SA LOOB ng tatlong araw na nakaburol si Julia ay hindi makausap ni Bobbie si Romano. Ito ang punong-abala sa lahat. Si Marco ay naroon lang sa tabi ng casket ng ina. Naroon lahat ang mga Fortalejo, ang mga Navarro, at ang halos buong Paso de Blas.
Then she met Kurt La Pierre at nalaman niyang taga-La Crouix ang machong asawa ng nakababatang kapatid ni Romano. Kandong nito si Troy. Nagkumustahan ang dalawa at nag-usap ng kung ano-ano na lang tungkol sa isla sa Caribbean.
"Sana kung ano man ang sigalot sa pagitan ninyo ni Romano ay malutang alang-alang dito sa bata," anito.
She sighed. "Ewan ko, Kurt. Gusto ko mang magalak sa muling pagbabalik ni Romano sa buhay namin ni Kurt ay hindi ko magawa. Baka sa sandaling makabalik kami sa Maynila ay balik na naman sa dating gawi..."
"Why is that, Bobbie? Hindi kayo ipapahanap ni Romano sa akin kung hindi ka mahalaga."Nagsalubong ang mga kilay niya. "Ipinahanap niya kami?"
"Hindi mo ba alam?" Kurt asked, a little bit confused. "Hindi ba sinabi sa iyo ni Romano?"
"Ang alin?" Nagdikit nang husto ang mga kilay niya. "Bakit niya kami ipinahanap? Siya ang nagtaboy sa akin may apat na taon na ang nakararaan."
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Kurt at sinulyapan si Romano na kausap ang tiyuhing si Bernard Fortalejo sa tabi ng casket ni Julia.
"Ewan ko, Bobbie. I was confused, too. May palagay akong kayo ni Romano ang dapat mag-usap tungkol sa bagay na ito."
"Please, Kurt. Sabihin mo sa akin ang bagay na alam mo. At this point in time, hindi madaling kausapin si Romano. Ni hindi ko alam kung aware siyang naririto ako mula pa nang mamatay si Lola Julia."
"Maliban kay Romano ay ako lang ang nakakaalam nito, Bobbie. Kahit ang asawa ko ay hindi alam ang bagay na ito. Kahit na ang Papa't Mama," patuloy ni Kurt. "I don't believe it's my right to tell you. Sisirain ko ang patakaran ng aking sariling kompanya."
"I... I have this feeling that if you don't tell me what you know, baka lalong lumala ang alitan sa amin ni Romano, Kurt. So, please."
"Romano was too proud to tell anyone about his marital problems, not even to his family. Thinking about it now, kung hindi kayo muling nagkita, hindi ko alam kung hanggang kailan niya mapagtatakpan ang paghihiwalay ninyo..."
"Kurt..." She was impatient. Si Troy ay nagpababa mula sa pagkakandaong at tumakbo patungo sa ibang grupo ng mga kabataan.
Tumango si Kurt. "Romano will probably kill me for this. But what the heck!" He sighed. "Nang magtungo kayo sa Amerika ay ini-require ng kompanya ang isang SOP para sa kanino mang executive. That is a complete physical checkup. Ginawa iyon ni Romano bilang pagsunod sa standard operating procedure ng kompanya. Two days after, he left for Manila and married you.
Dalawang buwan na kayong kasal nang hindi sinasadyang malaman niya ang result ng physical examinations niya when one of the company doctors teased him about it. Kung ano ang solusyon ninyong mag-asawa sa bagay na iyon..."
"A-about what?" aniya.
"He was sterile. Iyon ang nakalagay sa medical report niya."
Napasinghap si Bobbie. Naalala ang anyo ni Romano nang sabihin niyang gusto niyang magkaanak nang marami... nang gawin niyang nursery ang isang silid sa apartment nito sa Houston.
"And—and—"
"And he probably thought Troy wasn't his," dugtong ni Kurt. "Kaya ako man ay nagtaka nang makita ko si Troy. Hindi mo puwedeng ipagkamaling hindi anak ni Romano ang bata. In fact, I really mean to talk to him about this until you three came here the other day. Natiyak kong alam na ni Romano na anak niya si Troy..."
Subalit wala na kay Kurt ang isip ni Bobbie. Nakatitig sa asawang nangingitim na ang mukha sa whiskers. Sa sandaling iyon ay gusto niyang umiyak. Wala marahil magtataka kung gagawin niya iyon subalit tuyo ang mga mata niya.
"N-noong isang araw lang sila nagkita ni Troy," wala sa loob niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Kristine 15 -Romano 2 (UNEDITED) (COMPLETED)
Romance"I need you back in my life, Bobbie, with our son. And I always get what I want." Halos ikamatay ni Bobbie nang itanggi ni Romano na anak nito ang kanyang dinadala and accused her of having an affair with another man. Binigyan siya ng pag-asa ni Ken...