Chapter 37

7.5K 377 37
                                    

Chapter 37

"THANKS for bringing her home, Lucien." Wika ni Everest sa kanya sabay tapik sa kanyang braso saka ito malalim na napabuntong hininga. Marahil ay naibsan na ang pag-aalala nito sa kapatid. "How is she?"

Sinulyapan niya si Roxanne na may matamlay na ekspresyon. Umupo ito sa sofa at siya naman ay napabuntong hininga.

"I don't know. Hindi siya kumibo pagkasakay namin sa sasakyan."

"I see. She must be exhausted." Baling rin nito sa kapatid. "Masyadong marami ng nangyari sa kanya na hindi maganda. Kung mahinang tao lang siguro ang makaranas niyan, tiyak kung hindi nila kakayanin."

"I am sorry."

Namamanghang bumaling sa kanya si Everest. "For what?"

"Isa ako sa naging dahilan ng mga sakit na nararanasan niya."

"I don't want to say, it's fine. But I have plenty of rooms for forgiveness. You are just a human being, after all."

"Kung sinabi ko lang sana ng mas maaga."

"Then, Roxanne would've avoid you sooner. Hindi ka niya matututunang mahalin."

"In my advantage. Hinayaan ko siyang mahalin niya ako kahit pa alam ko kung ano ang lihim na nag-uugnay sa aming dalawa." Nanlumo siya. "Sigurado akong hindi magbabago ang galit sa akin ni Roxanne."

"I don't know what to do with you, anymore." Natatalong anito. "Kahit pa siguro ilang beses kong sabihin sa'yo ay hindi mo parin maiintindihan. Malamang ay nilamon kana ng takot mo. Ganyan talaga pag-nagmamahal ang isang lalaki." Napabuntong hininga ito. "Anyway, we are having a celebration. Gusto mo bang mag dinner dito?"

"No-I don't think Roxanne will allow me to-"

"What?" Kunot noong anito. "Tinext ko kasi siya na isama ka pag-uwi. Her Mom got discharged from the hospital. So we are here to celebrate."

"Oh, I see." Bumaling siya kay Roxanne. Hindi nito iyon sinabi sa kanya. "Uuwi nalang ak-"

"No, I insist. Come in." Iminuwestra ni Everest ang pinto. "Feel yourself at home." Anito saka siya iniwan. Nagtungo siya sa sala at umupo sa pang-isahang sofa.

Nakatitig siya kay Roxanne na nakasandal sa sofa at nakapikit ang mga mata. Kapansin pansin talaga ang pangangayayat nito.

"Oh, you're here, Lucien."

Mabilis siyang tumayo saka sinalubong ang ama ni Roxanne. Nagkamayan silang dalawa.

Bagama't nakaramdam siya ng nerbyos ay hindi niya nakitaan ng pagkadisgusto ang ama ni Roxanne. Bagkus ay nakangiti ito habang nakatingin sa kanya.

"Kamusta ang lakad niyo ni Roxanne?"

"Mabuti naman ho."

"You are free to stay. We are having a dinner."

"S-Sure."

Bumaling ito kay Roxanne. "Ano ang gusto mong kainin? Anything you are craving for?"

"Just water."

"Something healthy. Hindi nalang ikaw ang pinapakain mo. Remember that."

Nagsalubong ang kanyang kilay. Nagpalipat lipat ang kanyang tingin sa mag-ama at hindi niya alam kung ano ang ibig nitong sabihin kay Roxanne.

"Yeah, yeah. I'll eat anything you serve."

"I'll talk to you later."

"Ok."

Muli na namang bumaling sa kanya ang ama ni Roxanne. "At sa'yo rin. We are gonna discuss something."

"S-Sure."

Herrera Series 7: Owning the TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon