Chapter 35

7.2K 334 33
                                    


Chapter 35

NAGUGULUHAN si Roxanne nang ihinto ni Everest ang sasakyan sa isang clinic. Kanina pa nito iyon tinitingnan sa mapa at dahil ang buong akala niya ay may sadya ito ay hindi na niya iyon pinansin pa.

Ngunit nang basahin niya ang nakasulat sa karatola ng isang clinic ay halos magtayuan ang balahibo niya.

Nahinuha na niya na buntis siya pero ang marinig na totoo iyon ang siyang nagpakaba sa puso niya. Lalo na at mukhang alam rin ng kuya niya.

"Why?"

"I just want to check." Baling ng kapatid sa kanya. "Do you think didn't notice? May asawa na ako. I know when something is off. Naranasan ko na 'yon nang magbuntis si Sapphire."

Nakuyom niya ang kanyang mga kamay. "I don't want to know."

"Na ano?"

"Na buntis ako. It scares me."

"Hindi ka naman pinabayaan ni Lucien diba? I am sure that he will be the most happiest guy if he finds out that you are pregnant."

Umiling siya. "No. We had a deal."

"What deal?"

"Now that I am pregnant, he won't have to stick around me."

"Are you insane?!" Bakas sa boses ni Everest ang galit. "Papalakihin mo ang bata na walang ama?"

"I don't need a man."

"Alam mo ba na madali lang mapick up ng mga sanggol sa sinapupunan ang emosyon ng kanilang ina? If you are stress, they can pick that up right away. If you are upset, they will become upset too, dahilan para makunan ang babeng nagbubuntis." Tumiim ang bagang ng kanyang kapatid. "Huwag mong iparamdam sa bata na isa siyang pagkakamali. Child isn't a mistake. You were lucky enough to carry one."

Hindi siya nakapagsalita.

Lumabas si Everest sa sasakyan at umikot sa kabila upang pagbuksan siya. Sabay silang pumasok sa clinic. At dahil mukhang kilala ni Everest ang ob-gynecologist ay madali lang para sa kanila ang makapasok.

"Hi, Eve." Bati ng doktora. "How's your wife?"

Maganda ang babae. Ito ang tipo ng taong pagkakaguluhan ng kahit na sino. Matangkad at may magandang pangangatawan na nakatago sa puting roba na suot.

May malalim itong dimples na lumalabas sa tuwing nagsasalita ito. Makinis ang balat at may maganda at makapal na buhok.

"She is fine." Kalmadong sagot ni Everest pero naroon parin ang tensyon sa ekspresyon nito.

Bumaling ito sa kanya at napakurap. Marahil ay nagtatanong kung sino siya.

"She is my sister."

"Oh. Right." Ngumiti ito sa kanya. "Akala ko isa ka sa mga babae niya."

"Hey! I don't do that anymore!" Depensa ni Everest.

Mahinang natawa ang doktora. "I am Klare. His ex-girlfriend."

Napakurap siya at napapantastikuhang bumaling kay Everest. "Nagkaroon ka ng girlfriend?"

"Mahirap ba paniwalaan?" Sambit ng doktora. "Masyadong babaero 'yang kuya mo. We didn't last long because I don't want to commit myself in a one-sided relationship. Alam ko naman na minahal ako ng kuya mo. Pero siya 'yong tipo ng tao na hindi ibibigay ng buo ang sarili sa isang relasyon. So before I hurt myself for loving your brother so much, I broke up with him."

"She is my college girlfriend."

"Pero kami lang ang nakakaalam ng relasyon namin." Ani ng babae. "I didn't think he would end up having a wife because he is a fuck boy."

Herrera Series 7: Owning the TemptressDär berättelser lever. Upptäck nu