NAGISING si Bobbie na nag-iisa na lang sa kama. Mabilis siyang bumangon upang mahiga ring muli nang maramdaman ang pananakit ng katawan. She stared blankly at the ceiling. Ang nasa isip ay ang nangyari sa buong magdamag... the intensity of Romano's lovemaking. No. Not lovemaking.
It was sex. Wonderful sex. Romano taught her everything about the three-letter word. And they were always good together. But last night surpassed everything. Tatlong beses sa buong magdamag ay nagigising siya. Aroused and wanting. Tinanggap niyang lahat ang pangangailangan nito, his thrusting domination over her body.
Pumapasok na sa siwang ng kurtina ang unang silahis ng araw nang ikulong siya ni Romano sa mga bisig nito at patulugin.
And I thought I was over you, she sobbed silently. Pinatunayan ni Romano sa buong magdamag na walang ibang lalaking magdudulot at magbibigay sa kanya ng ganoong kaligayahan.
And she missed and loved him so much.
May ilang umaga rin sa nakalipas na mga taon na nagigising siyang umiiyak. At ngayo'y muli siyang umiiyak. May ilang sandali ring malayang dumaloy ang mga luha niya nang biglang maisip ang anak. Mabilis na naupo sa kama at dinampot ang telepono.
"Mom?" aniya nang mabosesan si Emerald. "S-si Troy po?"
"Oh, he's fine, Bobbie. Huwag mo siyang alalahanin. Kaninang bandang alas-nueve ay nangabayo ang mag-ama—"
"Nangabayo?" agap niya. "With Romano?" hindi makapaniwalang hinanap ng mga mata ang wristwatch. Anong oras na ba? And was horrified nang malamang alas-tres na ng hapon. She groaned silently.
"Yes, hija. Tuwang-tuwa ang bata. Pagkatapos ay muling bumalik si Romano riyan sa hotel. At kasama naman ngayon ni Troy ang lolo niya. They went fishing." Emerald sighed happily. "Bobbie..."
"Yes, Mom..."
"Binigyan ni Troy ng bagong kahulugan ang salitang kaligayahan sa amin ni Marco, hija. At nagpapasalamat ako sa iyo. Alam kong may problema pa rin sa pagitan ninyo ni Romano. Nararamdaman ko iyon. At nakikita ko ring mahal mo pa ang anak ko tulad din ng mahal ka niya. And it's a good sign, hija. Love covers a multitude of sin."
"Mom—"
"There's no need to protest nor explain, Bobbie," agap ni Emerald. "Kung kailangan mo ang tulong ko ay narito lang ako. Gusto kong sumama ang loob sa iyo dahil kahit sa amin ay lumayo ka. Pero hindi kita masisi. You and Romano married very young. My son must have loved you so very much upang balikan ka at pakasalan sa gitna ng maraming responsibilidad niya sa pamilya at sa kompanya. Four years have been wasted. Don't you two add a single day. I beg of you. Nakausap ko na rin ang anak ko kanina."
Matapos ang pag-uusap na iyon ay mabilis na pumasok sa banyo si Bobbie at naligo. Nagbihis at bumaba sa ground floor ng hotel. Isang hotel personnel ang bumati sa kanya.
"Nakita mo ba si Romano?"
"Nasa opisina po ni Sir Nat, Ma'am."
Nagpasalamat siya at humakbang patungo sa opisina ni Nathaniel. Bukas ang pinto at nakita niya si Joanna na nakayakap sa asawa. Umikot ang tingin ni Bobbie. Naulit ang eksenang dinatnan niya sa opisina ni Romano four years ago. Lamang sa pagkakataong ito'y hindi nakangiti si Joanna kundi umiiyak habang hinahaplos ni Romano ang likod nito.
"Thank you, Romano. Ang akala ko'y matitiis mo ako," pahikbing sabi nito. "Hindi ko kaya.""Hindi ko binabalewala ang mga taong magkasama tayo, Joanna, and you have proven yourself faithful. Magkita tayo roon sa katapusan. Marahil ay naayos ko na ang mga dapat ayusin dito."Mabilis na tumalikod si Bobbie at nagtuloy sa dagat. At tumakbo nang tumakbo hanggang sa makalayo siya sa maraming mga tao. Ibinagsak niya ang sarili sa buhanginan. Gustong sumabog ang dibdib sa sama ng loob. Gustong sumigaw.
BINABASA MO ANG
Kristine 15 -Romano 2 (UNEDITED) (COMPLETED)
Romance"I need you back in my life, Bobbie, with our son. And I always get what I want." Halos ikamatay ni Bobbie nang itanggi ni Romano na anak nito ang kanyang dinadala and accused her of having an affair with another man. Binigyan siya ng pag-asa ni Ken...