Chapter 36

7.4K 344 34
                                    


Chapter 36

HINDI alam ni Roxanne kung papaano sisimulan ang usapan. Kuyom niya ang kamao habang nakatingin sa babaeng hindi manlang alintana ang prisensya niya.

Dinala nila ang babae sa isang restaurant kung saan malayo sa maingay nitong lugar. Nagpapasalamat naman siya at pumayag ito.

"Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong klase ng lugar." Ani ng babae habang nililibot ang tingin sa loob ng restaurant.

Hindi gaanong matao roon pero ang ilan sa mga naroon ay nakatingin sa gawi nila—sa babaeng halos lumabas na ang kaluluwa.

Hindi siya makapaniwala na ito ang babaeng nagluwal sa kanya. Hindi ba niya alam kung ipag-papasalamat ba niya na inampon siya ng Mama niya o hindi. Ngunit sa mga oras na iyon, lumukob ang galit niya sa puso.

"Ano pala ang pag-uusapan natin?" Baling nito sa kanya.

Bigla ay tumayo si Lucien. "Mabuti pa at mag-usap muna kayo." Anito.

Bigla ay kinabahan siya kaya naman bago ito tumalikod ay hinawakan niya ang kamay nito.

"D-Don't leave me here."

"I should stay out of your business, Roxanne. After all, I have nothing to do with it." Hindi iyon sampal sa kanyang mukha kundi isang respeto nito sa kanyang desisyon.

Kinuha nito ang kamay niyang nakahawak sa kamay nito at binaba iyon.

"I'll wait you outside."

Wala na siyang nagawa pa. Napalunok siya habang sinusundan ng tingin si Lucien. Bigla ay nawala ang tapang na meron siya.

May waiter na lumapit sa kanila at nagbigay ng menu. Ibinuklat nito ang hawak na papel at ballpen at handa ng isulat ang kanilang oorderin.

"Oorder ba tayo?" Tanong ng babae na binuklat ang menu. "Ang daming mamahaling pagkain—"

"Just water."

"Huh?"

"Hindi naman tayo magtatagal dito. Actually, wala akong planong makipag-usap sa'yo ng matagal." Nag-angat siya ng tingin sa waiter. "Mamaya na ako mag-oorder. Pag-alis niya."

"Sige ho, ma'am." Umalis na ito.

"Oh?" Sandali itong natahimik bago naglahad ng palad sa kanya  "Edi bayaran mo nalang ang oras ko na sinayang mo."

"Pagkatapos nating mag-usap."

"Walang problema." Umayos ito ng upo. Ang kamay ay pinag-krus sa dibdib. "Ano ba ang sadya mo sa akin?"

"Kilala mo ba si Rosella Herrera?"

Ang ngiti nito ay biglang nawala at ang mapagmalaki nitong emosyon ay unti-unting nanamlay.

"Silence means 'yes'."

"S-Sino ka?"

"Anak niya."

Mahina itong napabuga ng hininga. Dahil sa makapal nitong makeup ay hindi niya alam kung namutla ba ito, ngunit ang nababahalang emosyon nito ang nagpaalam niyon sa kanya.

"Nalaman kung ampon lang niya ako." Saad niya. "Ang totoo, wala naman akong planong kilalanin ka ng husto. Gusto ko lang malaman kung bakit mo ako ibinigay?"

"Hindi pa ba iyon klaro sa'yo? Mukhang ibinibigay naman nila saiyo ang lahat. Maayos naman ang buhay mo."

"I guess. But I want my answer. Karapatan ko naman sigurong malaman kung ano ang dahilan, hindi ba?"

Nawala ang emosyon sa mga mat nito. "Hindi ka na dapat pa nag-abala. Sinasayang mo lang ang pareho nating oras. Makontento ka sa kung ano ang meron sa'yo ngayon. Pasalamat ka at merong mga tao na kayang ibigay ang mga bagay na meron ka."

Herrera Series 7: Owning the TemptressWhere stories live. Discover now