa shower.

"She told me."

"What else did she tell you?"

"A lot of things."

"Did she?" Sandali lang ang pagkabigla ni Romano at matabang na ngumiti. "Good. Ang babaeng iyon talaga, hindi makapaghintay. Ang sabi ko'y ako na ang magsasabi sa iyo. You may not like the arrangement. But I guess she's right, the sooner you'll know it the better." At tuloy na itong pumasok sa shower.

Again, shock numbed her habang nakatitig sa nakasarang pinto ng banyo. Ni hindi nakuhang magkaila man lang ng asawa niya!

May ilang sandali siyang nanatiling nakatayo roon. Gulo ang isip. Naririnig niya sa labas ang lagaslas ng tubig mula sa shower. Nakatayo pa rin siya roon nang lumabas mula sa banyo si Romano.

"Babalik ako ng Pilipinas."

Kristine 15 -Romano 2 (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon