Chapter 38

7.6K 359 19
                                    


Chapter 38

NAGING malagkit ang tingin ni Roxanne sa dalawang nag-uusap. Nang matapos ang hapunan ay hindi pa muna sila umalis sa mahabang mesa dahil sa naging malalim na pag-uusap ng kanyang pamilya.

Pero si Lucien at ang babae ay nagkaroon ng sariling mundo. Dahil malayo siya ay hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng dalawa, maliban sa halakhak ng babae.

Nagpangalumbaba pa ito at natuon kay Lucien ang buong atensyon na para bang ito lang ang tao naroon at wala ng iba.

Ang binata naman ay nakangiti habang nagsasalita. Noon lang niya nakita na gano'n si Lucien.

"So, I heard you are planning to go abroad?"

Bigla ay lahat sa kanya natuon. Maging ang dalawa ay naputol ang usapan.

"Paano mo maaasikaso ang kompanya kung aalis ka?"

Nagbaba siya ng tingin sa plano niya. Kaunti lang ang nilagay niyang pagkain pero hanggang ngayon ay hindi pa niya nauubos.

"And the fact that you are pregnant. I don't think I will allow it, Roxanne."

"I am still deciding, Lolo."

"About going abroad?"

"Sa lahat."

"What do you mean?"

Napabuntong hininga siya saka tinuro ang papel. "To be honest, I am happy that you are giving me this opportunity, but. Taking Lucien away?.." Pagpapakatotoo niya. "That's too much." Sobra para sa kanya. Hindi niya alam kung makakaya ba niya na malayo si Lucien.

Kailan lang nang sabihin niya sa binata na ayaw na niya itong makita. Pero ngayon na Lolo na mismo niya ang maglalayo kay Lucien, natitiyak niyang tototohanin iyon ng matanda.

Nakita na niya kung paano ito naging hadlang kay Nathalie at Lio. Ngunit dahil mahal ng dalawa ang isa't isa ay nagtagumpay ang dalawa at nagkatuluyan bandang huli.

'It's them against the world'

"Hindi ba at iyan naman ang matagal mo ng pangarap? Ang makuha ang kompanya ko? Now that you have it, bakit ka pa nag-aalala?"

May gustong ipahiwatig ang kanyang Lolo sa kanya at alam niya kung ano 'yon. Ibibigay talaga ng Lolo niya sa kanya ang kompanya pero kailangan niyang mamili.

Ang kompanya o si Lucien?

Kilala niya ang Lolo niya, alam niya kung paano ito maglaro at hindi iyon kaaya aya lalo na kung siya ang pinaglalaruan.

Sinamaan niya ng tingin ang Lolo. "This is unfair."

Sumeryoso ang tingin ng kanyang Lolo sa kanya. Ang kaninang magaang awra sa paligid ay bumigat. "Then make it fair."

'Choose' iyon ang gustong ipahiwatig sa kanya ng kanyang Lolo. 'Your pride or Lucien.'

Nakuyom niya ang kanyang mga kamao. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Ang isip niya ay sinisigaw ang matagal na niyang gusto ngunit iba naman ang sinasabi ng puso niya.

'This is bad.'

"If you're still undecided, why don't we end this conversation for now?" Bumaling ito kay Lucien. "I want to talk to Lucien about certain things. Gusto kong maging handa siya sa lahat bago siya sumama sa akin. Heather will—"

"Why her?!" Hindi niya naiwasang magtaas ng boses. "Sa lahat ba naman ng tao mo, bakit babae pa."

"Do you want August to do it?" Tanong ng kanyang Lolo.

Herrera Series 7: Owning the TemptressWhere stories live. Discover now