"THREE years and five months old!" bulalas ni Emerald bago pa napigilan ni Romano ang ina.
"Mag-aapat na taon na ang apo ko pero ngayon mo lang ipinakita sa amin?" Naghihinanakit na tumingin kay Bobbie ito sa pagkabigla niya. Pagkatapos ay niyuko si Troy.
"Emerald." banayad na hawak ni Marco sa balikat ng asawa. "Hindi natin alam kung bakit nangyari ang ganoon."
Napahikbing muling nag-angat ng mga mata ito. "I'm... sorry, Bobbie. I shouldn't have said that..." pinahid nito ng kamay ang namumuong mga luha at dahan-dahang nilapitan si Troy.
"Oh, my god, Marco, ang apo natin!"
"Are you my lola, too?" si Troy. Tumango si Emerald na ang mga mata'y buong pananabik na nakatitig sa munting mukhang nasa harap. "You're very lovely..." dagdag ng bata na inikot ang paningin sa mukha ni Emerald.
"What an adjective coming from a three-year-old. Now I believe you really are my grandson," nakatawang wika ni Marco bagaman gumagaralgal ang tinig. "Now, Troy, give that lovely lady a bear hug and a kiss."
Sumunod ang bata at niyakap si Emerald at hinagkan. Humagulhol ng iyak si Emerald at niyakap nang mahigpit si Troy.
Umiwas ng tingin si Bobbie at humakbang patungo sa veranda sa labas. Mula roon ay tinanaw ang malawak at berdeng kaparangan. Sa loob ng isang linggo, apat na taon na ang nakalipas, ang lugar na ito'y isang paraiso sa kanya. Walang kahalintulad sa alinmang lugar sa buong mundo. Narito sa lugar na ito ang unang maliligayang araw niya sa piling ni Romano.
At bagaman apektado na ng modernization ang world-class Kristine hotel and resort ay hindi ipinahihintulot ng pamilya na ang mga turista ay lalampas sa boundary na itinalaga para sa mga ito. Nanatiling pribado ang napakalaking bahagi ng isla.
Ang ilang bahagi ng isla ay ni hindi pa nasisilip ng mga foreigner. Lalo na ang isang bahagi ng gubat kung saan naroroon ang mga preserved animals and birds. Naroon din ang mga ligaw at eksotikong bulaklak at orkidyas na sa islang iyon ng Paso de Blas lamang matatagpuan.
Nasa kagubatan din ng Paso de Blas ang dalawa sa iilan na lamang na natitirang Monkey-eating Eagle. Minsan na niyang nakita ang paglipad niyon nang ibigay sa kanya ni Romano ang teleskopyo. And the bird almost took her breath away.
Pero kay daling naglaho ng kaligayahan niyang iyon. Ni hindi sila umabot ni Romano sa unang taong anibersaryo. She took a lonely breath nang mula sa likuran niya ay magsalita si Romano.
"I'm sorry about that." ang tinutukoy nito ay ang sinabi ng ina.
"Naiintindihan ko. Wala siguro silang alam sa tunay na nangyari." may sarkasmo ang huli niyang sinabi.
Nagbuntong-hininga si Romano. "Gusto ko sanang bukas mo na harapin ang Lola Julia pero gising na siya. Nasa silid niya si Troy kasama ang mommy at daddy. And she wanted to talk to you, too."
Humarap siya rito. "Sure," she arched her brows bitchily. "What do you want me to say to her?"
Tumiim ang mga bagang ni Romano. Naningkit ang mga mata. "Inaamin kong ako ang nagkasala sa nangyari sa ating dalawa, Bobbie. At nakikiusap akong huwag mong idamay ang mga matatanda. Wala silang alam sa tunay na dahilan kung bakit nagkahiwalay tayo."
Lalo lamang umangat ang mga kilay niya. "Di naiwala mong lalo ang mana mo."
Tumingala si Romano at hinagod ang batok. Matinding pagpipigil ang ginawa upang huwag magalit. Pagkuwa'y muling humarap sa kanya.
"Walang mawawalang mana, Bobbie!" he said angrily. "With or without Troy, mamanahin ko ang lupaing ito. Even then, hindi mahalaga sa akin ang katumbas na salapi sa farm na ito. I already have enough wealth to reach me two lifetimes. I love this farm because this is my heritage!
"Ibigay mo sana kay Lola ang respetong nararapat para sa kanya. Wala siyang ipinakitang masama sa iyo noong naririto tayo."
"As you wish," at humakbang siya papasok. Mabilis na hinawakan ni Romano ang braso niya.
"Sabay niya tayong gustong kausapin." Ang babala sa tinig nito at sa tila bakal na mga daliri sa braso niya'y sapat na upang bumagal ang mga hakbang ni Bobbie.
JULIA was very pale and weak. She must be over eighty. Subalit nakita niya ang kagalakan sa mukha nito habang nakaupo sa tabi ng kama si Troy at kinakausap ang nuno. Kinarga ni Marco ang bata nang pumasok silang mag-asawa. Tahimik na lumabas ang tatlo.
Yumuko si Bobbie at hinagkan sa noo ang matandang babae. "How are you, grandma?"
"Dapat akong magalit sa iyo, hija, dahil ikinait mo sa akin ang aking apo sa tuhod. Hindi ko na nais malaman pa ang dahilan. At narito na kayo. Iyon ang mahalaga. At nagpapasalamat ako nang labis sa iyo dahil hindi lahat ay nagkakaroon ng pagkakataong masilayan ang susunod na magmamay-ari ng ranchong ito." Julia took a deep breath. Kinabahan si Bobbie na hindi na ito muling magsasalita. Naupo siya sa gilid ng kama nito at hinawakan sa kamay ang matandang babae.
ikiniling nito ang ulo sa may bintana kung saan nakatayo si Romano at nakatanaw sa labas.
"When you left, Romano has never been the same. Sana'y magpatawaran kayo sa anumang pagkukulang ng isa't isa, Bobbie."
She swallowed a lump in her throat. Sana nga'y ganoon kadali. Sana nga'y kaya sila naririto ngayon ay dahil totoong mahalaga siya para kay Romano. Oh, yes, nakikita at nararamdaman niyang mahalaga rito si Troy. Iyon ay dahil kailangan nito ang anak niya. Pero hindi ba at sinabi lang ni Romano na naroon si Troy o wala ay mamanahin nito ang farm? Na mahalaga rito ang farm dahil legacy iyon ng nuno?
Wala pang labing limang minuto siya sa silid ng matanda at lumabas na dahil sumenyas na ang nurse nito na hindi mabuti para dito ang mapagod nang husto. At ang excitement sa pagkita sa bata ay malaking bagay.
BINABASA MO ANG
Kristine 15 -Romano 2 (UNEDITED) (COMPLETED)
Romance"I need you back in my life, Bobbie, with our son. And I always get what I want." Halos ikamatay ni Bobbie nang itanggi ni Romano na anak nito ang kanyang dinadala and accused her of having an affair with another man. Binigyan siya ng pag-asa ni Ken...