Chapter 17

6.9K 291 14
                                    


Chapter 17

NANG makabalik sila ng maynila ay hinatid lang siya ni Lucien sa bahay niya. Ang inaasahan niya ay mananatili rin ito roon ngunit labis ang pagkadismaya niya nang umalis ito pagkababa niya.

Bagsak ang balikat na pumasok siya sa kanyang bahay. Nagtungo sa kwarto at inihiga ang katawan sa kama.

Nakatingin lang siya sa kisame. Iniisip kung ano ba ang gagawin niya para sa binata.

Kung tutuosin ay kaya naman talaga niyang ipawalang bisa ang kontrata. Kaya niyang huwag na itong makita pa. Tutal naman ay sandaling panahon palang silang magkakilala.

Ano ba ang pumipigil sa kanya?

Dahil ba mukhang gusto ito ng pamilya niya kahit alam ng mga ito na isa itong ex-convict.

"But Lucien was sent here to you on purpose."

Nangibabaw ang tinig ng kanyang ina sa isip niya. Inis niyang kinuha ang unan upang itakip sa kanyang mukha. Nagbabakasakaling maalis iyon sa isip niya.

Ano nga ba ang dahilan?

At bakit hindi niya masagot ang tanong nito sa kanya kagabi?

"Why?" Naiiyak niyang tanong sa sarili.

Sa ganoong sitwasyon pumasok sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Lucien sa ilalim ng puno.

Aaminin niyang muntik na siyang bumigay sa halik nito. Kung hindi siguro sila naghiwalay upang kumuha ng hangin ay hindi siya makakawala sa tukso na dala ng binata.

Ngunit ang labi nito na kay sarap lasapin. Ang nakakasabik nitong dila na humagod sa loob niya ang humibang sa kanya. Na hanggang ngayon ay hinahanap parin ng kanyang labi.

Marahas siyang umiling upang alisin sa isip ang binata. Pagkatapos ay bumangon siya saka nagtungo sa banyo niya upang maligo.

Nang matapos ay nagtungo siya sa kanyang opisina. Nagbabakasakaling makalimutan niya ang labi nito.

"Goodmorning, attorney." Bati sa kanya ng sekretarya niya. "May bisita ho kayo."

"Who?"

"Si mr. Zaldriagga ho."

Inis na bumaling siya sa nakasara niyang opisina.

"Kailan pa siya narito?"

"Magda-dalawang oras na ho."

Napamaang siya. "And he waited?"

"Yes, attorney. Sinabi ko naman ho na baka hindi kayo makarating kaagad. Pero.."

"Thanks."

Ano na naman kaya ang pakay nito sa kanya? Sa tingin naman niya ay hindi na ito pinipilit ng Daddy niya gayong kasundo naman nito si Lucien.

Malamang ay may kailangan ito sa kanya dahil hindi ito mag-aaksaya ng oras maghintay kung wala.

Naglakad siya patungo sa pinto niya at kaagad niyang binuksan iyon. Bumungad sa kanya ang binata na prenteng nakaupo sa swivel chair niya.

Sumama ang mukha niya sa nakita. "What do want?"

"You." Deretsang sagot nito, walang paligoy ligoy. "I want you."

"Seriously, Ashton, hindi ako nagbibiro. Ano ang kailangan mo sa akin?"

"Mukha ba akong nagbibiro?" Tumayo ito sa upuan at inayos ang suot na blacksuit.

Nagyayabang ang taas nito.

Si Ashton Zaldriagga ay matagal na nireto sa kanya ng Lolo at Papa niya. Sinubukan niya namang makipag-date rito, ngunit hindi talaga sila nagkaroon ng spark. Kung iyon ba ang matatawag.

Herrera Series 7: Owning the TemptressWhere stories live. Discover now